Chapter I

120 4 0
                                    

Title: Letters from Her
Genre: SPG
(Theme [GxG], Language and Sexual)

-Clarisse's POV-
"Clar.. nakita namin to sa kwarto nya. Hindi namin alam kung anong laman, may nakasulat kase na para sayo daw kaya di namin inopen" sabi ni Samuel (pron: Sam-myu-wel) sabay abot sakin ng isang box na pa-square. Pinunasan ko ang luha ko saka ito inabot. Walang alikabok ang box, sign na araw araw tong binubuksan at nililinis.
'To: My love and future wife.. Clarisse
From: your most handsome husband in the whole universe.. Chino'

Bahagya akong napatawa dahil sa kahanginan nya. Hays.. Chino.. Asan ka ba kasi ?

By the way, ako si Clarisse Jung. Girlfriend ni Charmaine Liu aka Chino na kasalukuyang nawawala, wala kaming idea kung nasaan sya. Pati yung car nya wala sa garahe. Imposibleng nasa ibang babae sya, hindi sya ganun. Kilala ko si Chino, di nya ko magagawang lokohin.

Yung kaninang lalaki ay si Samuel, kaibigan namin ni Chino. Andito rin ang iba pa naming kaibigan dahil naghahanap nga kami ng clue kung nasaan sya, magdadalawang araw na syang hindi nagpaparamdam sakin. Ni ha, ni ho ay wala kaya nag aalala na talaga ako dahil hindi naman sya ganun. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi sya nagpapakita sakin, pero ngayon kahit isang text ay wala.

"iha.. hindi pa ba kayo uuwi ? Gabi na baka hinahanap na kayo ng mga magulang nyo... hayaan mo pag uwi niyang si Charmaine ay pagagalitan ko agad sya dahil pinag aalala ka nya" sabi sa akin ng head maid ni Chino, wala na kasi syang mga magulang. Namatay daw ang parents nya dahil lawyer ang papa nya, ang kwento nya sakin ay ang papa nya talaga ang target nung riding in tandem at nadamay lang ang mama nya. Ang duda nila ay ang kalabang kampo ang nagpapatay sa kanya dahil magaling na lawyer talaga ang papa nya, drug lord yung nakalaban ng papa nya kaya daw siguro pinatahimik agad si tito dahil takot na maidiin sa kaso.

Yung relatives naman nila, sa takot na madamay ay iniwanan sya sa ere. Naulila sya sa edad na 10 at hindi man lang sya tinulungan ng kamag anak nya sa halip ay niligaw pa sya sa isang divisoria sa Maynila at doon iniwan. Bata pa lang si Chino ay puro problema na ang inabot nya kaya deserve nya lahat ng meron sya ngayon. Sariling bahay at lupa, mga sasakyan at ang mga collection nya ng musical instruments. Chino..

"Clar ? Are you ok ?" tanong sakin ni Samuel. Tumango lang ako bilang sagot.
"uwi na kayo, aantayin ko na lang sya dito *fake smile*. Lalo na ikaw Gab, kahit lalaki ang turing mo sa sarili mo.. prinsesa pa rin ang turing sayo ng papa mo kaya umuwi ka na, nag aalala na yun. Kayo din Sam, uwi na kayo" utos ko sa kanila.

"sigurado ka ba ate Clar ? Actually kanina pa nga tumatawag si papa..." sabi naman ni Gab.
"ok lang ako Clarisse, sasamahan na kita dito" sagot naman ni Samuel.

"wag na Sam, ok lang ako dito. Anjan naman sila manang, sa kwarto na lang ako ni Chino matutulog tsaka titingnan ko na rin ang ibang gamit nya" sabi ko naman.

"di po namin papabayaan si ma'am Clarisse mga sir at ma'am. Magagalit po sa amin si ma'am Chino sa amin pag nalaman nyang pinapabayaan namin si ma'am" sagot naman ng isang katulong ni Chino. Close ko mga maids ni Chino dahil nga lagi naman akong nandito. At ayaw nyang tinatawag syang sir, babae pa rin daw sya kaya dapat ma'am. Sabi pa nya "kung gusto mong respetuhin ka ng ibang tao, dapat ikaw mismo nirerespeto mo ang sarili mo". Naalala ko na naman sya...

"see ? I'm fine here, you guys can go now *slight smile*" sabi ko sa kanila.

"but Clari--"

"Samuel. I'm fine. Really." putol ko kay Sam dahil magpupumilit na naman sya.

"hays... Fine fine. Just keep in touch with us ok ? Lalo na sakin. If my problema, just contact me. I'll come here A.S.A.P." paalala naman ni Samuel.

"ok. Thank you" sagot ko sabay ngiti sa kanila.
"go now, mamaya rin sigurado akong nandito na yun. Di naman ako matitiis nun nang matagal, mahal ako nun" sabi ko para hindi na sila mag alala.

Hinatid ko na sila sa gate at nagpaalam. Nagpromise naman sila na pupunta ulit sila bukas para tulungan ako pero sabi ko "babalik din agad si Chino kaya di na kaylangan. Sabihin ko sa kanya tawagan agad kayo para di na rin kayo mag alala. Salamat sa tulong guys" saka ngumiti.

Pag alis nila ay naluluha akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso agad sa kwarto nya para tingnan kung may clue akong makikita.

Chino... Mahal.. Nag aalala na ko.. Nasaan ka ba ?


.................................

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon