Chapter XIII

25 3 0
                                    

  Short Update only.

-Krystal's POV-
"luh ? Bat mo kinakain yan ?" gulat na tanong nya nung nakita nyang kinakain ko yung champorado at saka inagaw yun sakin.

"pinaluto ko to para kay Clarisse" sabi nya saka subo din ng champorado.

"oh bat kinakain mo rin ? Kala ko kay Clarisse !?" sigaw ko sa kanya saka kami nag agawan dun. Madaya sya dahil mas malakas sya kaya may time sya para kumain lang nang kumain habang ako nagpapakahirap na abutin yun sa kanya.

"subuan na lang kita" alok nya sabay kindat. Tusukin ko yang mata mo eh.

"oh dali !" excited na sabi ko saka umupo.

"say aaaahhhh" sabi nya.

"aaaahhh" sabi ko rin naman habang masayang nakapikit at inaantay yung champorado.

"mmmm sarap !" sabi nya after nya isubo sa sarili nya yung champorado. Tiningnan ko sya ng masama saka naglakad palabas ng kwarto.

"san punta ?" tanong nya.

"kukuha ko ng akin ! Bahala ka jan ! Masiba ! Mabulunan ka sanang matakaw ka !" sigaw ko sa kanya. Tawa lang sya. Baliw talaga.

Kumuha ako ng madami tapos dinamihan ko ng gatas, kumuha na rin ako ng tuyo at nagdala ng konting suka, nilagay ko sa tray para di ako mahirapan magdala.

*knock knock*
"OY PANGET PABUKAS NG PINTO !" sigaw ko dahil soundproof yung kwarto.

"BAHALA KA JAN !" rinig kong sigaw din nya. Bwisit talaga to. Binaba ko muna yung tray sa sahig saka pinihit yung door knob pero nakalock.

"BWISIT KA TALAGA ! BUKSAN MO TO ! PAG DI MO BINUKSAN BUSTED KA NA !" sigaw ko at agad namang bumukas yung pinto.

"busted naman agad ?" parang batang sabi nya pero nilagpasan ko lang sya.

"pahiram nga ko ng phone mo" sabi ko saka lahad ng kamay ko sa harap nya.

"baket ?" tanong nya naman.

"may titingnan lang ako, baket may tinatago ka ba ?" seryosong sabi ko habang kumakain.

"baka kasi makita mo yung mga p*rn ko HAHAHAHAHAHA" sabi naman nya. Abnormal.

"di ka naman yummy. Akina dali !" mataray na sabi ko.

"may period ka ba ? Taray mo ah" sabi nya habang kinukuha sa bulsa nya yung phone nya.

Kinalkal ko yung phone nya, gallery muna. Wala namang p*rn, mga sexy pictures lang ng mga artisa. Di ko alam pero bigla kong naisipang pumunta sa inbox nya kahit na di ko naman gawain na mangbasa ng message ng iba. Di naman sya nakikipagtext sa ibang babae except sa friends namin at friends nya, meron dun number lang. Nagtaka ako kung ano yun, bakit number lang. Babae ba nya yun ? Inopen ko yung message.

'Brad di ka pa ba tapos jan ? g*go ka naaawa na ko sa kanya. Konti na lang sasabihin ko na ! Bilisan mo na jan !' text ni Nick dun sa number lang, yun lang yung message na laman at ngayon ngayon lang sinend.

"tadaaa ! Meron na rin ako." pang iinggit nya na parang bata sakin habang pinapakita yung tray na dala nya.

"sakto ang dating mo, halika dito may tatanong ako" sabi ko sa kanya.

"ano yun ?" tanong nya habang nilalapag sa table yung dala nya saka lumapit sakin.

"sino to ? Anong pinag uusapan nyo ?" diretsong tanong ko saka pinakita sa kanya yung message. Nagulat sya.

"A-ano, si Gab nagtext nyan. Nakitext sya sakin" palusot nya. Pinakita ko yung date at oras.

"hays... malalaman mo rin hmm ? Pero promise hindi ibang babae yan. Hindi kita niloloko promise yan Krystal" sincere na sabi nya. Di na ko nagtanong dahil binanggit na nya yung pangalan ko, mukang seryosong issue yun kaya di ko na sya pinilit na sabihin.

Kumain na lang muna kami at naglandian habang binabantayan si Clarisse.

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon