Chapter XXIV

29 2 0
                                    

  -Chino's POV-
Pabalik na ko sa room namin dahil inaantok na ko.

Kumatok ako para pagbuksan nya ko pero walang sumasagot, tulog na siguro. Dala ko naman yung spare key kaya makakapasok pa din.

"Clar ?" tawag ko dahil wala sya sa kwarto. Inikot ko ang buong room, veranda at cr pero wala sya. Bumalik ako sa kwarto at nakita kong andun pa yung laptop, nakasleep mode lang kaya tiningnan ko kung bakit di pa nya inoff.

So nasa bar sya ? Bat di ko sya nakita -,- pasaway yun.

Agad akong pumunta sa bar para hanapin sya. Ang daming tao ang hirap maghanap tapos sakit pa sa mata ng ilaw.

"brad, ayaw ngang sumama sa inyo eh. Wag nyong pilitin, respeto naman." rinig ko galing sa malapit pero hindi naman ako chismoso kaya di na ko pumunta dun at tuloy lang sa paghanap kay Clarisse.

"CLARISSE ! BITAWAN NYO NGA SYA ! DI NAMAN NAMIN KAYO KILALA !" narinig ko na naman, this time napalingon na ko at agad na pumunta sa pinanggagalingan ng sigaw na yun and there she is. Parang lasing na lasing sya, may nakaalalay sa kanya ng lesbian pero di ko kilala at may babae na hinihila si Clar palayo sa mga lesbian na kasama ata nung may hawak sa kanya.

"Pare ano ba, di naman pala kayo kilala nitong mga to bakit ba nagpupumilit kayong ihatid sila ?" sabi nung babae na pinipigilang makaalis yung apat na di ko kilala. Familiar sakin yung isang yun pero di ko maalala kung saan ko sya nakita. Di pa ako makalapit dahil siksikan.

"ikaw din naman ah, di mo sila kilala pero nakikigulo ka dito. Bisexual ka ba ? Gusto mo bang ikaw ang makascore sa chick na to ?" sabi nung may hawak kay Clarisse, parang pumunta lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Agad akong lumapit, tinulak ko na yung mga nakaharang.

"uy yung asawa ko oh" sabi ni Clarisse habang nakaturo sakin.

Hinila ko sya palayo dun sa lesbian at marahan syang pinaupo dun sa couch na nasa bar saka ko hinarap yung mga g*go.

"Who are you ? Don't you dare to mess with us." sabi nung panget na matangkad. Di ko sya pinansin, humarap ako dun sa babaeng kasama ni Clarisse, ito ata yung Gladys.

"anong nangyari ?" tanong ko.

"ikaw ba yung Chino ?" tanong din nya, tumango lang ako.

"great. By the way, Gladys Reyes ng pala. Best friend ni Clar. Ito kasing mga to bigla na lang lumapit samin tapos may pinainom sila samin, di ko ininom yung akin pero si Clarisse kase tinungga agad." paliwanag nya.

"that's true, nakita ko silang may nilagay na party pill sa inumin nitong dalawa. Wala sana akong balak makialam kaso mga kapwa ko pala pilipino to kaya pinigilan ko na sila. Baka kung san pa nila dalhin yang dalawa na yan" sabi nung girl na familiar sakin.

"mga pare wag kayong makialam dito, ipaubaya nyo na sila samin. Kung gusto nyo, kami muna tapos kayo naman." rinig kong sabi nung nasa likod ko. Humarap ako sa kanya at agad na sinapak sya nang sobrang lakas kaya napaupo sya at dumugo ang bibig nya.

"bastos ka. Bastusin mo lahat, wag lang ang mga malapit sakin lalo na ang asawa ko." seryosong sabi ko. Tinayo sya ng mga kasama nya bago sumugod sakin yung isa ay may hawak na upuang bakal, di ako nakakilos agad kaya muntik na kong tamaan buti na lang sinipa sya agad sa tagiliran nung babaeng familiar.

"Jamaica Sulapat nga pala" sabi nya saka nakipagshake hand sakin at tinanggap ko naman yun.

"salamat sa tulong mo" sabi ko naman.

"What's going on here ?" biglang tanong nung isang babae. Sya ata yung manager.

"this strangers gave liquor with party drugs to this two girls right here" paliwanag ni Jamaica.

"i'm Chino, her husband." sabi ko saka turo kay Clarisse.

"i'm Love Joy Medina, i'm the manager here" sabi nya rin saka inabot ang kamay nya sakin at nakipagshake hands naman ako.

May tinawag syang babae. "call the cops, sabihin mo rin sa mga guard na wag papalabasin ang mga to" utos nya saka tinuro yung apat na hawak nung dalawang lalaki na ang lalaki ng katawan.

"pinoy ?" tanong ko.

"ah, oo. Kayo din ?" tanong din nya.

"oo, kinasal kami ngayon lang din" sagot ko.

"ow congrats, pasensya na gulong ginawa nitong mga to. Sige maiwan ko na kayo" sabi nya saka umalis na.

"sige una na rin ako, may meeting pa ko bukas eh. May ikakasal ulit na LGBT member." paalam nya. Kaya pala sya familiar dahil sya yung nag ayos ng kasal namin.

"uy Chino, pasensya na huh ? Ewan ko ba jan bakit naman kasi ininom nya agad yun. Kaya mo bang alalayan sya ? Kaylangan mo ng tulong ?" tanong nya.

Sabi ko kaya ko na kaya pinauwi ko na sya dahil malapit ng mag 12midnight.

Binuhat ko na si Clarisse na kasalukuyang nakatulog. Bride carry.

Habang nasa elevator kami ay bigla syang nagising at hinawakan ako sa muka, tapos sa lips. Di sya nagsasalita pero yung tingin nya ay parang nang aakit. Tsk epekto nung party pill to eh.

Hiniga ko na sya sa kama, kukuha sana ako ng damit nya para bihisan sya pero pinigilan nya ko. Hinila nya ko kaya natumba ako sa ibabaw nya saka nya ko hinalikan gumanti ako pero agad ko rin syang pinigilan, ayokong magtake advantage sa asawa ko.

"stop Clarisse. Epekto lang yan nung ininom mo ok ? Matulog ka na para mawala yan." sabi ko sa kanya pero nakatingin lang sya sakin at nakangiti nang nakakaakit. Iba ang kutob ko sa mangyayari.

Tumayo na ko sa kama at kinuha ang phone ko na nasa table sa kabilang side ng kama, tatawagan ko sila Nick.

Bigla syang dumapa at dahan dahang gumapang palapit sakin at andun pa din ang nang aakit nyang galaw.

"w-wife.. Stop it.. B-baka hindi ako makapagpigil" sabi ko sa kanya saka kumuha ng unan at tinakpan ko ng unan ang katawan ko.

"ok lang.. Di mo kaylangang magpigil..." malanding sabi nya. My God, pigilan nyo po sya.

"C-Clarisse.." kinakaban ako T_T para syang porn star kung mang akit.

 "raaaaawr ! Kakainin kita Chino.." nagulat ako dahil sa sigaw nya.

Lumapit sya sakin at tinulak ako paupo sa upuan na nasa likod ko. Umupo sya sa edge ng kama saka unti unting hinubad ang damit na suot nya.... Nang dahan dahan...

Lord.. Kayo na po ang bahala sa akin. Alam nyo po kung gaano ko kamahal ang babaeng to, kayo rin po ang nakakaalam kung gaano ko sya nirerespeto. Alam nyo rin pong tao lang ako at kasalukuyang hirap na hirap sa pagpipigil.

Kayo na po ang bahala sakin.

Mr. Miss: Vote po kayo at comment na rin ^_^

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon