Chapter XXI

29 2 0
                                    

  -Clarisse's POV-
Habang nakikipagbiruan si Chino kina Nick ay kinausap ko naman sila Nami.

"mga bakla.. anong gagawin ko ?" tanong ko sa kanila na akala mo first time namin ni Chino yun. Alam ko naman ang mga nangyayari sa gabi pagtapos ng kasal, di uso painosente dito. 22 na ko magpapabebe pa ba ko ?

"aba baks wag ako ang tanungin mo, wala akong experience jan. Ito si Nami oh, proffesional na yan sa ganyan, may baby na nga eh" sagot ni Krystal.

"ah eh ano... ewan ko, yung amin naman kasi nung una basta na lang nangyari eh" sagot naman ni Nami na parang nahihiya pa ring pag usapan yung ganun. Di nila alam na second time na namin to ni Chino. Kinakabahan ako... Nakakakaba rin yung first time namin pero iba kasi to, honeymoon to at approved to ng parents ko, kumbaga... Alam ng lahat na may mangyayari... Ganto ba talaga paghoneymoon ? Nakakaexcite na nakakanerbyos ?

"go with the flow na lang baks ! Igiling mo ng mabuti !" biglang sabi ni Krystal, siguro nahahalata nila yung kaba ko.

"hahahahahaha igiling talaga ?" tawa ni Nami.

"aba anong aasahan nyong payo galing sa isang virgin ? No kiss no touch kaya ako" pagyayabang naman ni Krystal.

"hay nako... pwede bang idelay ? Sa isang linggo na lang, pag aaralan ko muna" tanong ko.

"seriously Clarisse ?" tanong ni Nami.

"kaya nga baks, seryoso ka ba ? Syempre nag eexpect yun. Kita mo yung iyak ng tatay mo kanina ? Mas malakas pa umiyak sa nanay mo diba ? Kasi alam nun yung mga nangyayari pag honeymoon na ! Tsaka sigurado namang ganun din ang ineexpect ng lahat, lalo na nung mga yun oh *turo kina Nick*" sermon naman ni Krystal.

"ano kaya yung laman ng kahon na yun ?" tanong ko dahil nakita naming may sinasakay sila sa kotse na kahon.

"nako parang alam ko na ata" sabi ni Nami.

"ako din, parang may idea ako kung ano yun" sabi rin ni Krystal. Buti pa tong dalawa to may idea kung ano yun, samantalang ako... Clueless.

"*sigh* bahala na nga, kaya ko to.... Siguro ?" sabi ko na lang.

"anong siguro ? Kaya mo yan ! Masakit lang sa una" biro ni Krysyal.

"kala ko virgin ka ?" tanong ni Nami sa kanya.

"naririnig ko lagi kay Nick, pag kasi magkasama kami tapos malalaman nyang first ko sa ganto, first time ko sa ganyan. Kahit walang kinalaman sa s*x, lagi nyang sinasabing 'sa una lang yan masakit, mag eenjoy ka rin pag bandang gitna na'. Sarap nga batukan eh, napakagreen" kwento nya.

"parang si Min pala. Kaso si Min naman madalas nyang isingit yung 'kagwapuhan nya' kuno. Kahit walang kinalaman sa topic namin, magulat ka na lang kasi nadamay na naman yung kagwapuhan daw nya" kwento rin ni Nami.

Nagkwentuhan na lang muna kami dun nang biglang lumapit sila Nick sa amin at hinila palayo sakin yung dalawa. Inaway pa ni Krystal si Nick kasi basta basta daw nanghihila, nagkukwentuhan pa daw kami.

Maya maya, lahat sila tahimik at may nakakalokong ngiti na nakatingin sa direksyon ko, paglingon ko nakita ko si Chino na naglalakad palapit sa akin. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"t-tara na ?" tanong nya sabay punas ng panyo sa noo nya.

"naiinitan ka ba ? Gusyo mong hubarin ko mu--"

"h-huh ? Teka maraming tao dito, mamaya na lang dun sa hotel" biglang putol nya sakin.

"huh ? Eh ano kung maraming tao ? May polo ka naman sa loob diba ?" sabi ko.

"di ko gets" sabi naman nya.

"sabi ko kase, hubarin mo muna yang tuxedo mo para hindi ka mainitan. May polo ka naman sa loob ng tux mo diba ? Doble doble kasi yang suot mo kaya ka siguro naiinitan" sabi ko ulit.

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon