Chapter VIII

34 2 0
                                    

 -still Clarisse's POV-
Ayokong manisi pero feeling ko may kinalaman dito si Sam. Diba madalas tama ang woman's instinct ? Malakas ang pakiramdam kong may kinalaman sya dito. Bukas ko na sya kakausapin dahil pagod ako ngayon, babasahin ko na lang ulit ang sulat ni Chino. Kumuha ulit ako ng isa pang sulat na nasa pinakaibabaw pero wala na palang bago, yun na yung huli dahil yung nakuha ko ay nabasa ko na nung una.

Hays... Inabot ko yung picture frame na may picture naming dalawa.

"Chino.. Di ko talaga naiintindihan. Kaya pala hindi ko nakikita ang mga bagong post mo sa fb, tinitext at tinatawagan kita pero di kita macontact. Pinuntahan kita isang beses dito pero sabi ay wala ka daw *sniff* hays.. Ano ba yan.. Umiiyak na naman ako.. Kasalanan mo to.. Bumalik ka na.. *sniff* Patahanin mo ko.. Diba ayaw mo na umiiyak ako ? Ito oh *sob* umiiyak ako ngayon Chino...*sob* Chino.. Mahal.. *sob* asan ka ba kasi.. *sob*" iyak ko habang niyayakap ang picture frame.

"hay nako Clarisse.. *punas ng luha* Tumahan ka nga mag isa.. Wala si Chino para patahanin ka" utos ko sa sarili ko pero lalo lang akong naiiyak.

"Chino... Nasasaktan na ko nang sobra dahil sayo.." iyak ko na naman.

Tinawagan ko ang bestfriend kong si Krystal at sa kanya ako naglabas ng sama ng loob dahil ang bigat bigat na.. mag iisang buwan ko na tong kinikimkim.

"bakla.." iyak ko sa kanya sa phone. Babae yun, bakla lang ang tawagan namin.

"wag mong mamasamain Clar huh ? Pero.. What if.. Mag move on ka na lang kaya ? Bigyan mo naman ng time ang sarili mo, ang laki ng ipinayat mo. Payat ka na nga, papayat ka pa lalo baka maging kalansay ka na nyan bes" sabi nya.

"ayoko.. mahal ko si Chino... mahal na mahal ko si Chino.. Di ko kayang wala sya.." sagot ko naman.

"kaya mo bakla.. Ayaw mo lang.." sermon nya. Di ako makapagsalita dahil sa pag iyak ko, di na ko makahinga kakahikbi.

"kumalma ka nga muna, natatakot ako sayo eh" praning na sabi nya kaya kinalma ko muna ang sarili ko.

"di naman nya gustong saktan ako nang ganto eh, di naman nya sinasadya.." pagtatanggol ko kay Chino.

"oo nga.. andun na ko bakla.. what i mean is... babae ka kaya, know your worth bes. Tingnan mo yan, di mo na pinapahalagahan ang sarili mo" sermon nya. Nakikinig lang ako.

"payo ko lang naman to, nasasayo pa rin ang desisyon... ahmm wala ba syang naiwang sulat jan or anything na nagsasabi kung saan sya pumunta ? Sapakin ko yan si Chino pag nagpakita na sya, pinapaiyak ka nya, ako lang pwedeng manakit sayo no !" sabi nya kaya bahagya akong natawa.

"loka loka ka talaga *sniff*" sabi ko saka pinunasan ang luha ko.
"may box syang iniwan dito, may letters pero wala naman syang sinabi kung saan sya posibleng pumunta. May diary din pero di ko pa nababasa hanggang dulo." sabi ko.

"basahin mo dali ! Sherlock Holmes tayo ngayon !" excited na sabi nya.

"oh na, teka" sagot ko.

"ahmm eto, last 2 pages na lang pala to" sabi ko ulit.

"oo na ! Basahin mo na dali dami pang daldal !" reklamo nya. Kung di ko lang ko bestfriend baka kung ano nang nagawa ko dito.

"ah.. huh.. mmm..." bwelo ko.

"BASAHIN MO NA NGA !" sigaw na utos nya.

"oo na !" sigaw ko din. Sabunutan ko to eh.

"diary.. nasasaktan ako.." panimulang basa ko. Naiiyak na naman ako sa binasa ko. Nasasaktan sya ? Bakit ka ba nasasaktan Chino ?

"uy bakla ? Anyare na sayo ?" alalang tanong ni Krystal.

"*sniff* wala bakla. Continue na tayo." dahilan ko.

"diary.. nasasaktan ako.. ayaw na ata sakin ni Clarisse.. sabi ni Sam nagpalit daw ng number kaya hindi ko macontact, hiningi ko kay Samuel yung bago nyang number.. Nagring nung una tapos yung sunod ay unattended na" naiiyak na basa ko.

"nagpalit ka ba ng number ? Ito pa din naman yung number mo dati pa ah ? Ano bang nangyayari sa inyo ?" litong tanong nya.

"*sniff* di ko rin alam bakla.. pati ako naguguluhan.. Tuloy na natin.. *sniff*" maiyak iyak na sabi ko.

"Nagtext ako sa new number nya *sniff*. Sorry di ko mapigilan..." paghingi ko ng pasensya kay Krystal.

"i understand.. ahmm wag mo na kaya munang basahin ? Kaya mo ba ? Kagagaling mo lang sa iyak eh" sabi nya sakin.

"ok lang para *sniff* isang sakitan na lang..." umiiyak na sabi ko.

"tuloy na natin para matapos na" dugtong ko saka nagpunas ng luha.

"bakla.. *sob* ok ka lang ba ?" umiiyak na tanong ni Krystal.

"bat umiiyak ka rin ? *sniff*" tanong ko.

"bat mo naman kasi *sniff* di sinipot yung tao ?" tanong nya.

"bes di ko alam yun.. *sniff* ilang araw nga syang hindi nagtetext at tumatawag sakin nun diba ? Sinabi ko pa yun sayo tapos *sniff* yung date na nakalagay dito ay yung araw na nagpunta tayo sa kanila na wala naman sya. Naguguluhan ako *sob* di naman ako yung katext nya nun..." paliwanag ko.

"eh sino ?" tanong nya.

"di kaya si Sam ?/ si Samuel ?" sabay na sabi namin.

"tingin mo bes ?" tanong ko. Pareho kami ng iniisip.

"ewan ko. Tulog na tayo para makapagpahinga ka na rin at kumprontahin natin bukas yang Samuel na yan. Punta ka dito bukas, di ko naman alam papunta jan" sabi nya. Nagpaalam na kami sa isa't isa bago ako natulog na katabi ang diary at box ni Chino.

Mr. Miss: sorry ang lame. Di nakakaiyak. Promise ginawa ko ang best ko para gawing nakakaiyak to kaso nadidistract kase ako  :D

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon