Chapter II

54 4 0
                                    

 -Samuel's POV-
Name is Samuel Kurt Chavez, 23 year old same as Chino. Speaking of Chino, asan kaya yung g*go na yun ? Masyado nyang pinag aalala at sinasaktan si Clarisse. Kung nauna lang sana ako, hindi na sana sya nasasaktan ng ganito. Ano bang meron sa tomboy na yun !? Wala naman syang t___ ! Hindi nya mabibigyan ng mga anak si Clarisse.

Alam kong sa isip nyo ay masamang kaibigan ako, pero masisisi nyo ba ko ? Nagmamahal lang ako, pati hindi naman ako close kay Chino. Parents lang namin ang close before nangyari yung murder.

*after few days*
Tinatawagan at tinitext ko si Clarisse pero unavailable lagi ang phone nya. Nakabalik na nga kaya si Chino ? Pumunta na ko sa bahay ni Chino pero wala sya dun, maging sa bahay nila ay wala sya. Baka nagbakasyon sila ni Chino ? Pero kung nakabalik na nga si Chino.. bakit hindi naman sinasabi sakin ni Clarisse ? maging yung iba naming mga kaibigan ay walang sinasabi sakin. Pinagkakaisahan ba nila ko ?

Chino, you piece of sh*t ! Pag nalaman ko lang talagang tinatago mo sakin si Clarisse, kakalimutan kong jowa ka nya.

-Clarisse's POV-
Sa ilang araw na paghahanap ko ay wala pa rin akong nahahanap na clue na posibleng puntahan nya, and until now.. wala pa ring Chino na nangungulit sakin. Miss na miss ko na sya..

"hubby.. asan ka ba... *sob* namimiss na kita... *sob* hindi magandang biro to Chino... *sob* bumalik ka na please... promise hindi na kita aawayin pag bored ako.. hindi na kita aawayin pag may period ako.. *sob* di na kita kukurutin nang sobrang diin sa braso.. bumalik ka lang Chino... *sob* Namimiss na kasi kita... Miss na miss na kitang panget ka... *sob*" iyak ko habang yakap yakap ang paboritong unan nyang si Clara. Sunod daw sa pangalan ko kaya Clara.

Inoff ko yung phone ko dahil naririndi na ko kay Sam, maya't maya syang tawag nang tawag, text nang text. Gusto ko munang mapag isa..

May inaalala ako simula nung gabing umuwi sila Gab, kada oras lagi kong naiisip na may nakalimutan ako at di ko talaga maalala kung ano. Iniisip kong baka sa guni guni ko lang yun hanggang sa... "yung box..." sambit ko.
"tama ! Yung box !" sabi ko saka tumakbo pababa sa first floor, take note galing akong third floor. Four storey house kasi ang bahay ni Chino, madami pang bakanteng kwarto at nasa third floor ang kwarto nya.

"oh Clarisse ! Iha bakit ka ba tumatakbo !? Mamaya madulas ka at mahulog sa hagdan dahil sa patakbo takbo na yan !" sermon sakin ni manang Delia, head maid ni Chino.

"manang nasan na po yung box na nasa mini table nung nakaraang gabi ? Siguro 3 days ago pa" hingal na tanong ko.

"box ? Aba'y hindi ko alam. Itanong mo jan sa kanila at sila ang naglilinis" sagot naman nya at agad na pinatawag ang lahat ng maid sa bahay, 7 silang lahat.

"may hinahanap na kahon si Clarisse, nasa mini table daw yun nung nakaraang gabi" tanong nya sa kanila.

"3 days ago pa po manang" pahabol ko.

"tatlong araw na raw ang nakakalipas" dugtong nya.

Walang nagsasalita.

"ok ganito. Kung sinong makakapagsabi ay hindi ko tatanggalin" panakot nya. Nagulat naman ang lahat at natakot.

"grabe naman yun manang. Tanggal agad ?" bulong ko sa kanya.

"joke lang yun. Hayaan mo na" bulong din nya.

"ahmm ma'am.. ?" taas ng kamay ni Alex, pinakabatang katulong. 19 lang ata to.

"oh ano yun iha ?" mataray na tanong ni manang.

"yung may mga papel po ba yun ?" tanong nya ulit. Tumingin sakin si manang para ako ang sumagot.

"binuksan mo ?" tanong ko rin.

"hindi po ako, si Jasper po" sagot nya. Agad akong napatingin kay manang. Si Jasper ay yung makulit na bata, apo ni manang Delia. 3 years old lang sya.

"ay ah eh hehehe pagpasensyahan mo na iha, yaan mo't pagsasabihan ko" sabi naman nya agad.
"no, wag na po. Ok lang, gusto ko lang malaman kung nasaan na yung box" sagot ko para di na nya pagalitan yun bata, normal naman na sa bata yun.

"wag po kayo mag alala ma'am, di naman po nya pinunit yung mga papel. Tsaka sa tingin ko naman po ay kumpleto pa yun dahil makuha ko rin agad sa kanya bago pa nya maikalat" mabilis na sagot ni Alex.

"salamat naman. So nasan na yung box ?" tanong ko para matapos na ang hanapan na to.

"nasa bodega po" sagot nya at naglakad na papuntang bodega. Agad nyang hinanap yung box.
"ito na po ma'am !" biglang sabi nya sabay abot ng box sakin. Ito nga yun at mukang hindi naman nagalaw except sa ribbon na nakatali sa box nung inabot sakin ni Sam.

"salamat, balik na po ako sa taas" nakangiting sabi ko at agad agad na tumakbo.

"ouch..." sabi ko dahil ang sakit ng pagkakabagsak ko sa sahig.

"ow.. sorry.. ok ka lang ba Clarisse ?" rinig kong sabi ni Sam habang tinutulungan akong tumayo.

"oh my God ! Yung mga papel nagkalat na... Tsk ano ba kasing ginagawa mo dito Sam !? Tingnan mo tuloy ang nangyari !" inis na sabi ko sa kanya dahil kung hindi sya paharang harang sa daan ay hindi ko sana sya mabubunggo at hindi sana kakalat sa bodega yung mga papel.

"what ? Ikaw tong hindi tumitingin jan ah !" inis na sabi nya rin sakin.

"oy kayong dalawa, tama na yan. (kausap sa mga maids na nasa malapit) tulungan nyo nga ang ma'am nyong pulutin ang mga papel na yan" utos ni manang.

"what the f*ck Samuel Kurt ! At ako pa !? Alam mo hindi naman kita kaylangan dito, bat ka ba nandito !?" sabi ko habang pinupulot ang mga papel. Naiiyak na ko, naiisip ko na baka may magkulang.

"sorry.. i just trying to help you, akala ko kaylangan mo ng tulong ko kay--"

"si Chino ang kaylangan ko" malamig na sabi ko.

"what's wrong with you Clarisse ? Ikaw na nga itong tutulungan, ikaw pa tong galit ?" inis na sabi nya sakin. Napatigil ako sa pagpulot at tinitigan sya.

"Sam tama na, ikaw din Clarisse" awat ni manang.


......................

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon