Chapter VII

35 2 0
                                    

  -Clarisse's POV-

*FastForward*
Mag iisang buwan na simula nung mawala si Chino at parang mababaliw na rin ako. Kada magigising ako sa umaga parang nakikita ko sya sa harap ko, yung gwapo nyang muka, nakatingin at nakangiti sakin at paghahawakan ko na sya ay bigla syang nawawala... Dun na ko magsisimulang humagulgol sa unan nya. Madumi na nga yung unan, ang hilig nya kasi sa puti. Hindi ko naman pinapalabhan dahil ayokong mawala yung amoy nya dun, gustong gusto kong yakapin yun dahil parang sya yung yakap ko, ang kaibahan lang ay hindi ako niyayakap nun pabalik at hindi yun kasing init ng katawan nya. Sobrang.. Miss na miss na miss ko na sya.. Hindi maiidescribe ng salita lang ang nararamdaman ko ngayon.

Yung laman ng box na mga papel ay puro love letters na inipon nya para sakin pero di ko pa nababasa lahat. Nakaarrange pa sya by date dahil kada letter ay may date at oras, may pagkaperfectionist kasi yun. Ayaw nya ng magulo ang gamit nya, ayaw nyang makalat, ayaw nyang hindi nakaarrange ang mga gamit sa bahay. Ultimo book collections nya ay nakahanay by height, kung saan mo kinuha dapat dun mo din ibabalik dahil tititigan ka nya ng masama buong oras hangga't di mo inaayos yung ginulo mo. Ang creepy nya pag ganun, nasampolan nya ko one time eh, yung tipong kahit saan ako pumunta ay nakasunod sya para titigan ako ng masama, pagtatanungin mo kung bakit.. di naman sasabihin. Ikaw mismo ang aalam ng sarili mong kasalanan. Wierd nya no ?

Yung mga letters nya ay halos magkakatulad lang, sinasabi nya sakin kung gaano nya ko kamahal, puro papuri, meron ding pang iinsulto pero ang kasunod nun ay paglalambing na. Sobrang sweet nya kaya hindi ko magawang magtampo nang matagal. Di ko pa naman nababasa lahat dahil umaalis ako, sinusundo ako nila Nick para hanapin na ulit namin si Chino at gabi na lang ang available time ko para magbasa.

Nung nakaraan ay may nadaanan kaming sasakyan na tulad ng kay Chino, kinabahan ako dahil upi na ang harap ng sasakyan. Tumigil kami dun para itanong kung sinong may ari ng sasakyan at kung nasaan sya. Iba ang pangalang sinabi at ang sabi pa ay hindi pinalad na mabuhay yung may ari dahil sa impact. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi si Chino yun pero nag aalala pa din ako.

Sa ngayon, kakauwi ko lang. Naisip kong magbasa muna ulit. Inabot ko yung box sa side table at kinuha yung nasa ibabaw na papel.

Yung date ay yung araw before sya mawala.

'Mahal kong Clarisse,
hi mahal.. may problema ba tayo ? 3 days mo na kong iniiwasan Bakit laging naka-off ang phone mo ? Di ka sumasagot sa mga text ko'

Ano ? Di ko maintindihan ? Sya ang hindi ko macontact nun, sya ang hindi nagpapakita sa akin, huling kita ko sa kanya ay may kasama syang babae, hindi lang ako ang nakakita nun.. nakita rin yun ni Samuel pero kilala ko sya alam kong hindi nya ko lolokohin kaya kahit sinasabi ni Sam na niloloko lang ako ni Chino ay di ako naniniwala. Kahit pa nung sinabi sakin nung babae na girlfriend sya ni Chino, di pa din ako naniniwala. Gusto kong kay Chino ko mismo marinig kaya susundan ko sana sya sa cr nun pero hinila ako ni Sam at pilit akong pinauwi dahil mag iiskandalo lang daw ako.

'chinat kita one time pero sabi mo ay wag na kitang guluhin at saka mo ako binlock sa fb mo. Mahal na mahal kita wife.

-Chino'

Sure akong umiiyak sya habang sinusulat to dahil may ilang part na kumalat ang ink ng ballpen, patunay na napatakan yun ng luha nya.

Pero...

Di ko sya binlock... di ko matandaang may sinabi akong ganun. Naguguluhan ako. Kinuha ko agad ang phone ko at nag open ng fb, pumunta ako agad sa block list at nakita kong nakablock nga sya. Pano.. ? Naguguluhan ako sa mga nangyayari...

Mr. Miss: Ano sa tingin nyo readers ? anong nangyayari ? :)  

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon