Chapter XV

28 2 0
                                    

WARNING: ang topic sa chapter na to ay posibleng makaoffend sa iba. Bago basahin, humihingi na ko ng pasensya sa mga maooffend. Ito ay opinyon lamang at hindi ko nais na makasakit ng damdamin ng iba. Salamat sa pag unawa.

-Still Krystal's POV-
Inaantay ko yung lips nya na lumapat sa lips ko pero wala.. Walang lips ni Nick. Naramdaman ko na lang ang lips nya sa noo ko.

"nirerespeto kita.. Pag nangyari na yung first kiss natin ngayon.. Wala nang thrill pag tayo na. I'll treasure it kaya di muna ngayon. Maghihintay ako.." sabi nya after nya ko ikiss sa noo, nakadikit lang ang noo namin sa isa't isa habang nakapikit.

"i love you..." sabi nya. Di ko alam kung dapat ko na bang sagutin kahit yung i love you lang nya o wag muna.

"it's ok. Hindi naman tanong yun na dapat mong sagutin. Gusto kong marinig sayo ang i love you imbes na 'oo' pag sinagot mo na ko." biglang sabi na naman nya na akala mo nababasa nya ang nasa isip ko. Lumayo na sya ulit at umupo sa table habang ako ay nasa upo sa upuan na partner nung table na inuupuan nya.

"ano yung itatanong mo ?" nakangiting tanong nya. Konti na lang Nick... Bibigay na ko.

"kanina nung hinampas kita.. sabi mo babae ka rin. Diba lesbian ka ?" tanong ko.

"oo baket ?" sagot nya.

"diba paglesbian, lalaki ang turing sa sarili nila ?" - ako.

"yung iba yun. Ako kasi alam ko ang pinagkaiba ng lesbian at ng lalaki. At alam ko ang pagkakapareho ng lesbian at ng babae. Ahmm pano ba to.. Siguro kasi yung nga, na magkaiba ang lesbian at lalaki. Na kahit tawagin akong sir, kuya, iho, boy etc etc, tuwing maliligo ako.. Pinapaalala sakin ng katawan ko na babae pa rin ako at hindi ko na mababago yun kahit anong gawin ko." seryosong sagot nya.

"di ko gets" pag amin ko naman.

"hays.. Hirap kasi ipaliwanag eh. Ganto na lang, pag nagpasex change ako... ano nang itatawag sakin ?" tanong din nya.

"ahmm transman ?" hindi siguradong sagot ko.

"tama. See kahit magpasex change ang isang lesbian, di pa rin sya tatawagin na 'lalaki', transman sya hindi lalaki. Kahit papalitan nya ng panglalaki ang pangalan nya at ang gender nya sa birth certificate nya, kahit pa magturok sya ng male hormones... Still... Eggcell pa rin ang meron sya. Never magiging lalaki ang isang lesbian. Magiging transman lang sya pero hindi lalaki. May sariling mundo ang lesbian, may sariling mundo ang transman at may sariling mundo rin ang lalaki." sagot nya ulit. Di ko talaga maintindihan.

"gets ?" tanong nya. Umiling lang ako.

"basta magkaiba ang lalaki at ang lesbian,di yun maiintindihan ng taong di alam ang gantong pakiramdam" sabi na lang nya.

"oo na lang nga. Kuha kang foods" utos ko. Nagutom ako sa kanya.

"pinagod mo lang ako magsalita eh" reklamo nya saka tumayo at kumuha ng lunch namin. Di naman sya nagtagal.

"ano ulam ?" tanong ko pagdating nya.

"gg" sagot lang nya.

"wow ! Sarap ! Bilisan mo naman maglakad, nagugutom na yung tao eh !" reklamo ko.

"di ka naman tao" pang aasar nya.

"di wow" sagot ko.

"dyosa ka kasi" sabi nya sabay kindat.

"dalian mo ! Puro ka kalandian, di naman ako mabubusog nyan" bara ko sa kanya.

"sungit mo talaga, nilalambing lang eh" asar na sabi nya.

"nagugutom na kasi tapos bagal bagal mo pa" pagtataray ko sa kanya.

"sana ikaw kumuha ng sayo" paglaban nya sakin. Matapang talaga tong isang to. Tapon kita sa labas eh.

"ingay nyo naman..." biglang sabi ni Clarisse at saka bumangon.

"uy baklaaaaa !" tumitiling takbo ko sa kanya saka sya niyakap.

"ano ba yan Krystal ! Para ka namang kinakatay na baboy" reklamo ni Nick. Binelatan ko lang sya.

"away kayo nang away" sabi ni baks.

"yan kasi !" turo ko kay Nick.

"anong ako ? Ikaw nga jan nauna eh !" turo din sakin ni Nick. Nagturuan kami dun dalawa.

"sssshhhh ! Ingay.." awat ni Clarisse.

"oh sorry na.." sabi ko kay Nick.

"sorry din, ikaw kase eh" turo na naman nya.

"anong ako ? Ikaw kaya ! Panget !" sigaw ko.

"ikaw baboy !" sigaw din nya.

"ano !?" pananakot ko sa kanya.

"sabi ko ganda mo talaga !" pagbawi nya naman agad. Pasaway talaga.

"ano ba yan, nagliligawan ba talaga kayo ?" sita ni Clarisse.

"iiiiih ! Wag mo naman ipagsigawan !" sabi ko kay Clarisse.

"luh ? Di ko naman sinisigaw" depensa nya.

"kinikilig lang yan" sabat ni Nick.

"che !" sigaw ko sa kanya.

"halika na nga dito, kain na tayo. Gutom lang yan kaya ka naaabno na naman" mahinahon na sabi nya.

"ikaw bes ? Gutom ka na rin ba ?" tanong ko kay Clarisse na tulaley.

"pssst ! Hayaan mo nga muna sya" bulong ni Nick. Lumapit na lang ako sa kanya at sabay kaming kumain habang si Clarisse ay nakahiga na naman at nakatalikod samin. Umiiyak na naman yan.

Mr. Miss: hahahahahahaha kawawa naman yung mga nag abang sa kiss. Malalande !  

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon