Chapter XX

25 2 0
                                    

  -Clarisse's POV-
7pm na ng gabi pero di pa rin kami tapos. Inaantok na ko at pagod na rin, gusto ko na ring magbihis dahil sobrang naenjoy ko na ang gown ko ngayong araw. Nakasandal ako sa balikat ng asawa ko at nakapikit, hindi ko naeenjoy ang araw na to. Oo masaya ako pero hindi pa sobra dahil ayokong paasahin na naman ang sarili ko tapos biglang panaginip na naman. Ok na ko dun sa unang panaginip ko, sobrang sakit na nun at ayoko nang maulit pa yun. Hindi ko alam ang paniniwalaan ko, panaginip na naman ba to o hindi na ? Sabi nila malalaman mo daw na panaginip yung isang pangyayari kung hindi ka nasasaktan, hindi pa ko nakakaramdam ng sakit ngayong araw at gusto kong makaramdam ng sakit kahit isa lang...

"ok ka lang ? Gusto mo na bang magpahinga ? Papauwiin na natin sila, sabihin mo lang" tanong sakin ni Chino.

"*iling* no.. let them be, malapit na rin naman atang matapos to eh" sagot ko habang nakapikit pa din. Inamoy ko sya sa leeg. Ang bango nya..

"A-ahmm.. C-Clarisse..." sabi nya kaya napamulat ako. Dun ko lang napansin na nagtayuan ang balahibo nya sa braso. Nakatuxedo syang light blue na may touch of white at nakatupi ang sleeves nya below the elbow kaya kitang kita kong tumayo ang mga balahibo nya.

"ooopss.. Sorry.." sabi ko.

"ok lang" sagot nya ng hindi nakatingin at saka pinaypayan ang sarili gamit ang free hand nya.

"ok ka lang ? Bat pinagpapawisan ka ? Nakaaircon naman ang buong place diba ?" tanong ko saka akmang pupunasan ang noo nya pero tinabig nya ang kamay ko. Kinagat nya ang lower lip nya saka napalunok. Anong nangyayari sa kanya ?

"gusto mo bang mag cr muna ?" tanong ko. Nagulat naman sya at natawa nang mahina.

"hindi po. Wala to" sagot nya saka ako kiniss sa noo. Di ako naniniwalang wala, girl's instinct. Pero bakit ayaw nyang sanihin ?

Sumandal na lang ulit ako sa kanya at pumikit.

-Chino's POV-
Hindi ko alam kung sumiksik ba sya sa leeg ko o inamoy nya ko pero maalin man dun, isa lang ang sigurado... I want her, NOW.

Nakasandal sya sa balikat ko, pagod na siguro to. Sabi kasing magdress na lang para hindi na mabigat dalhin kaso ayaw nya, mas gusto daw nya maggown. Pasaway na asawa. Anyways.. pinalabas na ulit kanina yung karugtong ng video ko para kay Clarisse at lalo syang nalungkot dahil dun pero pinipigilan nya. Oras na ng uwian kaya umuwi na ang mga uuwi pa pabalik sa Pilipinas at ang iba naman ay magbabakasyon daw muna dito. Dumating na ang kotseng magdadala samin ni Clarisse sa honeymoon place namin. May binigay na regalo samin sila Nick, nasa medium size box nakalagay at di ko alam kung anong laman nun. Binulungan pa nila ako na galingan ko daw kaya mas lalo akong kinabahan. Samantalang si Clarisse naman ay nakikipagkwentuhan kina Nami. Woooh ! Good luck sayo Chino.

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon