Chapter III

39 2 0
                                    

Tinitigan ko sya at nakikipagtitigan din sya sakin habang yung mga maid ay nilalagay na ulit sa box yung mga papel. Hindi naman karamihan yung papel pero para mapabilis ay madami silang tumulong sakin.

"you know what's wrong ? Ikaw. Sino bang nagsabing kaylangan ko ng tulong mo !? Wala diba !? Ikaw tong pinagpipilitan ang sarili mo dito. Akala mo hindi ko pansin ? Pasimple mo kong pinopormahan habang wala si Chino. Speak up Samuel Kurt, defend yourself." hamon ko sa kanya dahil napupuno na talaga ako. Di nya nirerespeto ang kaibigan nya.

"*smirk* yes. Totoo yan. I don't understand kung baket may mga babaeng katulad mo na sa hamak na TOMBOY pumapatol. Meron ba sya nito" sagot nya sabay hila sa isang kamay ko at akmang ipapatong nya sa ano nya pero bago pa nya maipahawak sakin yun ay nasampal ko na sya nang malakas.

"woah.. what's going on here ?" napatingin ako sa nagsalita. Si Nick, lesbian bestfriend ni Chino.

"why are you all here ?" tanong ko nang makita kong buo na naman ang tropa.

"tinawagan kami ni nanay Delia, good thing is nasa malapit na place lang kami" paliwanag ni Nick.

"lahat kayo ? Magkakasama ? Coincedence ?" litong tanong ko.

"nope. We're looking for Chino, nagtanong tanong kami sa buong village then suddenly nanay Delia pleased us to come here. May gulo daw na nagaganap at mukang tama nga sya. So.. What's with you two ?" tanong nya habang palipat lipat ng tingin samin ni Sam.

"thanks guys. Naappreciate ko nang sobra ang efforts nyo. Anyways.. Wala lang to, just a little misunderstanding right, SAMUEL KURT ?" dahilan ko.

Tinago ko muna sa kwarto ni Chino yung box para maintertain ko sila. Kasalukuyan kaming nasa sala at nagkukwentuhan.

"so.. Kamusta ang lakad nyo kanina ?" pag iiba ko ng topic, dahil puro basketball ang usapan nila at di kaming mga girls makarelate sa usapan. Sa lagay sila lang ?

"ayun, wala pa ring good news. Gabing gabi na rin kasi nung umalis si Chino so tulog na rin talaga sila nun, tapos umuulan pa" paliwanag ni Ice (short for Candice). Mas madami ang lesbian dito kaysa lalaki.

Sabi ni manang 11pm nung nakita nyang umalis si Chino, di na nya natanong dahil nasa kotse na nya ito nung nakita nya at mabilis na pinaandar ang kotse kahit pa umuulan nang malakas.

"di kaya naaksidente sya ?" biglang sabi ni Samuel

"di ka nakakatulong pare" inis na sabi ni Gab sa kanya.

"oo nga Sam, ang nega mo" sang-ayon naman ni Reign (babaeng bakla)

"shut up" masungit na sabi ni Sam sa kanila.

"ikaw ang shut up" baling ko sa kanya. Palibhasa matutuwa sya pagnaaksidente si Chino. At naiinis ako lalo sa kanya.

"tss lagi na lang ako" bulong nya na rinig ko naman dahil nasa tapat ko lang sya.

"tama bang isipin mong naaksidente yung tao ? Para kang hindi kaibigan ah" inis na sabi ko.

"oh tama na yan" awat naman ni Ian (lalaki)

"tss" singhal ni Sam.

"anyways, anong plano ? Clarisse kamusta ang pagpapaampon dito ng ilang araw ? Any ideas ?" tanong ni Nick.

"nope.. wala pa rin. But yung box, check ko mamaya" sabi ko.

Nag usap pa kami bago sila nagpaalam na uuwi na, pero si Samuel ay nagpaiwan muna. Gusto nya ata ng gulo.

"bat nagpaiwan ka ?" malamig na sabi ko. Ayoko talagang makasama sya ng matagal pagkatapos nung ginawa nya kanina.

"let's talk" seryosong sabi nya.

"wala tayong pag uusapan umuwi ka na" sagot ko sabay talikod para pumasok na sa loob pero hinila nya ko sa braso. Next thing i know is nakadikit na ang lips ko sa lips nya. Agad ko syang tinulak at sinampal nang buong lakas ko. Dumura ako at marahas na pinunasan ang labi ko para ipakita sa kanyang nandidiri ako sa ginawa nya.

"happy now ?" tanong ko at tumalikod na ulit pero hinila na naman nya ko paharap sa kanya.

"what the f*ck Samuel !?" inis na sabi ko. Hindi na nakakatuwa.

"you like it ?" nang aakit na tanong nya saka bahagyang humakbang palapit sakin pero lumayo ako.

"you think i like it ? It's so gross. Wala ka ba sa katinuan at sa bahay pa talaga ni Chino mo napiling gawin yan ?" seryosong sabi ko.

Timping timpi ako sa kalokohan nya.

"what's wrong ? Babae ka, lalaki ako. It's normal. Ang hindi normal ay yung sa inyo ni Chino. Pareho kayong babae, alam mong mali yan. Galit ang dyos sa katulad nya kaya wag mong hayaang isama ka nya sa mga kasalanan nya." mayabang na sabi nya sakin.

"galit ang dyos sa katulad nya ? Nakausap mo ba si God at sinabi nya sayo yan ? Sa totoo lang Sam, mas madumi ka pa kay Chino. Mas madumi ka pa sa mga Bakla at Tomboy. Wag kang magmalinis sa harap ko lalo na't ikaw mismo, alam mo sa sarili mong ang dumi dumi mo." inis na sabi ko sa kanya habang dinuduro sya sa dibdib nya.

"ano bang meron sa kanya na wala ako ?" tanong nya.

"lahat Sam. Lahat." madiing sagot ko.

"wala sya nito" sabi nya sabay turo sa ano nya.

"mas mabuti. Di ko naman kaylangan nyan." sabi ko saka pumasok na at iniwanan sya dun. Halatang galit na galit sya pero wala akong pakealam. Binastos nya si Chino, dapat lang sa kanya yun.  



Mr. Miss: feel free to vote and comment po in every chapter :)

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon