Chapter V

39 2 0
                                    

  -Clarisse's POV-
Ano ba tong mga to ? Maganda ba to ? Anyways, di ko malalaman kung di ko papanuorin diba ? Pasaway kasi si Chino, kung ano anong nilalagay sa diary nya.

"ahmm... Ito ba muna ? O ito ? Ito o ito ?" tanong ko sa sarili ko habang palipat lipat yung arrow sa dalawang folder. Hay nako. Di kaya parang ang sama ko dahil nagagawa ko pang magmovie marathon habang nawawala ang mahal ko ? Pero.. masama bang magpahinga ? Ayan na naman, inaaway ko na naman ang sarili ko.

Sige na nga itong BHM na lang, kung ano man to. Sana wag horror dahil mahina ako dun.

*play*

Ay kukuha muna ako ng pagkain. Bumaba na ako para kumuha ng chips at ice cream.

"maya't maya kain iha ah ? Stress eating ? Mananaba ka nyan" sita ni manang Delia sakin.

"ah eh opo, para may lakas na ulit ako bukas para hanapin si Chini. By the way manang, ano pong balita ? Nahanap na po daw ba sya ng mga pulis ?" tanong ko habang namimili ng flavor ng ice cream.

"nako iha, wag ka nag umasa sa mga pulis. Di naman nila hinahanap, nagdikit lang sila ng poster sa munisipyo" inis na sagot nya.

"ok lang yun manang, at least gumawa pa rin sila ng aksyon" positibong sagot ko.

"sya umakyat ka na at parang hindi ka na makapaghintay na kainin yang mga dala mo" natatawang sagot nya.

"asan po kaya talaga si Chino... ayokong mag isip ng negative pero di ko naman maiwasan... pano kung tama nga yung sinabi ni Sam ? Pano kung may nangyari nang masama sa kanya ?" malungkot na sabi ko, naiiyak na naman ako.

"iha ano ka ba naman.. wag kang makinig jan kay Samuel na yan, alam mo sa umpisa pa lang talaga.. hindi ko na gusto ang aura ng batang yun. Hindi ko alam pero parang marami syang tinatago" sabi ni manang. Napatingin ako sa kanya dahil baka nagbibiro lang sya pero nakita kong seryoso sya.

"yaan nyo po sya. Nababaliw na ata yun. Akyat na po ako, di ko ata nai-pause yun pinapanuod ko" paalam ko saka bumalik na sa taas.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakarinig na ko ng ungol ng babae. Nanlaki ang mata ko at agad kong sinara ulit ang pinto dahil baka may iba pang makarinig. Sa isip ko lang ba yun o narinig ko talaga ? Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan at tama nga ako ng dinig. Kinakabahan akong pumasok, pano kung may ibang makarinig ? Pinagpapawisan ako ng malamig. Makakahiya kung may ibang makakarinig, sabihin naman kababae kong tao nanunuod ako ng ganun.
Pano ako papasok ? Magiging ninja ba muna ako pansamantala ? Pagpasok, sara agad ? Tama sige ganun na lang.

*Inhale... Exhale*
Bibilang ako ng tatlo.
1.. *tingin tingin sa paligid*
2.. *hawak sa door knob*
3 ! *pihit ng door knob at bahagyang bumukas*

"ma'am Clarisse.."
"ay kabayo !" gulat na sabi ko nang biglang sumulpot sa malapit si Alex. Nahulog ko tuloy ang potato chip na hawak ko, pupulutin ko na sana yun nang napansin kong nabuksan pala ang pinto, sa sobrang takot kong may makarinig nung ungol galing sa laptop ay di ko na muna dinampot yung chips at agad na dinakma na lang ang door knob. Wrong move dahil natisod ako sa edge ng frame ng pintuan dahilan para bumukas ng tuluyan ang pinto.

"nako ma'am ok lang po ba kayo ? Ano po bang nangyayari sa inyo ?" tanong sakin ni Alex habang inaalalayan akong tumayo. Wala na yung mga ungol.. so nagdive ako para sa wala ?

"ah ano hahahaha wala napagod ata ako kakaakyat sa hagdan. Woooh kapagod" dahilan ko habang pinapaypayan gamit ng kamay ko ang sarili ko.

"mag iingat po kayo, magagalit po sa amin nyan si ma'am Chino. Baka isipin nyang pinapabayaan namin kayo dito" paalala nya.

"oo, sorry. Sige pasok na ko sa loob, salamat" mabilis na paalam ko saka pumasok sa loob at agad na sinarado ang pinto pero binuksan ko ulit para kunin yung pagkain kong naiwan sa sahig at saka sinarado na ulit ang pinto.

"how stupid you are, Clarisse ?" sermon ko sa sarili ko habang inuuntog untog ng mahina ang ulo sa pinto. "stupid" sabi ko ulit bago mahagip ng mata ko ang laptop.

"you !" turo ko sa laptop na akala mo ay may buhay yun.

"kasalanan mo to ! ano ba kasi yung narinig ko ?" sermon ko sa laptop nung makalapit na ko.

"pinapahamak mo ko" sabi ko ulit.

40 minutes na ba agad simula nung lumabas ako ? Parang ang bilis naman.

I press the previous button. Saka ko pinlay nung nasa 33minutes something na. Saan yun ? Wala namang part na may---

"oh Gosh.." gulat na sabi ko habang nakatakip ang bibig.

Yung scene kasi is medyo SPG na. Napatakip ako ng mata. Alam mo yung feeling na ayaw mong panuorin pero naku-curious ka kaya di mo magawang ifastforward ? Ganun yung feeling. Naalala ko yung amin ni Chino.. mas namimiss ko sya... Maganda naman yung flow ng story kaya pinanuod ko na rin hanggang dulo.

Gabi na nung natapos ko yung BHM. Below Her Mouth.

11pm.. Di pa rin ako tulog dahil iniisip ko ang mga posibleng puntahan ni Chino pero wala akong maisip dahil hindi naman gala yun. Nasaan ka ba Chino ? Bigyan mo naman ako ng clue...

Niyakap ko ang unan nya at duon umiyak hanggang makatulog ako.  

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon