Chapter XVI

30 2 0
                                    

-Someone's POV-
HINDI KAYO MAGIGING MASAYA CHINO ! Walang mangyayaring happy ending !

-Clarisse's POV-
Ilang araw na simula nung napanaginipan ko si Chino. Sobrang sakit dahil akala ko... Totoo na. Akala ko.... Bumalik na talaga sya. Akala ko lang pala lahat.

Ito na naman ako, umiiyak na naman dahil sa paulit ulit na dahilan. Di ko mapigilang maalala yung pakiramdam na kasama ko na sya. Naging sobrang saya ko nung araw na yun, at agad ding binawi ang kasiyahan kong yun nang magising ako...

"sana di na lang ako nagising..." lumuluhang sabi ko.

"pano pag balik ni Chino ?" biglang sabi ni manang na kapapasok lang sa kwarto at may dalang pagkain.

"kayo po pala..." sabi ko sabay punas ng luha ko. Umupo sya sa tabi ko saka ako niyakap. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang yakap ng isang ina. Si mommy at daddy kasi laging nasa ibang bansa para sa business namin. Yung dalawang kapatid ko naman ay nasa tita namin dahil mga bata pa sila at di ko naman sila kaya pang alagaan.

Dahil sa yakap nya.. di ko na naman napigilang umiyak.

"manang..." iyak ko.

"ssshhh... Ok lang yan. Babalik din sya... magpakatatag ka lang.." pagpapatahan nya sakin. Ilang segundo pa kong umiyak sa kanya bago ko sya hinayaang lumabas na dahil may gagawin pa daw sya. Di ko magawang kumain.. Kada susubo ako parang wala akong lakas na lunukin yun.

Ilang oras pa kong nagmukmok doon sa kwarto nang biglang kumatok si manang, pinapasok ko sya.

"maligo ka na iha, andito si Krystal may kasama sya kaibigan nyo daw" sabi nya agad.

"sino daw po ?" tanong ko.

"hindi ko natanong ang pangalan pero magandang babae din, maputi tapos medyo chubby. Maliit sayo nang konti" describe nya pero di ko talaga maalala kung sinong kaibigan ko ang ganun.

"ah sige po, pakisabi liligo muna ako" sabi ko na lang. Lumabas na si manang kaya naligo na ko. Hanggang pagligo ay iniisip ko pa rin kung sinong kasama ni bakla. After maligo ay nag ayos na ko at bumaba.

Sa hagdan pa lang ay naririnig ko na ang kwentuhan at tawanan nila pati ang boses ni Krystal na parang may kaaway na naman, siguro si Nick na naman yun.

Nung malapit na ko sa kanila ay may nakita akong babaeng nakatalikod sakin. Tinuro ako ni Krystal dun sa babae kaya humarap yun sakin.

"NAMIIIIIIII !!!!!" tili ko habang tumatakbo papunta sa kanya.

"uy Clarisse ! Kamusta na ?" sabi din nya saka yakap sakin.

"ito humihinga pa" sagot ko saka umupo sa tabi nila.

"asan si Min ? Di mo kasama ?" tanong ko.

"wala, nasa bahay di na sumama. Bantayan na lang daw nya si Seth." sagot naman nya.

"Seth ? Da hu itey ?" tanong ko.

"anak nila bakla !" singit ni Krystal.

"weh !? Anak !?" tanong kko ulit. Tumango lang sya nang nakangiti bilang sagot.

"Iiiiiiih ! Congrats ! Mommy ka na pala ! Kamusta naman ang pagiging daddy ni Min ?" usisa ko.

"ayun ok naman. Ayaw pa nya hawakan nung una kasi baka maibagsak daw nya si baby pero nung tumagal nako ! ayaw nang ibaba si baby. Gusto nya lagi nyang karga. Ayaw pa pumasok sa work nya kasi di daw nya makikita si baby. Sarap batukan." kwento na. Napapangiti ako dahil naiimagine ko na ganun si Min, maangas kasi yun tapos parang laging mananapak. Lesbian din si Min.

"pano nyo ginawa ? Try din namin nito someday" birong tanong ni Nick habang nakatingin kay Krystal. Landi nitong dalawang to.

"Malande !" sigaw ni Nami. Natawa naman ako. Wala pa ring pinagbago to.

"seryoso nga, pano nyo ginawa ?" tanong na naman ni Nick.

"nagpa inject ako" nakangiting sagot nya.

"aahh.. Ang mahal naman pala ni baby Seth kaya natatakot si Min na ibagsak." biro ni Nick. Siniko sya ni Krystal sa tyan kasi parang nakakaoffend sa part ni Nami yung biro nya.

"ok lang." nakangiting sagot ni Nami. Ang awkward tuloy.

"*clear throat* ahmm so kasal na kayo ?" change topic ni Krystal. Si Nick naman kase.

"hindi pa, kaya ako nandito para iinvite kayo" sabi naman ni Nami.

"wooooow... buti pa kayo.." sabi ko naman.

"eh kayo ni Chino ? Kaylan kayo ?" tanong din nya sakin. Di nya ata alam.

"ewan ko.. missing in action ang soon to be groom eh" sagot ko naman.

Pinaliwanag naman agad ni Nick at Krystal sa kanya.

"ay sorry..." sabi ni Nami.

"ok lang, di mo naman alam eh" sagot ko.

"yaan mo babalik din yun. Anjan lang yun sa tabi tabi" pagpapagaan nya sa loob ko. Ngumiti ako. Yung totoong ngiti.

"kaylan ang kasal nyo ?" - ako habang tinitingnan yung invitation na inabot nya. Ang ganda... sana kami din.

"sa isang linggo na" sagot nya.

"agad ?" tanong ni Krystal. Parang ang biglaan nga naman kase.

"oo nga, excited kase si Mahal eh" sagot na lang nya.

"yiiiihhh ! Excited na ko !" nababaliw na sabi ni Krystal.

"anong theme ? Anong suot ?" tanong na naman ni Krystal. Di naman halatang excited sya.

"sige mag t-back ka" singit ni Nick kaya kinurot sya ni Krystal sa braso.

"aray ! Sadista mo !" reklamo ni Nick. Ayan na naman sila. Hinayaan na namin silang magbangayan dun at nag usap na lang kami ni Nami, 3years din kaming hindi nagkita.

"anong theme nyo ?" tanong ko.

"opposite ang theme namin, yung bride's maid ang nakagown imbes na yung bride. Pero yung sa bride at groom lang ang naiiba ang kulay. Nakasky blue kayo then the rest is naka navy blue na." paliwanag nya. Ang cute naman, nakanavy blue pala sila ni Min.

"aaah... Saan ang venue ? Anong oras ?" usisa ko para makapaghanda na ko ngayon pa lang.

"sa America gaganapin ang kasal bes" sabi nya.

"wooow !" singit naman nung dalawa.

"sa America talaga ?" paninigurado ko.

"wala naman kasi atang nagkakasal dito ng same gender. Alam mo naman ang Pilipinas." paliwanag naman nya.

"sa bagay.." sagot ko na lang.

"mag ready na kayo ng mga dadalhin nyo kase 2 weeks tayo dun. Gagala muna tayo after ng honeymoon para maenjoy naman natin ang America" masayang sabi nya. Naexcite naman lalo sila Krystal. Pero ako hindi. Nagdadalawang isip ako, pano kung biglang bumalik si Chino ?

"pano si Chino ?" biglang tanong ko. Napatingin sila sakin.

"saglit lang naman tayo dun. Kung bumalik man sya habang wala tayo, eh di uwi agad tayo" pangungumbinsi ni Nick sakin.

"hays... pero kasi--"

"ngayon lang to bes.. tatanggihan mo pa ba ko ?" pagpapaawa ni Nami. Haysss... Hirap naman nito. Pagsumama ako.. posibleng bumalik si Chino. Pag di naman ako sumama.. magtatampo naman si Nami at Min.

"hays.. Sige na nga" sagot ko.

"yes ! so this saturday na ang flight natin, sunduin ko kayo dito ng saturday ng umaga, 4am. Kasi 7am ang sched natin." walang tigil na paliwanag nya.

"eh bes, thursday na ngayon ah" sabi ni Krystal. Oo nga thursday na ngayon.

"ok lang yan. Basta saturday 4am ok ? Uwi na kami bes, nagtext na si daddy di daw nya mapatahan si Seth. 2months pa lang kase yun eh. Sakin pa dumedede yun" paliwanag nya.

"ay ganun ba, sige. Next time kami naman ang pupunta sa inyo para makita namin si baby nyo" nakangiting sabi ko.

Nagpaalam na sila kaya bumalik na ko sa kwarto at tiningnan ulit yung invitation.

Kami kaya... kaylan...

Mr. Miss: hahahahaha special guest kami !

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon