Chapter XII

28 2 0
                                    

(bigyan natin ng exposure)

-Krystal's POV-
May exposure na rin ako sa wakas woot woot ! \(^0^)/

Ehem game na, eto ang kwento mga beks. Nagtataka ba kayo kung bakit at paano ako nakapunta sa bahay ni Chino ? Di ba sabi ko sa Chapter ewan, di ko alam ang papunta dun ? Eto na nga ikukwento na mga chismosa kayo !

*Flashback*
After umiyak sakin ni Clarisse natulog na ako dahil inaasahan ko sya na maagang mambubulabog sakin. Ganun naman yun tuwing magkikita kami, laging ang aga pumunta kahit wala namang usapan na agahan nya. Magulat ka na lang 7am may nagdodoorbell na sa bahay mo. So ayun sleep na ang magandang ako para di naman haggard ang fes ko.

*kinabukasan* 6am
Nagtext ako kay Nick na pupunta dito sa bahay si Clar dahil may pupuntahan kami. Ahmm ene keshe... nenlelegew she seken. Iiiihh ! Ang haharot nyo ! Dinadamay nyo ang mga inosenteng kagaya ko sa kaharutan nyo !
So ayun nga, biglang tumawag ang fafa Nick ko ! Nagulat akesh mga beks kasi di pa ko nakakapagtooth brush, iba pa ang boses ko ! Malaki pa naman ang boses ko kapag bagong gising.

"luh ? Baliw, bat tumawag to ?" kausap ko sa sarili ko. Ring lang nang ring yung phone ko.

"*clear throat* hello ? Ay hindi, ang panget, ang common. Good morning po ! Panget parang service crew lang ang dating. Ahmm.. Yes ? Ano ba yan parang call center agent naman ako" pagpapractice ko sasabihin ko pag sinagot ko na sya este yung tawag nya. Haha. Sasagutin ko na sana nung biglang tumigil na sa pagriring yung phone.

"ay... Ano ba yan.." dismayadong sabi ko. Maya maya nagring na naman kaya sinagot ko na agad kasi baka mawala pa.

"hellew ?" sabi ko.

"bat ganyan boses mo ? May sakit ka ba ?" sabi naman nya na natatawa. Pastilan tong tibo na to, sakalin kita jan eh.

"*ehem* baliw wala. Oh baket napatawag ka !?" mataray na tanong ko sa kanya.

"wow.. taray naman ng babe ko.. kaya kita nagustuhan eh, masyado kang palaban" nanghaharot na sabi nya.

Tinakpan ko muna yung mic nung phone bago tumili ng mahina lang naman at nagpagulong gulong sa kama ko.

"edi wow" sagot ko na parang walang nangyari.

"anong ginagawa mo ? Naligo ka na ?" tanong nya.

"ay oo nga ! Teka nga, tawagan na lang kita mamaya liligo muna ako, mamaya andito na yung bruhilda na yun eh" sabi ko sa kanya at agad na inend yung tawag. Nagmadali na kong maligo kasi baka maya maya anjan na si Clarisse.

After maligo ay tumingin ako sa wall clock ko, 7:30 na pero wala pa rin si Clar. Anyare sa babaeng yun ? Anyways, baka on the way na yun.

Nagbihis na ko at nag ayos ng muka ko at dahil babae ako ay magna-9 na ko natapos.

"asan na kaya yung baliw na yun" kausap ko sa sarili ko at dinial ang number nya, niloudspeaker ko dahil inayos ko ang kama ko. Di nya sinagot. Isa pa, pag di pa rin sinagot magpapasama na ko kay Nick sa bahay ni Chino. Dinial ko ulit at tulad ng una, di nya pa rin sinagot. Dati naman, isang dial ko lang sinasagot na nya agad. No choice, dinial ko ang number ni Nick babe. Di pa natatapos ang isang ring ay nasagot na nya agad.

"bilis ah ?" puna ko.

"inaantay ko kasi tawag mo" malambing na sagot naman nya. Kainis to, pasimpleng magpakilig -,-

"punta ka dit--"

"sige teka !" mabilis na sagot nya. Iba na naman iniisip nito.

"g*go papasama ako sa bahay ni Chino. Kung ano anong iniisip mo. Baka nakakalimutan mo Nicole Shanaia Padua na hindi pa kita sinasagot." sermon ko sa kanya.

Letters From Her (C O M P L E TE D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon