EMPRESS MAXIA
Pagkarinig ko ng mahinang beep ay tiningnan ko ang cellphone ko. Papunta nga sa pool ang mga abductors. Agad akong kumilos at lumapit kay Sinclaire.
"Within ten minutes na wala pa kayong balita sa dalawang yun, call your father. Don't call the police okay? Call your father. And please stick to the plan." sabi ko saka sila tinalikuran.
"San ka pupunta?!" tanong ni Crisostomo.
"Kung sumunod na lang kaya kayo no? Andaming Q and A." sabi ko saka sinuot ang bluetooth headset ko.
[Mukhang anim na psycopath ang kalaban mo Em. Are you sure you won't need our help?]
"I'm sure." sagot ko.
Malapit na ako sa daan papunta sa pool. Paglingon ko sa likod ko, nakasunod sa akin ang mga pulang halimaw.
"Stay alert okay?" utos ko sa kanya.
"Don't boss me around woman." madilim na sabi niya.
Nginitian ko siya and hit his shoulder playfully.
"Joke lang naman po Kuya Randolph." panunukso ko sa kanya.
He just gave me a death glare.
"Salamat sa concern Kuya." nakangiti kong sabi.
Papasok na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa braso.
"Bring Enzo back. Even if it cost your life." seryosong sabi niya.
"Hurt naman is me Kuya." sabi ko saka marahas na inagaw ang braso ko sa kanya.
[Ang lakas ng loob ng gagong yun para pagsalitaan ka ng ganun!]
I heaved out a sigh.
"Hayaan mo siya. Woman-hater nga di ba?" mahina kong sabi.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong pool. Sobrang tahimik.
"Parang may mali." mahina kong sabi.
[What do you ajsjhisjbwjsbsbsn]
Bigla kong tinanggal ang headset ko dahil masakit sa tenga yung static.
Sh*t, may jammer ata silang gamit.
Kinuha ko ang cellphone ko and proved my theory right.
Dahan dahan akong lumapit sa sinasabing daan papunta sa dating laboratory. I stopped in front of the door at pinakinggan kung may mga ingay na nandoon.
Nang masiguro kong walang ingay ay binuksan ko iyon ng dahan dahan. Only to face a masked person on the other side.
May inilabas siya sa bulsa niya na agad kong sinipa at tumalsik sa gilid. Bago pa siya magkaroon ng chance ay sinipa ko na siya causing him to fall down.
Pagkatayo niya ay susugurin ko na dapat siya nang biglang may nagtakip ng ilong ko.
Shit. Chloroform.
I bit my lips para mapigilan ko ang pagkawala ng malay ko. But someone hit my head causing me to finally succumb to the darkness.
•••
MELBOURNE JACQUES
"Naku, maging okay lang kaya si Miss Leveticus dun?"
"Naku, five minutes na...."
"Baka may nangyari nang masama..."
"Oh no, six minutes na..."
"Mister Sin---""Will you shut your fucking mouth?!" inis na sigaw ko.
Kung natitense siya ay mas lalong ako.
'No matter what happen, stick to the plan.'
BINABASA MO ANG
12 Gangsters and a Crackpot
Teen FictionMy studies were advanced kaya when I reached 17 ay degree holder na ako. Pero dahil sa naging problema ng merging ng school namin sa school na pagmamay-ari ng bestfriend ni Dada, napilitan tuloy akong magbalik eskwela; back to highschool specificall...