MELBOURNE JACQUES
Gusto ko na siyang kausapin...kaya lang yung pride kong napakalaki, mas malaki pa kay Red ay pinipigilan ako.
"You love her very much don't you?" rinig kong tanong niya na ikinahinto ko sa may bungad ng kusina.
"I could see it in your eyes. Just like everytime my brothers are saying 'I Love You's' to the woman they love." dugtong pa niya
"I do. I do really love her. But I never got the chance to tell her. Natatakot akong mareject." malungkot na sabi ni Mavy.
Ang asawa niya ata ang tinutukoy niya.
"You should tell her. Kung ireject ka man niya ay wag kang matakot na ulit-ulitin ang mga salitang iyon. As long as you live, you should tell her how much you love her eventhough na paulit-ulit ka niyang ireject."
Mukhang may pinaghuhugutan ang isang to ah.
"Em... May pinagdadaanan ka ba?" tanong niMavy sa kanya.
Hindi siya sumagot at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
"Hindi naman ganun kasakit Kuya Mavs. Niingit lang siguro ako sa yo.....sa iyo at sa mga Kuya ko. You found your mates. Samantalang ako....tadhana ko nga atang magmongha na lang." natatawa niyang sabi kapagkwan.
"Bakit? Natatakot ka bang ireject ka niya?" tanong ni Mavy na ikinakunot ng noo ko.
Sino ang tinutukoy niya? May nagugustuhan na ba si Empress?
Bigla namang nagwala sa takot at inis ang puso ko na pinagagalitan ang pride ko.
"FYI, matagal na niyang nirereject ang beauty ko. At paulit-ulit na rin akong tumayo sa pagkakasubsob ko. Pero iba na ngayon. Dahil mukhang naubusan na ako ng confidence para ibalandra pa sa harap niya ang beauty ko." sagot niya.
No! Hindi ko kakayanin pag nakita ko siya kasama ng iba. Kina Red pa nga lang ay nagsiselos na ako ng todo, sa ibang lalaki pa kaya?!
"Una na ko sa labas."
Pagkasabi niya noon ay pumasok ako sa kusina but balloons were hindring her from me.
"Excuse me." sabi niya.
I think alam niyang may tao sa harapan niya pero hindi niya kilala kung sino.
This silly girl.
Nainis ata siya nang hindi ako kumilos kaya binitiwan niya yung mga lobo na nagliparan papuntang taas.
"Pwede ba! Da---dadaa-an ako-o..." nauutal na sabi niya nang makitang ako pala ang nasa harap niya.
Nakatitig lang ako sa kanya.
Kung paiiralin ko ang pride ko ay baka pagsisihan ko iyon buong buhay ko.
Pero kung paiiralin ko naman ag nararamdaman ko ay baka naman ako lang ang masaktan.
'Kung ireject ka man niya ay wag kang matakot na ulit-ulitin ang mga salitang iyon. As long as you live, you should tell her how much you love her eventhough na paulit-ulit ka niyang ireject.'
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.
"Mavy, Denver, Mark, Hiro... Lumabas muna kayo." utos ko sa kanila.
Pinatay muna ni Mariano ang stove bago sila lumabas.
"Hoooyyy, wag niyo kong iwan dito! Gaissss!" sigaw-bulong na tawag ni Empress sa tatlo.
Hinawakan ko ang balikat niya at dahan-dahan siyang isinandal sa isang pader.
It's now or never.
BINABASA MO ANG
12 Gangsters and a Crackpot
Teen FictionMy studies were advanced kaya when I reached 17 ay degree holder na ako. Pero dahil sa naging problema ng merging ng school namin sa school na pagmamay-ari ng bestfriend ni Dada, napilitan tuloy akong magbalik eskwela; back to highschool specificall...