Twenty

140 7 0
                                    

MELBOURNE JACQUES

Pagkagising na pagkagising ko ay nagpagwapo agad ako.

Nang magseven ay nasa harap na ako ulit ng bahay ni Em, ready to tame my little devil.

Pagkakatok ko ay bumungad agad sa akin ang nakataas ang kilay na si Bricks.

Pagkabukas ng bibig ko ay agad siyang nagsalita.

"If you're looking for Em. She's back to US. Back to where she belong. At kung umaasa kang sasabihin namin sa yo kung saan, nagsasayang ka lang ng oras mo."aniya at nilagpasan ako hila-hila ang isang garbage bag.

Nasa US na siya?

Did I really hurt her badly para iwan niya ako?

But it was all just a misundestanding! Hindi ko naman ginusto ang mga iyon!

What choice did I have right at that moment? R-Right?

Bumagsak ang mga balikat ko.

I think it was really all my fault.

I did have a choice all those times.

It was my choice to go to that shop and meet Ynnah.

It was my choice to go to her when she called.

It was my choice to fight that man.

It was my choice when I kissed her when she asked for one.

And in those choices, I've hurt the woman I've sworn to never hurt.

Tatalikod na sana ako nang marinig ko si Mitch sa harap ko.

"Niloloko ka lang ni Bricks. Nasa taas si Em. Tulog pa rin hanggang ngayon. Ubusin ba naman yung isang case ng Grande." aniya na halos ikatumba ko sa sobrang relief.

Pinapasok niya ako and in the way inside ay binunggo ako ni Bricks. Naiiling na lang si Alice na siyang nakakita.

"Pagpasensyahan mo na kung medyo ganun sa yo si Bricks. Siya kasi ang pinaka-close kay Em sa ming tatlo." pagpapaliwanag ni Mitch.

"Naiintindihan ko naman eh. Buti pa kayo..."

"Kung alam mo lang. Kagabi ko pa gustong bombahin yang bahay mo. Pasalamat ka at mahal ka talaga ni Em kaya hindi ka namin pwedeng galawin kundi lagot kami dun." seryosong sabi ni Alice.

Bombahin?

Oo nga pala... Hindi malayong magawa nila iyon given the field of their work.

"Pwede ko ba siyang puntahan sa kwarto niya?" tanong ko.

"Okay lang. Hindi naman kami ang mga magulang ni Em para pagbawalan ka. Though ako ang mas nakakatanda dito at ang 'Mother' figure ng grupo, wala pa rin akong karapatan para pagbawalan ka." sagot ni Mitch na papunta na ng kusina.

"Thank you." pagpapasalamat ko saka ako umakyat papuntang taas.

🎶eoneu nal darege
gilgogin pyeonjireul sseosseo🎶

I could hear Em singing. Lumapit oa ako sa may pintuan niya.

🎶neoboda hwanhajin anchiman
jageun chotbureul kyeosseo

eoseureumhan gongwone
noraehaneun ireummoreul sae
Where are you
Oh you

wae ulgo itneunji
yeogin nawa neo ppuninde
Me and you
Oh you

gipeun bameul ttaraseo
neoye noraessoriga
han georeumsshik du georeumsshik
bulkeun achimeul deryeowa

saebyeogeun jinagago
jeo dari jame deulmyeon
hamkkehaetdeon pureunbichi
sarajyeo🎶

12 Gangsters and a CrackpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon