Six

140 7 0
                                    

MELBOURNE JACQUES

'Naiinlove na ata ako sa inyo.'

I know it was supposed to be a joke. Pero bakit ang lakas ng impact ng joke na yun sa kin?

"Melbourne?"

Napaangat ang tingin ko and saw the mad face of Kuya King. Ang Kuya ng boyfriend ng Ate Elle ko.

"Ku--"

Hindi natapos ang pagbati ko sa kanya dahil bigla niya na lang akong sinuntok.

"Hoy King Cleiven! Ba't mo siya sinuntok?" rinig kong tanong ni Doc Sunny, ang asawa niya.

"I think he deserves that punch. Muntik nang mapahamak ang buhay nilang lahat because of his stupidity." malamig na sabi ni Kuya King.

Naikuyom ko ang mga kamao ko sa inis. Hindi kay Kuya King kundi naiinis ako sa sarili ko. He's right. It was all because of my stupid mistake.

Napalingon kami sa may pintuan nang marinig naming padabog na bumukas ang pinto ng infirmary.

"Tantanan mo nga ako Allison, ayos na nga ako di ba! Pag kayo naabutan ko pa sa gate, babatuhin ko kayo nung marmol na display sa may Admin Building namo!" paglilintaya ni Empress na hawak ang cellphone at mukhang may kausap.

Parang hangin lang kami na nilagpasan niya at nagtuloy-tuloy sa hallway.

"ISA ALLISOOOON!!!" sigaw niya.

"Sa tingin ko okay na siya. Tara na Dear, nag-aantay sa tin ang mga bata sa bahay. Umuwi na rin kayo kids." sabi ni Doc Sunny at hinila yung asawa niya.

"Ang cute talaga ni Em pag nagagalit siya."

Napalingon ako kay Mavy na biglang sumeryoso.

"Tara Boss, uwi na rin tayo." sabi naman ni Mark.

•••

EMPRESS MAIXA

Dahil sa hindi ko talaga kayang magdrive ay napilitan akong hintayin sina Sinclaire para magpahatid sana. Mukhang nauna na sila Crisostomo dahil hindi ko na mahagilap sa parking ang mga sasakyan nila.

"Uy Em, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Lopez sa kin.

"Yun nga eh. Kumikirot kasi yung sugat ko sa tuwing pwinepwersa ko siyang kumilos. Makikisabay sana ako. Kahit hanggang sa may---"

"Get in."

Napalingon ako kay Sinclaire na binuksan ang passenger seat ng sasakyan niya.

"Ano bang address ng bahay mo?" tanong niya.

"Ah eh... Sa Zone 6 ng Trinidad sa may huling kanto ang bahay ko." sagot ko.

"Seryoso? Eh sa Trinidad din ang bahay nitong si Boss eh. Teka, di ba nasa--- holo, ikaw yung may-ari nung haunted house?" sabi ni Hiroshi Kumamoto.

Teka, ba't parang ngayon ko lang siya narinig magsalita?

"Uhhh, hindi po haunted house ang bahay ko. Sadyang ganun lang ang type ng bahay na gusto ko." pagpapaliwanag ko.

"Sasakay ka ba o makikipag---"
"Sasakay na po ako." sabi ko saka pumasok sa loob.

In fairness hindi mabaho tong sasakyan niya. Pagkasara niya nung pinto ay kinausap niya muna yung mga alipores niya saka siya pumasok sa sasakyan.

"Sabihin mo nga, espiya ka ba ng tatay ko?" tanong niya na ikinatingin ko sa kanya.

"Hoy, nalaman mo lang na magkapitbahay tayo kung anu-ano na namang pumapasok diyan sa imagination mo. Pwede ba, matagal nang nasa akin ang bahay na yun. Nagpunta lang ako ng ibang lugar para mag-aral kaya hindi mo ko nakita doon nang maglipat ka a year ago."sabi ko.

12 Gangsters and a CrackpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon