Seven

135 6 0
                                    

RANDOLPH

Napatingin ako sa bakanteng upuan sa kanan ko. Nakakamiss pala ang kadaldalan at pagiging isip-bata ng maliit na taong yun.

"Anong nangyari kagabi Boss pagkahatid mo kay Em?" rinig kong tanong ni Denver kay Black.

"Wala. May lagnat yung tao kaya hindi makakapasok." sagot naman ni Black na ikinalungkot ko.

Alam ko....Naging woman-hater ako mula nang niloko kami ni Black ng letcheng Ynnah na yun.

Pero itong si Empress, parang may kung anong nagsasabi sa kin na hindi siya kagaya ni Ynnah. At pinatunayan niya yun kahapon.

Medyo nagiguilty nga ako dahil kung nagpakalalaki lang ako kahapon ay hindi sana aabot sa ganun ang lahat na muntik nang ikaalanganin ni Empress.

"3-G, wala muna kayong klase ngayong araw. Magpahinga muna kayo." may narinig akong nag-anounce sa harap ko pero hindi ko tiningnan kung sino yun.

"Wooh! Gala tayo!" sabi ni Harold na sinang-ayunan naman nung iba.

"Pupunta kami kina Empress, sama kayo?" Napatingin ako kay Lopez.

"Call." sagot ko saka tumayo at pinulot ang bag ko.

That little girl.

Maliit nga ang size niya, but she's making big changes in our lives.

•••

EMPRESS MAIXA

Ba't ang lamig?
Hindi naman ako nasa Antartic sa huling pagkakatanda ko.

Ba't ang sakit ng ulo ko?
Nauntog ba ko? Napukpok?

Ba't ang sama sama ng pakiramdam ko?
Wait...

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko.

Napangiti ako nang mapansing nasa bahay lang pala ako. Pero agad namang nawala ang ngiting iyon.

Parang ganito rin yung kalagayan ko sa States noon nang agent pa ako. Mag-isa. Walang karamay. Malungkot.

Naputol ang pagbabalik-tanaw ko nang makarinig ng mga yapak mula sa ibaba ng bahay.

Magnanakaw?

Kahit na masama ang pakiramdam ko ay agad akong tumayo at kinuha yung baril sa drawer ng bedside table ko.

Inabangan ko yung pangahas sa likod ng pinto ng kwarto ko. Pagkabukas na pagkabukas nun ay tinutukan ko siya ng baril.

"Woah! Delikado yan Em!"

Napanganga ako ng makita kong si Sinclaire ang nasa harap at ang tinututukan ko ng baril.

Agad kong ibinaba ang baril ko at tinanggalan ng magazine saka itinapon sa isang sulok.

"Ba't nakatayo ka na agad?! Magaling ka na?! Ha?!"

Napakurap-kurap ako sa inaasal ni Sinclaire.

"Okay ka lang? Mukhang ikaw yung may lagnat sa ting dalawa eh." tatawa-tawang sabi ko nang makarecover ako sa pagkakagulat.

"Sasagot ka pa?! Alam mo bang ala-una pasado na akong nakatulog dahil sa yo?" balik niya sa kin na ikinakamot ko ng ulo.

Ayan, naging pabigat pa ko sa isang to.

"Woah, pinuyat ni Em si Boss ?" Napatingin ako dun sa mga kagrupo ni Sinclaire.

Mukhang ibang bagay ang iniisip nila. Mga gag*ng to.

Hinila ako ni Sinclaire pabalik sa higaan ko at pinahiga ako. Pagkatapos ay kinumutan ako.

"Baka basa na ang likod mo ng pawis. Magbihis ka kaya?" rinig ko namang sabi ni Crisostomo sa kabilang side ko.

12 Gangsters and a CrackpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon