RANDOLPH
Nagkakasiyahan ang mga kasama ko dahil hindi lang ang buhay pag-ibig ni Mavrick ang namumukadkad. Pati na rin ang kina Black at sa bansot na yun.
"Woooh! Go Bricks! Go Bricks!" sigaw nung babaeng Alice daw ang pangalan.
Napangiwi ako nang makita ko yung babaeng bakulaw na mukhang ewan na sumasayaw.
Napahinto siya ng makita ako at binato ng nakita niyang tissue paper. Buti nalang at mabilis ang mga reflexes ko kaya nakailag ako. Pero hindi ko nailagan yung sunod na binato niya sa king kutsara.
"Anong tinitingintingin mo diyang lalaki ka?!" sigaw niya.
Narinig ko ang mahihina nilang tawa.
"Eh sa may mata eh! Ba't ka ba nambabato?!" balik ko sa kanya.
"Eh sa may kamay eh!" sagot ng amasonang babaeng to.
Aba't!
"Alam mo ang ganda mo sana. Kaso ang suplada mo!" sigaw ko saka ako tumayo at lumabas ng bahay nina Mavrick.
"Putangna! Grrrr..." rinig ko pang sabi niya kasabay ng isang pagkabasag.
•••
EMPRESS MAIXA
"Ba't ngayon lang ako naorient na may Elementary Departmet pala ang SMA ha?" nakapameywang kong tanong kay Lena, ang secretary ko.
"Po? Akala ko po kasi alam niyo since--"
"Since anak ako ng may-ari? Akala ko pa namang alam mong may iba akong trabaho at sideline ko lang ang pagiging School Directress." sabi ko sa kanya.
Nagmadali akong maglakad papunta sa Elementary Department ng SMA.
May gulo raw kasing nangyari.
Katulad sa High School Department ay may sisiga-sigang mga batang lalaki sa ElemDep na dahilan din ng mga gulo.
Pero unlike sa HS Dep ay may mga babaeng estudyante sa ElemDep.
"Ano nga ulit yung pangalan nung lider ng mga sigang mga bata?" tanong ko kay Lena.
"Kyle Roan Legazpi po." sagot naman ni Lena.
Okay.
Pagkarating ko sa tapat ng Guidance Office ay isang pamilyar na boses ang narinig kong nagsisisigaw galing sa loob.
"You don't have the right to tell nasty and bad things to my sissy! Don't you know that you could be thrown into prison if I filed a libel case and paninirang puri on the court?! I could punch you in the face without thinking twice but Momma said that justice should prevail."
Napangiwi ako nang mapagtanto ko na ang may-ari ng boses na yun ay ang pamangkin kong si Prime, anak nina Kuya Lee at Ate Sunny.
"Sis, don't waste your saliva on that boy. He's not listening." boses naman ni Second ang nadinig ko, ang kambal ni Prime.
"Ma'am pwedeng umuwi na ko? Inaantok na ko eh." boses naman ni Xeil, ang pamangkin ko kina Kuya Dee at Ate Moira.
Pumasok ako sa loob at mukhang hindi naman na-shock yung tatlo kong mga pamangkin.
Ganda ha! Mukhang ako lang talaga rito ang hindi na-orient sa bagay na to.
"Yo Auntie Em!" poker faced na bati sa kin ni Xeil na katabi ang nagpupuyos sa inis na si Prime katabi ang nakangiting si Second.
"Don't tell me nagtawag na kayo ng back-up?" natatawang sabi nung isang batang lalaki sa isang tabi. Mukhang ito si Kyle.
"Anong meron?" tanong ko hawak hawak ang gustong sumugod na si Prime.
BINABASA MO ANG
12 Gangsters and a Crackpot
Teen FictionMy studies were advanced kaya when I reached 17 ay degree holder na ako. Pero dahil sa naging problema ng merging ng school namin sa school na pagmamay-ari ng bestfriend ni Dada, napilitan tuloy akong magbalik eskwela; back to highschool specificall...