Fourteen

127 6 0
                                    

EMPRESS MAXIA

"Ang boring... Wala ba kayong suggestion diyan na pwedeng gawin diyan?" tanong ko sa kanila.

Magdadalawang buwan at kalahati na rin pala ako dito sa SMA at maraming improvement na ang nangyayari.

Mukhang nagkakasundo na ang dalawang grupong to at mukhang may isang myembro na ng partido ng mga woman-hater nang nalagas.

I'm talking about Damulag, and not that freaking fish named Sinclaire na mukhang may hinanakit pa rin sa mga babae at ako ang napiling gawing punching bag.

Kasalukuyan kaming nasa gitna na naman ng kalsada sa tapat ng bahay namin ni Sinclaire.

Wala kaming rehearsal ngayon para sa BeauCon na bukas na gaganapin kaya heto kami ngayon, mga mukhang tanga sa gitna ng kalsada.

"Bar?" suggestion ni Lopez.

"Call!"sigaw ko.

"NO!"

Napalingon ako kina Damulag at Sinclaire na siyang sumigaw.

Mga KJ.😒

Nakita kong tinapunan ng masamang tingin ni Sinclaire si Damulag pagkatapos ay si Lopez.

"Tsss. Sa Karaoke bar lang naman eh. Mga gag*ng to." sabi ni Lopez.

"Mga Kuya, sige na naman oh! Matagal na kong hindi nagsusunog atay. Puhleaseee???" pagpapacute kong sabi sa mga Pula.

"Alam mo ba kung anong meron sa ibang mga Karaoke Bar ha bubwit? Tsaka anong nagsusunog atay?" tanong ni Damulag.

"Nagsusunog atay is naglalasing. Nagsusunog baga is naninigarilyo. Nagsusunog kaluluwa is  nagdadrugs. Duh Randolph Crisostomo, saang kweba ka ba nakatira?" mataray kong tanong.

"Umiinom ka?" tanong ni En.

"Naman. Anong akala niyo sa kin, weak?" tanong ko na ikinasinkit ng mga mata nila.

"May BeauCon kayo tomorrow kaya hindi pupwede." mariing sabi ni Damulag na ikinalabi ko.

"Fine, Mariano!" tawag ko kay Mariano na nasa likuran ko.

"Oh?" sigaw niya.

"May stock ako sa ref. Kung sinisipag kang magluto handa kong tapyasan yung stock ko." sabi ko.

Sandaling katahimikan ang dumaan.

"Tsss. Oo na Boss. Lakas ng tama mo ah."

Nang makita kong papasok na ng bahay ko si Mariano ay napatayo ako at napasigaw ng isang silent 'Yes' saka sumunod papasok sa loob.

Nagluto si Mariano ng chicken salad na halos ako ata ang nakaubos.

Dahil sa hindi naman ako ganun kaabusadong tao ay binuksan ko yung malaking Plasma TV na kabibili ko lang nung isang araw nung tinopak akong bawasan yung tumatambak kong yaman. Nanood sila ng isang action movie habang nasa kusina naman kami ni CM na nakauwi na kahapon lang.

Ako naghuhugas habang nakabantay sa kin si CM.

Halos lumipad nga yung kilay ko kanina nang minsang sinilip ko sila at nakita kong magkatabi sina Damulag at Sinclaire.

Well, mukhang nagkakasundo na ata sila. Good.

Pagkatapos kong maghugas ay nakisali ako sa kanila na ibang movie na naman ang pinanonood.

Nasa kalagitnaan kami ng tawa nang biglang nahulog yung isa kong figurine na nakapatong sa divider.

"Naku! Sorry Em." nag-aalalang sabi ni Sung.

12 Gangsters and a CrackpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon