Thirteen

119 6 0
                                    

EMPRESS MAXIA

Nasa isa kaming Hotel na hindi ko matandaan ang pangalan para sa unang rehearsal nung BeauCon.

At kahit na ayaw kong makita ang pagmumukha ng Sinclaire ay no choice ako.

Napansin ko ngang medyo hindi niya ako sinusungitan at pinaparinggan these past few days.

Well, yun ay dahil para lang naman akong hangin everytime na magkakasama kami. 😑

Pinagtatawanan na nga ako nung ibang mga candidates everytime na nagpapractice kami nung Production number dahil ayaw hawakan ni Sinclaire yung kamay ko.

Tse! Kung di niya feel ang kamay ko, ay mas hindi ko feel ang kamay niya no! 😒

"Mr. Sinclaire, ayusin niyong dalawa ni Empress ang kung anong problema niyo. Ampanget ng production number niyo don't you know that? Wala akong chemistry na nakikita." reklamo nitong baklang to.

"Wala naman kaming problema Beks eh. BAKA ANG LALAKING YAN ANG MAY PROBLEMA SA KIN." sabi ko.

Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Sinclaire palayo sa kanila. Huminto kami sa may lobby ng hotel.

"Oh?" tanong ko nang lumingon siya sa kin na nakablank expression look lang.

"Napipe ka Sinclaire?"tanong ko.

Humakbang siya papalapit sa kin hanggang sa magkalapit na magkalapit na kaming dalawa.

Syempre hindi ako aatras no. Magmumukha akong kawawa nun.

Pero bigla akong pinagpawisan nang inilapit niya sa kin yung mukha niya.

Ayan na naman yang Badong na yan! Sino ba yan heart?! 😣

"Is your heart beating crazily?" tanong niya.

Agad akong umiling. Pano niya nahulaan yun?

Teka, ano ba talagang trip nitong galunggong na to sa kin?!

Nginisihan niya ako saka humakbang paatras sa akin giving me relief.

"Buti naman kung ganun." aniya saka ako iniwan doon na nalilito.

Anong nangyari? Ba't parang hindi maprocess ng utak ko yung mga pinagsasabi ni Sinclaire?

•••

Nesfrutang Melon Juice!

Hinila-hila pa kasi ako ng galunggong yun tapos iiwanan lang rin pala ako doon. Eto tuloy ako, nawawala dito sa lecheng hotel na to.

Wala naman akong makasalubong na mabait na staff. Halos lahat sila kung hindi ako tatarayan ay iisnobin lang ako.

Kaninong hotel ba to nang masibak tong mga staff na to?!

"I know right? She looks stupid and cheap. Oh My, mukhang yung halaga ng mga damit niya ay kasingcheap lang ng tissue paper ko eh." narinig kong usapan nang mapadaan ako sa isang CR ng girls.

"Nagtaka pa kayo girls, galing S&M Academy eh." tapos nagtawanan na naman sila.

Are they referring to me?

"Let's go?"

Pagkabukas nung pinto ay mukhang nagulat sila na nandoon ako sa harap nung pinto.

"Were you eavesdropping?" mataray na tanong nung isang babae.

"Hindi ako tsismosa para pakinggan ang mga pang-iinsulto niyo sa kin. Malalaki lang kasi talaga yung mga bunganga niyo kaya umabot sa labas yung mga boses niyo." sagot ko.

12 Gangsters and a CrackpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon