Nineteen

110 4 0
                                    

EMPRESS MAIXA

Nagkasundo kaming magkita na lang sa isang Mall 7 PM sharp.

Kaya nang matapos ako sa tambak kong trabaho ay agad akong umuwi para makapagbihis at alam niyo na, magpaganda.

Nakarating ako sa Mall mga bandang 6:37.

"Ang excited ko naman ata." bulong ko sa sarili ko.

Naupo ako sa isang bench doon.

Sa sobrang pagod ay nakaidlip ako.

Napataas ang kilay ko nang makita ko ang oras sa cellphone ko.

"7:15 nang gago ka. Asan ka na ba?" tanong ko at nilibot ko ag paningin ko tapos sa first floor.

Pero walang Boo.

7:28

7:36

7:41

"Wag mong sabihing iindianin mo kong gago ka?" bulong ko.

And then as if on cue... May humihingal na lalaking papalapit sa kin.

•••

MELBOURNE JACQUES

"Sorry Em... Medyo nalate ako..." hingal kong sabi.

"Halata ngang MEDYO late ka... Late ka ng 41 minutes." sagot niya na binigyang-diin talaga yung MEDYO.

"Sorry. Natraffic lang." palusot ko.

Dahil ang totoo niyan ay tinawagan ako ni Ynnah. Kung paano niya nalaman ang numero ko ay hindi ko alam.

Nagsorry siya sa mga nagawa niya sa min ni Red. She explained to me na napilitan lang siyang iwan ako because her father needed her.

She asked me if I still loved her and I answered her a direct answer. That I never trully loved her. And that I finally found the woman for me.

Mukhang naintindihan naman niya iyon kaya iniwan ko na siya sa coffee shop nayun at dumiretso na dito.

Magsasalita sana si Empress pero hindi iyon natuloy dahil tumunog yung cellphone ko.

Si Ynnah.

Akala ko ba... Tsk.

"Hello?" medyo irita kong tanong.

[Mel, someone's been following me... Mel I'm scared. Wala na akong pwedeng matawagang iba...] takot na takot na sabi niya.

"But---"

[Please Mel? Please? Nasa may corner Buenavista ako... Oh God, papalapit na sila!]

And then the call ended.

Tsk.

Napalingon ako kay Empress na mukhang nag-aalala ang mukha.

"May problema ba?" tanong niya.

"May aasikasuhin lang ako okay? Sandali lang yun. Babalik din ako agad." sabi ko sa kanya na ikinasimangot niya.

"Aalis ka na naman?" tanong niya.

"It's just---importante kasi..." palusot ko na naman.

Sh*t!

Bakit parang nagtataksil ako kay Empress sa mga pinaggagawa ko?!

"Okay. Iintayin kita. Pero bilisan mo ah! Nagsasara sila ng 9PM SHARP." nakapout niyang sabi na ikinatawa ko.

"Promise." sabi ko and I kissed her forehead.

12 Gangsters and a CrackpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon