EMPRESS MAIXA
"Auntie, hindi po ba iyon yung boyfriend nyo po?" rinig kong sabi ni Second at may itinuro sa may kaliwa namin.
Sinundan ko yung tinuturo niya and I saw Boo talking to a woman.
"Aba, nambababae ata ang jowa mo Auntie. Ano, bugbugin ko na?"
Hindi na ako magtataka kung ganyan ang approach ni Xiel sa sitwasyon namin ngayon.
"Wag judgemental Maxima." sabi ko.
Lumapit ako sa kanila.
"Boo! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Napalingon sa akin silang dalawa at noon ko lang nakita ang hitsura nung babae.
Mukhang nagtataka siya kung sino akong alien na maganda. But not me, dahil kilala ko na kung sino siya.
"Uy Ynnah! Kelan kapa bumalik?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
"Do I know you?" mataray at maarte niyang sabi.
Trulalo pala ang nasagap ko sa 'source' ko.
May pagkab*tch nga talaga ang isang to.
Ay mali! B*tch pala talaga siya.😒
"No. But I know you. Anyway, hindi ikaw ang kausap ko." sabi ko sa kanya saka hinarap si Boo.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
Tiningnan niya ako saglit saka ibinalik kay Ynnah yung mga tingin niya saka balik sa kin.
"Papunta akong Elementary Department para sorpresahin ka sana. But I guess ako ang nasorpresa dito." sagot niya na agad ko namang nagets yung meaning nung huli niyang sinabi.
"Ganun ba? Galing kaming cafeteria at pabalik na kaming Elem Dep. Sama ka?" nakangiti kong sabi.
Nginitian niya ako which made my heart skip a beat. Kinikilig ako ano ba!😂
"Sure." sagot niya.
"Excuse me lang ha? But who the hell are you?" biglang singit ni Ynnah.
Binalingan ko siya ng tingin.
"Sure you're excused. And I am someone you are not worthy of knowing of." taas-noo kong sagot saka nag-flip hair.
"Excuse me?!" high pitch na tanong niya.
"You're excused nga di ba? Tsch. Tara na nga. Nakakabobo palang kausap tong ex mo, boy. Buti na lang naghiwalay kayo." sabi ko saka hinila si Boo papuntang direksyon ng Elementary Department.
Nakasunod yung mga chikiting na akala mo galing sa kung saang sinehan dahil sa mga pinag-uusapan nila.
"Sayang at walang sabunutan scene." nanghihinayang na sabi ni Prime.
"Mas maganda sana kung sampalan no! Magaling diyan si Auntie! Tinuruan kaya yan ni Momma nung special technique niya sa mga umaali-aligid kay Popsy." sabi naman ni Xiel na ikinailing ko.
"Yung 'Isang Angkan ng Sampal na may kasamang mga Kabit'? Yun ba yun?" tanong ni Second.
Narinig ko ang isang'Pft' galing kay Boo.
"Ambabata pa ng mga pamangkin ko pero andami nang alam." natatawang sabi ni Boo sa kin.
"Anong pamangkin mo? Sa yo? Sa yo? Mga pamangkin ko yan no?!" sabi ko sa kanya at nginitian niya lang ako.
"Soon, magiging pamangkin ko rin ang mga yan." aniya saka siya pumunta sa likod ko at niyakap ako dahilan para mapahinto kami.
"Aba dapat lang no! Jojombagin kita pag di mo pinakasalan ang Auntie ko!" sigaw ng isang Xiel sa likod namin na nagmamadaling naglakad papunta sa unahan namin.
BINABASA MO ANG
12 Gangsters and a Crackpot
Teen FictionMy studies were advanced kaya when I reached 17 ay degree holder na ako. Pero dahil sa naging problema ng merging ng school namin sa school na pagmamay-ari ng bestfriend ni Dada, napilitan tuloy akong magbalik eskwela; back to highschool specificall...