EMPRESS MAIXA
'Please, do everything you can to save my wife agent Maevitch.' pakiusap sa kin ni Mr. Fredrick.
Nginitian ko siya saka hinawakan ang mga kamay niya. Napatitig ako sa mga kamay na yun ng mapansing duguan iyon. Pag-angat ko ng tingin ay tumambad ang duguang mukha ni Mrs. Fredrick.
'Please save my baby.' nanghihina niyang sabi at iniabot sa kin ang isang sanggol. Nang mapatingin ako sa sanggol ay nanghilakbot ako ng isa na lamang iyong kalansay ng isang tuta.
"CM!" sigaw ko at napaupo. Pinagpapawisan ako at naramdaman ko ang kirot sa kanang balikat ko.
"Okay lang kayo Ma'am?"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang nag-aalalang mukha ng isang babae.
Teka, si CM! Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa bench.
"Y-yung aso ko po?" tanong ko.
Nginitian niya ako na ikinahinga ko ng maluwag.
"Okay na po siya pero kailangan pa po niyang mag-stay rito for further medications." sabi niya.
"Alagaan niyong mabuti ang baby CM ko ha? Pero pwede ko ba siyang makita ngayon?" tanong ko.
Dinala niya ako sa isang kwarto. May mga nandoong mga hayop na mukhang may mga sakit o di naman kaya ay may injuries. Itinuro nung babae ang isang crib doon. Nandoon si CM at nahihimbing na natutulog.
Ang sabi nung babae kanina ay tinurukan ng pampatulog si CM para hindi niya maramdaman yung sakit sa opersyon. At hindi pa daw siya pwedeng hawakan dahil baka masakit pa yung tama niya at mangagat pa.
"Pasensya ka na baby CM ha? Pareho na tuloy tayong may tama ng baril ngayon. Tama yung letcheng Sinclaire na yun. Mana ka nga sa kin. Pareho nga tayong mga epal sa buhay ng isang yun." mahina kong sabi.
"Pagaling ka agad ha? Para makapunta na tayo ng park at maturuan kitang maglaro ng friscbee at fetch." dugtong ko pa.
Pinagmasdan ko lang ang mahimbing niyang tulog nang bigla akong may naalala.
Nang sinuntok ko yung pader at napasandal ako dun ay saka ako nakatulog sa kaiiyak.
Pero bakit nagising ako kanina sa may bench? Don't tell me nagi-sleepwalk na ako?😱
Pagkatapos kong magbayad ay pansamantala akong nagpaalam sa mga staff ng center.
Pagkadating ko sa bahay ay naabutan ko sina Damulag sa may porch at mukhang inip na inip na.
"Anyare sa beauty queen namin?" tanong ni Harry Potter.
Napatingin sila sa kin at nagsitayuan.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko.
"Tinawagan kami ni Black. Ayos ka lang ba? Yung aso mo kamusta?" sagot ni Damulag.
Psh. Mukhang nakonsensya ang galunggong na yun sa pinagsasabi niya sa kin kagabi.
"Okay na ko ngayong okay na si CM." sagot ko na ikinatango nila.
"Wala na naman ba tayong klase ngayon kaya andidito kayo?" tanong ko.
"Hehe, inindian nating lahat yung bagong adviser natin." sagot ni MikMik dahilan para sikuhin siya ni Harry Potter.
"Inindian? Nating lahat?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Andaldal mo kasi John Michael eh!" nanggagalaiting sabi ni En.
Nagkamot lang si MikMik na mukhang guilty.
BINABASA MO ANG
12 Gangsters and a Crackpot
Teen FictionMy studies were advanced kaya when I reached 17 ay degree holder na ako. Pero dahil sa naging problema ng merging ng school namin sa school na pagmamay-ari ng bestfriend ni Dada, napilitan tuloy akong magbalik eskwela; back to highschool specificall...