Heaven's POV
"Syyyy! Gising na.... " sigaw ni mama.
"Babangon na po" sabi ko naman.
Haaaayyyy nako saan na naman kaya ako mag aaral? Excited na ako!!! Ayy! Wait lang po... Ako nga po pala si Audree Camille Heaven Montesallve, AC for short, I am 7 years old. I live in... Uh??? Nakalimutan ko po basta 'yon na 'yon. Tapos na po ako sa Kinder and Prep. Papasok na po ako sa ibang school kase lumipat po kami ng ibang bahay.
"Anak, tara na. " pumasok na kaming dalawa ni mama sa loob ng kotse. Inaantok po ako... Matutulog muna po ako ah??? Wag ka po aalis, ba-bye!
ZZZZZZZZZZZZZZZZZ..............
Paggising ko, nandoon na po pala kami sa school na sinasabi ni mama. Nasa.... W-wings A-academy po kami?? Bakit may wings?? Lilipad po ako?? Ang ganda ng school pero 'di makulay. Gusto ko pa naman happy lang! Bawal sad.
"Mama dito po ba ako mag aaral? Bakit po ganito? Bakit hindi masaya? "
Tinignan ko si mama, unti unting bumabagsak ang luha mula sa kaniyang mga mata.
"Mama bakit ka po umiiyak? " hindi sumagot si mama, humagulgol lang ito at niyakap ako.
"A-anak dito ka muna ah? Babalik ako pagkatapos ng klase mo. Enjoy your new school. " niyakap niya ako ulit pero ang yakap na ito ay iba, yung parang ito nalang ang huli naming pagkikita.
May lumabas na isang babae sa loob ng school. Mukhang mabait siya.
"Hello AC! " sabi niya saakin tapos niyakap niya ako.
"Ahhh... Bakit niyo po ako kilala? " nagtatakang tanong ko.
"Ahhh... " mukhang nalungkot siya. " Kilala ko kasi siya. " sabi ni mama. Ngumiti ang babae at tumango.
"Sige na anak pumasok ka na para hindi ka ma late. " Tumango ako at sinabing " Sige po mama ILY. " atsaka ako gumawa ng kalahati ng puso sa kamay ko at inilapit iyon kay mama. Gumawa din siya ng kalahating puso sa kaniyang kamay at ipinagdikit din namin ang aming mga kamay upang makagawa ng puso.
"I Love you more, Anak. " sabi niya kasabay ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata pero agad niya rin itong pinunasan. Yumakap siya ng mahigpit saakin at nag ba-bye na kami sa isa't isa.
"Tara na anak. " sabi nung babae.
"Bakit po anak ang tawag niyo saakin? " tanong ko sa kaniya.
"Ahhh... Kasi anak yung tawag ko sa mga bata dahil nawalan ako ng anak noon. " nalungkot siya.
"Ahhh... Sana po mahanap niyo na po siya. " naka ngiting sabi ko. Ngumiti din siya at sinabing
"Malapit na anak, malapit na. " pag pasok namin sa school bigla akong naging sad. Bakit ang lungkot? Pati tuloy ako naging sad! Pumunta na kami sa room ni ma'am... Hindi ko alam yung name!
"Ma'am ano nga po ulit yung name niyo? " tanong ko sa kaniya.
"You can call me mommy Violeta. " ngumiti siya kaya ngumiti din ako.
"Ang ganda naman po ng name nyo! Pwede po bang Mommy Violet nalang po? Favorite color ko po kasi 'yon eh. " tumawa siya.
"Oo naman! Mas maganda 'yang naisip mo."
Pagkatapos ng klase namin dali dali akong lumabas para hanapin si mama, sabi niya kasi babalikan niya ako hihi! Excited na akong makita siya. Kaso pagdating ko sa gate wala si mama, kahit yung mga parents ng classmates ko wala din. Nakita ko ang mga classmates ko na umiiyak?? Nakayakap sila kay ma'am Belle, yung isa pa namin teacher. Lumapit ako kay mommy Violet.
"Mommy bakit po nag ka-cry yung mga classmates ko?" tinignan niya ang mga classmates ko at tumingin ulit saakin.
"Wala pa kasi yung mga parents nila." napansin ko na din na wala pa si mama
" Ehh si mama ko po? " hindi siya sumagot at parang nag iisip ng dahilan.
"Ahh.. Uhh... Kasi diko alam kung babalikan ka pa niya anak." malungkot na sabi niya.
"Edi wala na po akong mama? " nagsimula na akong umiyak ng malakas.
"Edi ako nalang ang mommy mo! " masayang sabi niya.
"Talaga po? Gusto niyo pong maging mama ko? " tumango lang siya at ngumiti. Tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap siya.
Naglalakad kami ngayon papunta sa isang bahay malapit sa school.
"Mommy saan po tayo pupunta? " tanong ko sa kaniya.
"Sa bahay anak. Uuwi na tayo para makapag pahinga kana. " tumango lang ako at tinignan ang paligid. Mayroong school, mayroong mga bahay, mayroong palengke at mayroong... Ano iyon? Malaking malaking bahay ito at mayroong mga Butterfly sa pinto ngunit wala itong kulay. Bakit walang kulay ang lugar na ito? Hindi kaya malungkot ang mga tao?
Nasa tapat na kami ng isang simpleng bahay. Simple ito pero maganda ang pagkakadisenyo. Mukhang mag isa lang si mommy dito.
"Mommy hindi kaba sad kasi mag isa ka lang dito? " tanung ko.
Umiling lang siya "Hindi na ako malungkot dahil nandito ka na. Hindi na ako nag iisa. " niyakap ko siya.
"Sige na anak, kumain na tayo para hindi ka magutom at para makapag kwentuhan pa tayo. " masayang sabi ni mommy. Ngumiti lang ako at kumain na. Kahit na alam ko na hindi sigurado kung babalikan pa ako ni mama aasa parin ako. Alam ko na babalik siya, hindi niya ako iiwan.
Pagkatapos naming kumain iniligpit na namin ang aming pinagkainan at naghilamos na kami ni mommy. Nakahiga na kami ngayon sa kwarto niya. Ang ganda maraming Butterfly at may mga colors! Napapasaya ako ng kwarto ni mommy! Makulay kasi ito at maraming Butterfly na makulay. Ngunit ang kumuha ng atensiyon ko ang Butterfly na nakasabit sa tabi ng pinto. Ang ganda nito! Rainbow ang kulay ng pakpak niya. Nanatili akong nakatingin sa Butterfly hindi ko namalayan na pumasok na pala si mommy.
"Ang ganda ng Butterfly hindi ba? " tanong niya saakin. Ngumiti ako at tumango.
"Ang ganda ng Butterfly mommy! Colorful 'yong wings niya! " tumawa siya at hinawakan ang pisngi ko.
"Tulad mo anak, napaka ganda mo. " ngumiti ako.
"Salamat po! " sabi ko. Binuhat niya ako at inihiga sa kama.
"Tulog na anak. May pasok pa tayo bukas. " hinaplos niya ang buhok ko.
" May pasok ka din po? " nagtatakang tanong ko.
"Teacher din ako anak. " nakangiting sabi niya.
"Ehh bakit hindi ko po kayo nakikita sa school? " tanong ko ulit.
"Sa ibang school kasi ako nagtuturo anak. " sabi niya habang humihiga sa tabi ko.
"Gusto ko din po mag aral kung saan kayo nag tuturo mommy! " masayang sabi ko.
Tumawa lang siya at sinabing "Kapag malaki ka na anak, sige na sleep na tayo. Good night anak" hinalikan niya ako sa pisngi.
"Good night din po mommy" at dahan dahang ipinikit ko ang aking mga mata.
(A/N: sorry pajibabies kung binura ko 'yong Everything Has Changed... Mas mag eenjoy kayo dito. Pramis. Sorry talaga! Huhu! Sana po mas suportahan niyo pa itong new story ko. Kamsahamnida! Saranghae! ❤❤❤)
BINABASA MO ANG
Wings Academy #watty2017 (Completed)
FantasyIt's all about a simple girl na hindi inaasahang makakapunta sa isang kakaibang mundo. Pero paano kung doon talaga siya nakatira? Paano kung pati siya kakaiba din? Ano nalang kayang mangyayari sa kaniya doon? Welcome to Wings Academy, sa kakaibang m...