Heaven's POV
Nasa underground kami ngayon at sobrang focus na kami sa training dahil malapit na ang aming pag-alis. Marami na kaming natutunan kay ate Chae at mediyo madalas na namin siyang matalo tuwing mayroong laban.
Kalaban ko ngayon si ate Chae. Tumakbo ako papunta sa kaniya at kukunin ko sana ang kamay niya ngunit ang kamay ko ang nakuha niya. Pinaikot niya ito pero hindi gaanong masakit dahil training lang ito at sanay naman kaming masaktan. Hahaha! Hugot!
Sinipa ko siya kaya napa upo siya at nabitawan niya ang kamay ko. Kinuha ko ang kamay niya at umupo ako sa balikat niya atsaka ko kunwaring binali ang kamay niya kaya napa higa siya.
"I'm the winner again..." sabi ko sabay inom ng tubig. Nilagok ko ang dalawang bote ng tubig. Grabe! sobrang nakakapagod.
"Hahaha...I'm the loser again." sabi niya habang naatawa.
"Umamin ka nga saakin ate....Sinasadya mo bang magpatalo?" tanong ko.
"Kilala mo ba ako bilang isang nakikipaglokohan na babae?" balik na tanong niya. Sumeryoso ang mukha niya kaya medyo nagulat ako pero hindi ko ipinahalata.
"Hindi naman ate..." sabi ko.
Kaming dalawa lang ni ate Chae ang nasa ring. Ang Infinity ay nandoon sa shooting area. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto nilang humahawak ng sandata. Paano nalang kung wala silang sandata? Paano nila ipagtatanggol ang kanilang sarili? Hindi ko naman kayang hatiin ang sarili ko sa sampo para bantayan sila isa-isa.
Buti nalang at tinuruan kami ni ate Chae kung paano umagaw ng sandata sa kalaban. Pinuntahan namin ni ate Chae ang Infinity atsaka namin sila pinatigil sa ginagawa nila.
"Infinity... Stop the training now. Time for your break." sabi ni ate Chae kaya binitawan nila ang kaniya-kaniya nilang hawak na sandata.
Tumakbo sila palabas ng shooting area atsaka na kami pumunta sa pwesto namin kung saan madalas kaming kumain. Kain lang kami ng kain.
"Whoooooo! Sarap ng pagkain ngayon ah?!" sabi ni Sania.
"Palagi namang masarap ah..." sabi ni Cyle.
"Iba ngayon dahil si ate Chae ang nagluto...." sabi ni Winter.
"Yiieeeeeeeee....." sabi namin kay ate Chae kaya namula siya.
"Hay! Tama na! Gutom lang iyan." natatawang sabi niya sabay subo ng ng saging.
Tahimik lang kaming kumakain na parang mayroong misa. Walang nagsasalita saamin. Masiyadong seryoso ang lahat kaya naisipan kong basagin ang katahimikan.
"Hmm...nakita ko kanina na sobrang focus kayo sa training. Ngayon ko lang kayong nakitang ganoon ka seryoso. May problema ba?" tanong ko.
"Wala"
"Nothing"
"Wala naman"
"I don't have..."Grabe sila kung makatanggi. Sana nga walang problema ang Infinity ko. Sana walang bumabagabag sa kanila. Kapag nalaman kong mayroong bumabagabag sa kanila, hay nako! Hindi ko nalang alam ang magagawa ko sa kanila.
"Sigurado kayo ah?" tanong ko.
"Ne.... (Yes)" sabi nila. Aba! natuto na silanh mag korean ngayon?
Chae's POV
Habang kumakain kami ng tahimik, bigla nalang nag-ingay ang alarm sa office. Shit! Hindi pwede! Hindi pwede! Please 'wag ngayon!
BINABASA MO ANG
Wings Academy #watty2017 (Completed)
FantasíaIt's all about a simple girl na hindi inaasahang makakapunta sa isang kakaibang mundo. Pero paano kung doon talaga siya nakatira? Paano kung pati siya kakaiba din? Ano nalang kayang mangyayari sa kaniya doon? Welcome to Wings Academy, sa kakaibang m...