Heaven's POV
Pagdating namin sa park agad kaming naglatag ng lampin para maka upo na kami at makakain na dahil mukhang maya maya lang magwawala na itong si Rose dahil gutom na gutom na daw siya. Tinignan ko ang cellphone ko. 3:30 pm na pala, hanggang 5:00 pm lang ako. Tinulungan ko sina Pearl, Rose at Krishna na kunin ang mga hinanda naming pagkain. Sina Roxxi at Kimm naman ang kumukuha ng inumin. At sina Summer, Winter, Cyle, Loisa at Sania naman ang nag-aayos sa mga carpet na hihigaan namin mamaya. Ang sarap makita na ang mga kasama mo ay nag-tutulungan! Ilang minuto lang tapos na naming inayos ang mga pagkain at carpets.
"Yes! Yes! Yes! Sa wakas!!!! " si Rose.
"Anong yes? " tanong ni Summer.
"Y-E-S! Yes! Dahil sa wakas makakakain na ako! Yyyiieeppiiee! " sigaw ni Rose habang pumapalakpak.
At syempre hindi pweding hindi makisabay si Krishna! Magkasundo silang dalawa sa pagkain. Mabilis pa sila sa alas kwatro kapag pagkain ang pinag uusapan. Mga patay gutom talaga! Kaya nga masarap silang kasama. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang dalawa na nagaaway dahil sa pagkain. Ang cute! Sila ang second family ko. Sana talaga totoo ang salitang "WALANG IWANAN" sana talaga, sana.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan silang nagkukulitan, nagaasaran, naglalampungan... Haha! Maharot kami ehh! Kaya hindi nawawala ang pangalan namin sa noisy. Always present sa noisy. Hahaha! Kaya marami na kaming class funds kase sinisingil kami kapag nasulat ang mga pangalan namin sa noisy. Salamat talaga kay lord dahil binigyan niya ako ng mga kaibigan. Sana maging matatag pa ang samahan namin. Sana walang bumitaw.
"Ang ganda ng panahon ngayon. Hindi mainit, hindi malamig, sakto lang. " sabi ni Kimm.
"Oo nga. " sabi ni Winter.
"Maligo tayo mamaya doon oh! " turo ni Cyle doon sa ilog. Malapit kasi kami sa isang malinis na ilog.
"4:00 na guys, ligo na tayo para mamayang 4:30 nagpapahinga nalang tayo. " sabi ko sa kanila.
Tumango lang sila at nagpalit na ng damit. May banyo kasi dito malapit sa park. Naiwan ako, binabantayan ko kasi ang mga gamit namin. At wala akong balak na maligo. Sumandal ako sa puno at pinagmasdan ang paligid. Nagpapakalma saakin ang nature, kapag kailangan ko ng peace pumupunta ako sa lugar na maraming puno. Ipinikit ko muna ang aking mga mata para mas ma feel ko yung nature.
"Ate Heaven! Swimming na tayo. " sabi ni Winter.
"Sige beh, mamaya nalang ako. " tumango lang siya.
"Sabi mo 'yan ah? " tumango ako at ngumiti.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga kasama ko. Ang saya nila, naka ngiti lahat sila. Naghahabulan si Summer at Winter. Naguunahan naman si Loisa at Krishna. Naguusap naman sina Cyle at Sania. Nakalutang naman sa tubig sina Roxxi at Kimm. Naglalaro naman si Pearl at Rose sa tubig. Sana palaging ganito. Walang problema. Masaya lahat. Walang iniisip na masama. Ang sarap nilang panoorin. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha mula sa mga mata ko. Ayaw ko na magkahiwalay kami.Hindi ko kaya. Iniisip ko palang masakit na.
Agad kong pinunasan ang mga luha mula sa mata ko dahil napansin ko na papalapit na sila saakin. Tumayo na ako at kumuha ng 10 twalaya para sakanilang lahat.
"Ang daya mo teh! " sabi ni Krishna.
"Himala tinawagan mo siyang ate. " sabi ni Roxxi ang pinaka matanda saamin pero hindi namin tinatawag na ate. Ako naman ang pangalawang matanda saaming lahat.
"Ehh feel ko lang naman na mas matanda siya saakin eh. " sabi ni Krishna. Wala kasing nakakaalam ng kaarawan ko. Ayaw kong sayangin nila ang oras nila ng dahil saakin. Mas maganda na siguro kung ganito, ayaw kong makaabala.
"Oh cgeh na, magbihis na kayo baka magkasakit pa kayo. " sabi ko sa kanila sabay abot ng twalya.
"Sige ate Heaven. Salamat! " sabi ni Loisa. Pumunta na silang lahat sa banyo para magpatuyo at magpalit. Naiwan na naman ako... Natural na saakin itoh. Mama ko nga nagawa akong iwan sila pa kaya. Pero sana tulad ng mga kaibigan ko babalik parin si mama. Alam ko na hindi niya ako iiwan. Lumapit ako sa ilog at inilabas ang cellphone ko. Kinuhanan ko ng picture yung malinis na tubig. Ang ganda clear na clear!
"Ate Heaven! Tara na! Higa! " sabi ni Pearl.
Ngumiti ako at pinuntahan sila. Sabay sabay kaming humiga at ipinag dikit ang aming mga ulo. Nakatingin kami sa langit.
"Ang ganda talaga ng langit! " sabi ni Kimm.
"Kaya nga ang ganda ko dba? " biro ko sakanila. Umarte naman silang lahat na parang nasusuka.
"Ate diba sabi mo bawal mag sinungaling? " sabi ni Sania.
"Grabe kayo saakin! " natatawang sabi ko sa kanila. Tumawa kaming lahat.
"Basta walang iwanan ah? " sabi ni Pearl. "WALANG IWANAN! " sabay sabay naming sigaw. Walang iwanan guys, kahit kailan walang iwanan. Magiging matatag tayo. Hindi tayo mag iiwanan, No matter what. Kakayanin natin itoh. Walang iwanan.
"4:40 na guys, umuwi na tayo guys may pasok pa bukas. Mag iingat kayo. " sabi ko sakanila.
Si Krishna na kasabay si Pearl. Si Summer, Winter, Roxxi at Kim ang magkasabay. Si Loisa at Rose naman ang magkasabay. Si Cyle at Sania. At syempre the one and only ako na nag iisa. Sanay naman ako. Ganiyan talaga. Tumayo na kami at iniligpit ang dala naming mga gamit. Si Roxxi and Kimm na inaayos ang mga plato at baso. Ako at sina Krishna, Rose at Pearl ang naglinis sa mga kinalat namin. At sina Loisa, Cyle, Summer, Winter at Sania ang nagtupi sa mga carpets.
Hinalikan namin ang isa't isa sa pisngi at niyakap namin ang isa't isa. Sabay sabay lahat sila sa iisang daan kaso maghihiwalay din sila doon sa kanto. Habang ako iba ang daan sakanila.
"Mag iingat kayo ah? Kung may mangyari tawagan niyo lang ako. " sabi ko sa kanila.
"Sige ate ikaw ang unang una naming tatawagan. " sabi ni Winter.
"Oh sige na baka gabihin kayo. " sabi ko sakanila.
"ba-bye ate! " sabay sabay nilang sabi maliban kay Roxxi dahil mas matanda siya saakin.
"Ingat Heaven. " sabi ni Roxxi.
"Kayo din." sabi ko.
"Basta ate pag may bumastos sayo na lalake sipain mo agad doon sa ano nya. Kick his balls." sabi ni Krishna sabay akbay saakin.
"Sira ka talaga! " sabi ko.
"Sige na ba-bye" sabi ko at kumaway. Tumalikod na ako at umuwi na. Hayyy.... Sana hindi na matapos ang araw na ito, ang araw na masaya tayo.
(A/N : Hello pajibabies! One more Update tommorow! Masipag ako ehh. Bumabawi lang. Haha! Don't forget to vote. Thank you. Saranghae! ❤❤❤)
BINABASA MO ANG
Wings Academy #watty2017 (Completed)
FantasíaIt's all about a simple girl na hindi inaasahang makakapunta sa isang kakaibang mundo. Pero paano kung doon talaga siya nakatira? Paano kung pati siya kakaiba din? Ano nalang kayang mangyayari sa kaniya doon? Welcome to Wings Academy, sa kakaibang m...