Heaven's POV
Ito na ang unang araw namin sa BH. Hindi kami pumasok kahapon dahil walang binigay na map saamin ng BH atsaka hindi sinabi sa'min kung ano ang schedule namin.
Maaga akong gumising na madalas ko namang ginagawa. Lumabas ako sa dorm ng dahan-dahan para hindi ko magising ang mga kasama ko. 4:00 am na at gusto kong maglibot. Sinuot ko ang watch na ibinigay ni Roxxi kahapon at pagkatapos sinuot ko na din ang favorite earphones ko.
Habang naglalakad ako, napansin ko na hindi naman gaanong nakakatakot sa BH. Kahit wala akong powers kayang-kaya ko naman libutin ito. Hindi naman ako takot sa mga tao dito. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ako takot mamatay. Kahit anong oras naman pwede talaga tayong mamatay pero kapag nangyari iyon, ready ako.
Habang naglalakad ako pakiramdam ko na mayroon na namang sumusunod sa'kin kaya madalas akong lumingon sa likod ko. Hindi ko alam kung paano ako makakabalik sa dorm pero gora lang hihihi! I'm Heaven the explorer. Hahahahha!
Parang wala talagang pakelam ang mga tao dito kahit mayroong pumatay sa kanila. Puno ng dugo ang BH at wala man lang isang tao na nag-abalang maglinis dito. Habang nakikinig ako ng music, bigla nalang mayroong humila sa braso ko kaya napatili ako pero tinakpan niya agad ang bibig ko.
"Shhh.... I'm not a bad person." sabi niya. Tumahimik na ako kaya dahan-dahan na niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. Who is this? Sino siya? Bakit bigla nalang niya akong nilapitan?
"What do you want?" tanong ko.
"Nothing, I just want to welcome you....you're a transferee right?" tanong niya.
"Ahhh...okay. Thank you sa pagwe-welcome." sabi ko.
"Mark..." sabi niya at inilahad ang kamay niya.
"Heaven..." sabi ko sabay abot sa kamay niya. Binitawan ko kaagad ang kamay niya dahil baka maamoy niya ako. Kapag naamoy nila kami at nag-sneeze sila ibig sabihin noon, kami ay fairy.
"So, why are you here?" tanong niya.
"Hmm...nothing, just wanna see the place." sabi ko at nagsimula ng maglakad. Sumunod siya sa'kin kaya sabay kaming naglakad.
"You, why are you here?" tanong ko.
"I'm guarding this school from 12:00 am to 6:00 am." sabi niya.
"What?" nagtatakang tanong ko.
"Weird right?" tanong niya at ikinabit niya ang mga kamay niya sa bulsa niya.
"Edi, nag-iisa ka lang dito?" tanong ko.
"Nope, 11 kami." sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.
"H-ha? E-eleven?" tanong ko. Nagsimula na akong kabahan dahil paano kung malaman nila?
"Yeah, for sure hinahanap na nila ako hahahaha! madalas akong lumibot at iwan sila dahil nakaka-boring maging guard ng pesteng skwela na 'to!" sabi niya sabay sipa ng bato na nadaanan niya.
"Ahhh...Sige na, bumalik ka na doon." sabi ko at itinutulak siya ng mahina palayo.
"Yish! ayaw ko nga, hayaan mo lang sila." sabi niya.
"Hindi, sige na....bumalik ka na doon." sabi ko.
"Bakit ba pinipilit ko akong pumunta doon?" kunot noong tanong niya.
"Mark!" may narinig akong sigaw kaya kinabahan ako.
"Ahh..sige na! bye!" sabi ko at tumakbo ng mabilis palayo.
Mark's POV
"Mark! kanina ka pa namin hinahanap..." gigil na sabi ni Timbre sabay hila sa tenga ko.
BINABASA MO ANG
Wings Academy #watty2017 (Completed)
FantasyIt's all about a simple girl na hindi inaasahang makakapunta sa isang kakaibang mundo. Pero paano kung doon talaga siya nakatira? Paano kung pati siya kakaiba din? Ano nalang kayang mangyayari sa kaniya doon? Welcome to Wings Academy, sa kakaibang m...