Chapter 51: Healing

1.4K 27 2
                                    

Heaven's POV

Nandito ako ngayon sa dorm ni ate Chae. Simula noong nalaman ko ang lahat ng katotohanan dito muna ako tumira. Noong gabing iyon bago kami matulog, hiniling ko na ikwento na niya lahat ng nalalaman niya tungkol sa pamilya ko dahil gusto ko ng malaman at matapos ang lahat noong araw na iyon. Naalala ko na naman ang mga nalaman ko noong nagkwento siya. Nakakatawa lang dahil mas alam pa ng ibang tao ang kwento ng pamilya ko. Tsk! Hindi ko maiwasang maiyak sa tuwing maaalala ko ang sakit. Pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko dahil ayaw ko na nakikita ako ng iba na mahina ako pero bakit gano'n!? Ayaw tumigil ng luha ko!

-Flash back-

Papunta ako ngayon sa dorm ni ate Chae. Wala na akong ibang mapupuntahan pa. Hindi naman ako pweding bumalik sa BH dahil ayaw kong makita ang makapal na mukha ni Thunder. Ayaw ko namang matulog sa palasyo dahil siguradong araw-araw ko silang makikita at sa tuwing maaalala ko ang nga nangyari, nasasaktan ako. Paulit-ulit nalang akong nasasaktan at minsan iniisip ko, kung namatay ba ako hindi ko na mararamdaman ang sakit? Kung namatay ba ako magiging maayos na ang lahat? Kung namatay ba ako matatanggal na ang lungkot? Kung namatay ba ako hindi na muling tutulo ang mga luha? Kung namatay ba ako hindi na ba masusugatan ang puso ko?

Pagdating ko sa dorm ni ate Chae, kumatok ako ng ilang beses at binuksan naman ni ate Chae ang pinto. Nagulat siya noong una pero hinila niya ako at niyakap dahil noong nakita ko siya bigla nalaang namuo ang mga luha sa mata ko at noong niyakap ako ni ate Chae, hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko.

Pinapasok niya ako sa loob atsaka niya ako pinaupo muna sa kusina. Nagtimpla siya ng gatas para sa'ming dalawa atsaka siya umupo sa tabi ko at ibinigay ito.

"Thanks..." sabi ko at uminom ng kaunting gatas.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya.

"Ate pweding dito muna ako? Ayaw ko kasi silang makasama." sabi ko.

"Oo naman pwedeng-pwede ka dito." sabi niya.

"Ate, gusto ko na talagang malaman ang lahat simula sa una at alam ko na alam mo 'yun kaya pwede mo bang ikwento sa'kin lahat ng alam mo?" tanong ko sa kaniya.

"Alam mo na hindi ba?" tanong niya.

"Oo alam ko, pero hindi lahat. Hindi ko alam kung sino ang tatay ko, hindi ko alam kung paano ako napunta sa ibang mundo, hindi ko alam kung bakit hindi fairy si Nala. Marami pa akong hindi alam at kailangan ko ang tulong mo upang makilala ko na talaga ang sarili ko." sabi ko sa kaniya.

"Gusto mo ba talagang malaman ang lahat kahit ang kapalit ay masasaktan ka?" tanong niya sabay inom ng gatas.

"Handa akong masaktan kung ang kapalit naman nito ay makikilala ko ang sarili ko. What's the point of living in a world full of lies?" sabi ko. Gustong-gusto ko ng malaman ang lahat, handang-handa na ako.

"Noon, mayroong limang magkakaibigan. Dalawang fairy, isang wolf, isang tiger at isang lion. Wala pang mga kaharian at naninirahan ang lahat sa iisang lugar. Isang araw, napagdesisyunan ng lahat na magkaroon ng kaharian dahil dumadami na ang mga tao. Mayroong magkapatid na fairy at 'yun si Arthea at Kathria. Ang mga kaibigan nila ang namuno sa mga  kaniya-kaniya nilang kaharian. Ngunit sa dalawang magkapatid isa lang ang pwedeng mamuno. Hindi alam ng lahat kung sino ang pipiliin nila na mangalaga sa singsing na makapangyarihan ng mga fairy dahil pareho naman silang mabait at mapagkakatiwalaan kaya nagbase nalang sila sa edad. Mas matanda si Arthea kay Kathria kaya siya ang pinili nila. Nang malaman ni Kathria na si Arthea ang pipiliin nila upang maging pinuno biglang nag-iba ang ugali niya. Naging masama siya. Sinabi niya sa mga pinuno ng tatlong kaharian na mayroong itinatago si Arthea na makapangyarihang mga singsing. Noong nalaman ng tatlong pinuno na mayroong kapangyarihan si Arthea gumawa sila ng paraan upang makuha nila ang kapangyarihan ng mga fairy." sabi ni ate.

Wings Academy #watty2017 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon