Heaven's POV
Papasok na ako sa school ng mapansin ko na maraming taong nagtitilian. Lalo na ang mga babae. Hala anung meron ngayon? party? kunut noo akong lumapit sa kung saan maraming tao ang nakalupong. At nakita ko si Krishna at si Jay? totoo ba yung nakikita ko? hindi ba ako nananaghinip? Kumurap ako ng tatlong beses at kinurot ko ang aking sarili.
"Aw! sakit!" inis na bulong ko sa sarili. So ibig sabihin totoo nga na nanliligaw si Jay kay Krishna? OMG! Anyare? natulog lang kami tapos kinabukasan...pak! inlove na si Jay kay Krishna ganern?
Natauhan nalang ako ng may humila saakin. "Ate magpapakamatay ka ba?!" alalang tanong ni Loisa saakin.
Nasaksihan ko na muntik na pala akong mabangga at masagasaan.
"Ahh...h-hindi" utal na sagot ko sa kaniya.
"Hay nako teh! tara na puntahan na natin si Krishna pinagkakaguluhan na siya doon." sabi ni Loisa sabay hila saakin.
Pag dating namin sa puwesto nina Krishna ang daming taong nagtitilian at naghihiyawan.
"Anong mayroon dito?!" inis na tanong ko kaya naman sila ay tumahimik at nag-tinginan.
"A-ate..." nauutal na sabi ni Krishna dahil siya ay nagulat.
"You two..." turo ko kay Krishna at Jay and Infinity! Follow me!" inis na sagaw ko.
"And if I said go back to your rooms, you need to go back to your classrooms bacause if I caught you , I'll kill you all alive!" pagkasabi ko sa linyang "I'll kill you all alive" tinignan ko si Jay kaya naman nag iwas siya ng tingin.
"Go back to your rooms!" sigaw ko kaya naman wala pang limang minuto malinis na ang daan wala ka ng taong makikita.
"Let's go" sabi ko sa Infinity at kay Jay sabay talikod at nauna ng naglakad. Pumunta kami sa office ng mga SPG officers. Pagkapasok namin nagsalita ako kaagad.
"Sit down and lock the door."
Pagkaupo nila nagtanong ako kaagad. "Jay nililigawan mo ba talaga si Krishna o napagtripan mo lang siya?" diretsong tanung ko na ikinagulat niya. Alam ko na hindi ko dapat siya dineretso pero kilala kasi si Jay dito bilang playboy. Alam ko din na bata pa kaming lahat para sa mga ganyan pero ewan ko ba sa kanila! Ang dami nilang alam! BWAHAHAHAHA!
"O-oo nililigawan ko siya." kinakabahang sagot niya.
"Siguraduhin mo lang dahil ayaw mo naman sigurong matulog sa isang espesyal na higaan diba?" naka ngisi kong sabi sa kaniya.
Hindi siya sumagot nag iwas lang siya ng tingin. "Ok all of you...you may go except for Krishna nahil may sasabihin pa ako." sabi ko sa kanila.
Mabilis silang tumayo at umalis. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako nagtanong kay Krishna.
"Sigurado ka ba talaga na nililigawan ka niya?" tanung ko kay Krishna.
"O-oo naman ate." nauutal na sambit niya.
"Baka niloloko ka lang ng mokong na iyon." sabi ko naman.
Hindi talaga ako kumbinsado na sagutin ni Krishna si Jay. " Sige na ate alam mo naman na mahal ko siya noon pa, payagan mo na kami." pagmamakaawa niya.
"Pag-iisipan ko. Masiyado pa kayong bata para sa mga ganiyang sitwasyon. Paano na ang pag-aaral mo pag nabuntis ka? alam ko na mayaman sina Jay ngunit sino ang mag-aalaga sa baby niyo? atsaka ayaw ko pag magka inaanak." dire-diretsong sabi ko.
Hala! kasing bilis ko na atang mag rap si Suga. Hahahahhahaha! Natawa ako sa naisip ko. Tumayo na ako at niyaya na si Krishna na pumunta na sa aming classroom. Nilinis muna namin ang office bago kami lumisan. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mag-isip. Nag-iisip ako ng maraming maraming problema. Pero ni minsan hindi ko naisip ang kapakanan ko. Laging nasa isip ko ang kapakanan ng iba. Wala na akong pakelam sa sarili ko. Wala naman din may pakelam sa akin kaya What for? Bakit kailangan ko pang alagaan ang sarili ko kung wala din pala akong kwenta?
BINABASA MO ANG
Wings Academy #watty2017 (Completed)
FantasyIt's all about a simple girl na hindi inaasahang makakapunta sa isang kakaibang mundo. Pero paano kung doon talaga siya nakatira? Paano kung pati siya kakaiba din? Ano nalang kayang mangyayari sa kaniya doon? Welcome to Wings Academy, sa kakaibang m...