Chapter 11: Lolo leonardo

2K 61 0
                                    

Heaven's POV

'Maaga kang umuwi anak, may darating tayong bisita.' sabi ni mama sa text. Nasa canteen kami ngayon, gutom daw kasi si Rose ehhh.... Break din naman namin kaya okay lang kahit tumambay kami sa canteen.

"Ahh....guys maaga raw akong uuwi ngayon sabi ni mama." sabi ko sa Infinity.

"Bakit ate anong meron?" tanong ni Summer.

"May darating daw na bisita ehh." sabi ko.

Nagtinginan sila na para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko.

Nagtinginan ulit sila at tumili. Niyakap nila ako habang sila ay naiiyak.

"Ate, makikilala mo na ang forever mo." sabi ni Winter.

"Wag mo kaming kakalimutan teh." sabi ni Loisa.

"Ano bang sinasabi n'yo diyan?" tanong ko sa kanila.

"Ehh makikilala mo na yung forever mo....baka kapag nagka boyfriend kana kalimutan mo kami ehhh..." sabi ni Roxxi.

Binatukan ko silang lahat "Mga sira ulo!" inis na sigaw ko saknila.

"Aray naman ate!" reklamo ni Rose.

"Anong aray? eh ano ba kasing sinasabi n'yo diyan?" inis na sabi ko sa kanila.

"Ehh baka kasi makikilala mo na yung forever mo teh...tapos mangalimot ka." sabi ni Krishna

"Anong forever? forever mo mukha mo!" inis na sabi ko.

Mga sira talaga ang mga 'toh kahit kailan. Kaya ko nakakalimutan yung malungkot kong buhay dahil sa kanila.

"Oh my god! May fiesta ata dito girls." maarteng sabi ni  Francess.

"Oo nga, tamang tama sa binili kong pagkain." sabi ni Jane sabay buhos saamin ng mga pagkain na dala nila. Hindi naman ako kumibo dahil may dala naman kaming extrang damit kaya okay lang kung madumihan kami, magpapalit nalang kami. Pero hindi pa ata sila nakuntento dahil hinawakan nila ang mga bohok namin at akmang bubuhusan ng juice, pero agad naming nahawakan ang kanilang mga nakakadiring kamay. Puno ng pintura! Gosh! allergic ako sa mga beauty products!

"Ouch! Let go of me!" naka ngiwing sabi ni Francess.

"Ang ganda ng kamay mo noh? Ang gandang putulin." sabi ko habang humihigpit ang paghawak ko sa kamay ni Francess.

Ibinigay ko ang kamay ni Francess kay Krishna. "Hindi talaga kayo marunong madala ah?" naka ngisi kong sabi sa kanila.

Sinenyasan ko si Roxxi na ipila ang mga Mean Girls at mukhang gets niya naman kaya ginawa nila. Tumakbo ako papunta kay Jeshca, 'yung kaklasi ko na may dalang baseball bat.

"Jeshca pweding  manghiram?" naka ngiti kong tanong sa kaniya. Kaibigan ko din kasi ang isang 'to ehh. Tumango siya at ngumiti

"Saiyo nalang."sabi niya.

"Thanks" sabi ko sa kaniya at tumakbo pabalik sa mga kasama ko.

Kumuha ako ng marker at nagsulat doon sa baseball bat ng 'Good night...ILY'. Inihanda na ni Pearl ang mga pagkain na ibabato namin sa kanila. Tumagilid ako at pumwesto. Parang naglalaro lang kami ng baseball kaso hindi bola ang gagamitin namin kundi pagkain at ipapatama sa kanilang mga mukha. Nagsimula na akong magpatama sa mukha.

"One for you." sabi ko kay Francess at tinamaan ang pagkain na hinahagis ni Pearl sa ere papunta sa mukha ni Francess. Ganoon din ang ginawa namin sa mga natitirang sampo.

Wings Academy #watty2017 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon