Pearl's POV
Alam na namin ang nangyari kay ate at Thunder noong nakaraang gabi. Muntik ng mahulog sa tulay si ate at maraming salamat kay Thunder at sinagip niya ang ate namin. Si Eve naman ay inilibing na.
Habang kumakain kami ng almusal biglang lumabas si ate sa kwarto niya at dumiretso siya sa sink at naghilamos ng mukha.
"Ate, kain na." sabi ko pero tumango lang siya atsaka umalis.
Madalas maging ganiyan si ate. Ayaw na niyang kumain at wala na siyang balak gawin sa buhay niya. Ginagawa namin ang lahat para pasayahin siya at baka sakaling makalimutan niya ang mga nakaraan pero ang laki ng impact sa kaniya ng mga memorya na nakaraan na kaya nahihirapan kaming pasayahin siya.
Tulala lang kaming lahat. Walang kumikibo sa'min. Naghahanap kami ng paraan para pasayahin siya. Nasasaktan din kami kapag nagkakaganiyan siya. Ang sakit para sa'min kapag nahihirapan siya at hindi namin siya matulungan kasi siya lang ang makakatulobg sa sarili niya.
"Hanggang kailan natin itatago?" tulalang tanong ni Kimm.
"H-hanggat kailangan." sabi naman ni Roxxi.
Walang sabi-sabing tumayo ako at naglakad paalis ng kusina. "Saan ka pupunta?" tanong ni Loisa kaya huminto ako.
"Pupuntahan ko ang ate ko." sabi ko na hindi na nag-abalang lingunin pa sila dahil pumapatak na ang mga luha ko.
Tinignan ko ang relo ko at buti nalang at dala ni ate Heaven ang relo niya. Nasa isang garden siya na malapit sa dorm namin. Pinuntahan ko siya dahil alam ko na kailangan niya talaga kaming Infinity.
Pagdating ko doon, nakaupo lang siya sa damuhan at nakatingin sa malayo. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya atsaka ko siya tinabihan.
"Bakit nandito ka?" tanong niya habang nakatingin sa malayo.
"A-ahhh...sinundan kita kasi alam ko na kailangan mo ng karamay." sabi ko.
"Hindi ko kailangan ng karamay. Kaya ko mag-isa." sabi niya.
"H-hindi totoo 'yan." naka ngiti kong sabi pero nasasaktan ako sa sinabi niya. Parang sinabi na rin niya na hindi niya ako kailangan at ang Infinity.
"Haha! Hindi ko deserve ng karamay. Masiyado akong masama kaya wala dapat akong karamay. Dapat ako lang mag-isang nagdudusa dito." naka ngiting sabi niya pero nakikita ko sa mga mata niya ang sakit at ang namumuong luha.
"Hindi totoo 'yan ate. Mali ka! Maling-mali ka." sabi ko. Tuluyan na akong naiyak sa sakit. Bakit ba kasi ganito ang mga nangyari?
"Pagod na ako ehh! Ayaw ko na! Siguro ang sama ko kaya pinaparusahan ako ng ganito. Siguro napakapangit ng ugali ko kaya iniwan ako." sabi niya. Nanghihina ako at mas lalo akong nanghina nang mayroong kumawala na luha mula sa kaniyang mga mata.
"A-ate..." umiyak na ako atska ko siya niyakap.
"Huwag kang umiyak...wala ka namang kasalanan." sabi niya. Nagkakamali ka ate! Marami akong kasalanan, kung alam mo lang.
"Sorry ate ah?" sabi ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Saan?" sabi niya.
"Patawad..." sabi ko habang umiiyak.
"Pinapatawad na kita..." sabi niya kaya mas lalo lang akong naiyak.
Bakit ganiyan ka ate? Bakit kahit gaano kasakit ang nararamdaman mo kaya mo paring magpatawad? Hindi mo pa nga alam ang ginawa namin pero bakit pinatawad mo na kami? Bakit ganiyan ka ate?
BINABASA MO ANG
Wings Academy #watty2017 (Completed)
FantasyIt's all about a simple girl na hindi inaasahang makakapunta sa isang kakaibang mundo. Pero paano kung doon talaga siya nakatira? Paano kung pati siya kakaiba din? Ano nalang kayang mangyayari sa kaniya doon? Welcome to Wings Academy, sa kakaibang m...