Chapter 47: Rescue

694 22 2
                                    

Roxxi's POV

4:00 na ngayon ng umaganat natutulog pa kami ng Infinity ng mag-ring ang phone ko. Nagising kaming lahat sa lakas ng tunog ng phone ko. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ko kung bakit tunog ng tunog iyon at napa-upo ako nang makita ko n tumatawag si ma'am Belle. Sinagot ko ang tawag niya upang maka-usap siya.

"Hello?" sabi ni ma'am mula sa kabilang linya.

"Oh, bakit po kayo napatawag." tanong ko.

"Kailangan niyo ng umuwi ngayon na dala-dala si miss Arthea. Kung hindi pa kayo makakauwi ngayon na dala niyo siya, tuluyan ng mawawala ang kaharian ng mga fairy." sabi niya na ikinatigil ko.

"Kaagad? Ngayon? As in?" paninigurado ko.

"Oo, kaagad, ngayon, as in." sabi niya.

"O-opo eto na gagalaw na kami." sabi ko atsaka na tinapik ang lahat ng Infinity para magising sila at bumangon na.

"Sige. Good luck, naghihintay na ang sasakyan sa labas." sabi niya at binaba na ang tawag.

"GUYS! UUWI NA TAYO SA WINGS!" sigaw ko kaya napa-upo silang lahat.

"Ano?" tanong ni Heaven.

"Kailangan nating umuwi na dala si miss Arthea dahil siguradong mawawala na ang kaharian natin!" sabi ko na ikinalaglag ng panga nila.

"Gumalaw na kayo! Dali! Kunin niyo na ang lahat ng mga armas niyo at let's go na!" sabi ko at kinuha na ang mga bag namin na nakahanda na sa ilalim ng mga kama namin.

Tinignan ko kung kumpleto na ba ang laman ng bag namin. Inilagay na naming lahat ang mga damit namin sa bag namin. Tinignan ko kung nandito pa ang mga armas at kung nandito pa ang mga bala. Check lahat! Pagkatapos naming inayos ang mga gamit namin, nagbihis na kami at nagsuot na kami ng mga mask.

"Bilisan niyo ng kumilos at naghihintay ang driver sa labas." sabi ko.

"Okay ano na 'yung plano." sabi ni Heaven at inilapag ang mapa sa mesang nasa gitna ng bahay. Nilapitan namin siya upang makapagplano na kami.

"Ang bigat ng mga bag natin eh!" reklamo ni Summer.

"Oo nga tapos may armas pa." sabi ni Kimm.

"Mahihirapan tayong gumalaw kapag marami tayong dala." sabi ni Pearl.

"Ganito nalang. Gumawa tayo ng dalawang grupo. 'Yung isang grupo, pupuntahan ang driver at ibibigay ang mga gamita. 'Yung isang grupo naman kukunin na si Miss Arthea.

"Mga Elemental fairy nalang ang kumuha kay Miss Arthea." sabi ko.

"Kailangan din namin ng hypnotism." sabi ni Loisa sa'kin.

"Ganito nalang, si Loisa, Rose, Pearl at Roxxi ang dederetso kay Miss Arthea at kaming natitira ang magbubuhat ng mga gamit niyo. Pagkatapos naming ibigay sa driver ang gamit niyo, susunod nlang kami sa inyo." sabi ni Heaven.

"Eh! Kailangan ka din namin ate Heaven eh!" sabi ni Pearl.

"Huh? Bakit ako wala naman akong powers eh." sabi ni Heaven.

"Kahit na, magaling kang makipaglaban at gumamit ng milyong-milyong sandata." sabi ko.

"Sige ate, sumama ka na sa kanila. Kaya na namin 'to." sabi ni Winter sabay kasa ng baril.

"Sigurado kayo?" tanong ni Heaven kay Winter.

"Yup." sabi ni Winter.

"Sige na! Gora na!" sabi ko.

"Just be alert guys." sabi ni Heaven

Kinuha na namin ang mga gamit namin atska na kami dahang-dahang lumabas sa dorm. Sinikap namin na huwag gumawa ng kahit kaunting ingay lang. Ang location na kung saan si Miss Arthea ay nasa bandang West ng BH. Kung saan mayroong maliit na gubat.

Habang naglakakad kami, may hawak lahat kaming flashlight. Maghihiwalay kami sa bandang gitna ng forest. Sinabi kasi ni ate Chae na sa gitna ng forest at sa left side ay mayroong isang secret passage na daan patungo sa labas ng BH. Suot namin ang mga relo namin at habang naglalakad tinitignan namin ito paminsan-minsan upang tignan kung mayroon bang taong malapit sa'min.

Malapit na kami sa gitna ng gubat at biglang tumunog ang mga watch namin at bigla kaming naalarma nang makita namin na mayroong mga taong nakapalibot sa'min.

"Naamoy ko siya." sabi ni Loisa at pumikit.

"Sino?" tanong ko.

"Sina kuya!" sabi niya.

Heaven's POV

"Sina kuya!" sabi ni Loisa na ikinatigil naming lahat.

"A-ano?! Paano kung malaman nila na fairy tayo?!" tanong ni Summer.

"Paano pag nalaman din nila ng mission?!" tanong ni Winter.

"Hindi ko alam." sabi ni Loisa.

"Shit!" sabi ni Krishna.

"Nakasuot naman tayo ng mask eh." sabi ni Sania.

"Gaga! Tatanggalin din nila 'yung mga mask natin." sabi ni Cyle.

"Ahhh... G-guys sa tangin ko huwag muna tayong mag-usap dahil nandito na sila sa likod natin ngayon." mahinang sabi ni Kimm habang nakatingin sa relo niya.

Dahan-dahan kaming tumingin sa likod at tama ng si Kimm. Nakatingin silang lahat sa'min lalo na si Thunder. Nagtinginan kami ng Infinity at walang kumibo sa'ming lahat. Shit!

"Sino kayo?" sabi ni Maximillion.

"Run!" sigaw ko kaya tumakbo na kaming lahat.

Tumakbo lang kami ng tumakbo pero masiyadong mabilis ang mga Warriors kaya naabutan nila kami atsaka nila kami hinila isa-isa. Kaming dalawa nalang ni Loisa ang hindi nila nakukuha dahil mabilis tumakbo si Loisa dahil may dugo siyanh wolf at ako naman ewan ko kung bakit mabilis akong tumakbo.

"Help!" sigaw ni Roxxi na hawak ni Maximillion.

"Ano na ate?" tanong ni Loisa.

"May kapangyarihan sila." sabi ko at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko. Maiisip din ng Inginity na may kapangyarihan sila.

Hindi nagtagal mukhang naisip din ng Infinity na may kapangyarihan sila. Hay nako salamat naman! Unang gumalaw si Summer. Itinutok niya ang palad niya sa mukha ng taong may hawak sa kaniya atsaka siya nagpalabas ng isang napakaliwanag na ilaw mula sa mga palad niya. Napapikit ang lahat sa ginawa ni Summer at pagkatapos maglabas ng ilaw ni Summer, gumalaw na ang lahat. Kinalaban na ng Infinity ang Warriors at ako ang pinuntahan ni Thunder. Tsk! Ako pa talaga ang kakalabanin niya ah? 'Di ba pwedeng si Loisa nalang? Grabe!

Akmang susuntukin niya ko pero umiwas ako at dali-daling hinawakan ang kamay niya atsaka ko ito inikot papunta sa likod niya. Napasigaw siya sa sakit. Pilit siyang kumakawala at bigla nalang niya akong siniko at ang tanga ko dahil hindi ko agad naiwasan ito. Napa-upo ako at napahawak ako sa ilong ko dahil natamaan ito. Mabilis akong tumayo at saktong pagkatayo ko, sinipa niya ang paa ko kaya nanghihina akong napa-upo. Lumapit siya sa'kin at hinawakan niya ng mahigpit ang bohok ko. Hinawakan niya ang mask ko at akmang tatanggalin niya ito nang hawakan ko ang kamay niya. Natigilan siya noong hawakan ko ang kamay niya.

"H-heaven?" tanong niya at binitawan ng dahan-dahan ang buhok ko. Hindi ako kumibo. Walang salita ang kumawala sa bibig ko.

Hinawakan niya bigla ang mask ko at mabilis niya itong hinila. Gulat na gulat siya nang makita niya ang mukha ko. Hindi ako nagsalita at umiwas lang ako ng tingin. Tumayo ako atsaka ako nagpagpag dahil nadumihan ang suot ko. Nasa kalagitnaan ng labanan ang lahat ng biglang sumigaw si Thunder na ikinatigil naming lahat.

"STOP!!!!!" sigaw niya na umalingawngaw sa buong lugar. Natigilan ang lahat at tumingin ang lahat kay Thunder.

"Hindi sila kalaban. They are the Infinity." sabi niya.

"What the....?" bulong ni Nick.

Wings Academy #watty2017 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon