Heaven's POV
Simula noong umalis ako noong Saturday hanggang ngayon hindi na ako pinapansin ng Infinity. Isang linggo na nila akong hindi pinapansin. Gusto ko lang naman na mapunta sila sa tamang daan. Masiyado pa silang bata. Ayaw ko na matulad sila sa mga ibang bata. Sana maintindihan nila ako, bilang nakatatanda siyempre gusto ko lang naman na ituwid ang mga mali nila. Hindi ko kaya na hindi nila ako kinakausap. Iniwan na nga ako ng mama ko pati ba naman sila. Masiyado pa akong bata para masaktan ng ganito. Ughhhh!!!! Ayaw ko na!!!! Nandito na naman ako sa bahay at siyempre walang kasama dahil wala na atang balak bumalik si mommy.
Mag e-explore nalang ulit ako. Masiyado akong naiinip dito sa bahay. Tsk! iniwan na kasi ako ng lahat. Ang saya ng buhay noh? hahahhahahah! Nag scroll muna ako sa facebook bago umalis ng bahay at pinagsisisihan ko iyon dahil nakita ko ang hindi katanggap-tanggap na post. Lahat ng Infinity kasama si Jay. Napa ngiti naman ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Hahaha ang saya nila sa picture. Nag-react ako ng heart doon sa picture nila. Makita ko lang silang masaya, masaya na rin ako.
Shit! Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha galing sa mata ko kaya mabilis ko itong pinunasan. Inayos ko ang aking sarili at pabagsak na isinara ang pinto ng aking bahay. Haayy...saan na naman kaya ako pupunta neto? Hmmm....tapos na ako sa dalwang destinasyon. Saan na naman? Nag isip-isip ako habang naglalakad.....Ihhhhh! saan na naman kaya?! Ughh!! kakain muna ako, hindi pa ako nag-almusal. Sobrang excited maka alis ng bahay hahahha!! Habang papunta ako sa isang cafe na malapit saamin mayroon akong naramdaman na kakaiba. Parang mayroong sumusunod saakin kaya lumingon ako sa likod at bigla akong nakakita ng shadow kaya sinundan ko ito. Pumasok ito sa isang kanto bago maka punta ng cafe. Pagpasok ko sa kantong iyon biglang lumabas sa bibig ko ang pangalan ni Thunder....at bigla nalang may humatak saakin at nawalan na ako ng malay...
CT's POV
Nandito na ako ngayon sa mundo ko. Papunta na ako sa office ng leader namin.
"Did you do the mission?" tanong ng aming leader. Hindi ko siya sinagot. Tinignan ko lang siya ng walang reaksyon sa mukha. Tsk! Why would I do the mission?
"Answer my question!" inis na sigaw niya kaya napa ngiti ako na mapait. Hahahahaha! Ang sarap niyang asarin!
Tumayo siya at bigla niya nalang akong sinapak kaya tumawa ako ng malakas na malakas!!!! Bwahahahahahhaahha!!! Nakakaawa ka masiyado leader. Tsk tsk!!
"Beat him up" utos niya sa mga kampon niya kaya mas lalo akong natawa.
Bwahahahah!! nakakatawa talaga! Inatake ako ng lahat ng kampon niya. This is going to be fun. Pumosisyon na ako at naghanda sa pag-atake. Sinipa ako ng isa ngunit mabilis akong naka talon at sinipa ang ulo niya sa ere. Bigla naman akong sinampal ng isa kaya umikot ako at buong pwersang sinipa din siya.
Tumingin ako sa kanan at kaliwa at may nakita akong dalawang lalaking papalapit saakin kaya tumalon ako sa ere at humawak ako sa isang kahoy at nag sambitin ako ng parang matsing hahaha! Ngunit pag baba ko bigla nalang akong may naramdaman sa tagiliran ko at hinawakan ko ito at nakakuha ako ng dugo. Tinignan ko kung kanino galing ang kutsilyo at natawa naman ako noong malaman ko kung sino iyon. Ha! ha! ha! Hinawakan ako ng dalawang kampon ng kadiliman atsaka lumapit saakin ang leader nila.
"Still weak!" sabi niya sabay sapak saakin.
"Fuck you!" sabi ko naman sabay dura sa kaniya ng dugo mula sa bibig ko. Nawalan na ako ng malay....
Krishna's POV
Friday na ngayon at 7:30 am na ngunit wala parin si ate Heaven. Dati-rati 7:00 nandito na iyon. Hindi siya pweding ma-late dahil siya ang president. Nagtext siya noong minsan, sabi niya hindi siya makakapasok dahil may lagnat siya. Biglang nag-ring ang phone ko at lumabas sa screen ang pangalan ni tita Violet.
BINABASA MO ANG
Wings Academy #watty2017 (Completed)
FantasyIt's all about a simple girl na hindi inaasahang makakapunta sa isang kakaibang mundo. Pero paano kung doon talaga siya nakatira? Paano kung pati siya kakaiba din? Ano nalang kayang mangyayari sa kaniya doon? Welcome to Wings Academy, sa kakaibang m...