Chapter 38: Queen Bitches

707 28 0
                                    

Heaven's POV

Habang kumakain kami sa cafeteria, biglang mayroong dumaan na grupo ng mga babae na naghaharutan sa tabi ni Rose kaya nasagi ng isa sakanila ang juice ni Rose.

"Fuck!" bulong ni Rose.

Patuloy parin silang nagtatawanan at wala silang pakelam sa nagawa nila. Nakatingin lahat ng istudyante sa kanila. Akmang tatayo na si Rose pero inunahan ko na siya dahil alam ko na ang gagawin niya.

"Rose!" sabi ko sabay harang sa kamay ko upang hindi siya makatayo.

"First day natin kaya konting pasensiya Rose" dagdag ni Roxxi.

"Yeah...kulang lang sila sa PANSIN." diniin ko ang salitang "PANSIN"

Huminto sila sa pagtawa atsaka sila sabay-sabay na humarap sa'kin na mayroong masamang tingin.

"What did you say?!" tanong ng isa.

"Kulang na nga sa pansin, bingi pa." bulong ko pero narinig ata nila kaya hinawak ng isa sa kanila ang damit ko.

"Hindi mo ba kami kilala!" inis na sabi niya.

"Hahahaha! Sino ka ba?!" sarkastikang sabi ko.

"Kami lang naman ang QUEEN BITCH sa buong skwelahan na 'to." sabi niya with hair flip.

"So?" tanong ko. Tsk! bumalik ulit sa dati si Francess dahil nandito siya. Kasama siya sa mga Queen Bitch.

"You want us to be mad at you?" tanong ni Francess sabay taas ng kilay.

"Nope..." naka ngiti kong sabi. Ayaw ko naman talaga ng gulo ehh.

"Oh? Really?" gulat na tanong nila.

"Ayaw ko ng gulo." sabi ko.

"Hahahahahaha!" nagtawanan lang sila.

"Paano kung gusto ka naming awayin? Anong magagawa niyo? Lalo na at bago palang kayo dito." sabi noong babae sa gitna.

Hindi nalang ako sumagot atsaka ko sila tinignan sa mata isa-isa. Nagkatitigan kami ng ilang minuto nang bigla nalang sumulpot sa harap ko si Francess sabay tapon sa'kin ng juice. Napapikit nalang ako sa ginawa niya atsaka ko nalang tiniis ang lamig. Tumawa ang lahat ng tao sa cafeteria. Nagtiis nalang ako dahil ayaw ko talaga ng gulo.

"Done?" naka ngisi kong tanong.

"Yep..." naka ngiti namang sabi ni Francess.

"Thanks for the juice.." naka ngiti kong sabi atsaka ako tumalikod. Sinadya kong i-flip ang hair ko para mabigyan sila ng kahit konting juice lang. Hahahaha! Share your blessings 'di ba?

Naramdaman ko na sumunod nalang sa'kin ang Infinity. Lumabas na kami ng cafeteria at dumiretso na kami sa locker room. Mayroon akong damit doon. Habang naglalakad kami nakita
ko sa malayo si Mark, kasama ang buong barkada niya kaya yumuko ako. Ayaw ko na makita nila ako ng ganito, baka kasi kung ano pa ang itanong nila sa'kin.

"Guys pweding bilisan niyo tapos yumuko kayo.." sabi ko sa Infinity kaya sumunod naman sila.

Noong nagkasalubong kami napatigil si Mark atsaka niya kami sinundan ng tingin. Binilisan ko lang ang lakad ko upang hindi niya na ako maabutan. Habang nakayuko kanina pa ako nagwi-wish na sana hindi niya ako mapansin.

Wings Academy #watty2017 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon