Heaven's POV
Break time namin ngayon naglalakad kami papunta sa canteen. Nakakapagod ,ang daming assignments!!
"YE-!!!!!!!!!" hindi na natapos ni Rose ang isisigaw niya dahil tinakpan ni Kimm ang bibig niya.
"What the F Rose?! Gusto mo ba na maglinis tayo ulit sa library?!" inis na suway ni Kimm kay Rose.
Last time na sumigaw si Rose hindi kami nag break, naglinis kami ng library. Ang lakas kasi ng boses eh! Ilan kaya ang nilunok niyang microphone?? Pwede na siyang maging speaker. Nag peace sign lang si Rose pero inirapan lang nila si Rose. Natawa naman ako sa ikinilos nila.
Naglalakad na kami ngayon papasok sa canteen ng may biglang...
"AHHH!!!!!!" alam ko ang boses na iyon.
Hindi ko kayang tumingin dahil kapag nakita ko kung sino ang may gawa noon sa kaibigan ko baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Ate HEAVEN!!!" sigaw ni Pearl.
Hindi man ako naka harap sa kanila pero alam ko kung sino ang may gawa noon at kung ano ang ginagawa niya sa kaibigan ko.
"Bitawan mo siya." utos ko kay Jane.
Tumawa lang siya na parang isang mangkukulam. Humarap parin ako kahit alam ko na masasaktan ako sa makikita ko. Walang hiya ka talaga Jane!
Nakita ko si Pearl na nahihirapan at malapit ng umiyak, hindi ko siya kayang tignan nanghihina din ako.
"Paano kung ayaw ko?" binigyan ako ng nakakalokong ngisi ni Jane.
" I will give you five seconds para pakawalan si Pearl." sabi ko habang naka ngisi.
"At ano naman ang gagawin mo?" sabi niya na parang kinabahan.
Nagsimula na akong mag bilang. "1" sabi ko habang palapit sa kanila. "2" bilang ko ulit. Humahakbang lang siya palayo. "3" bilang ko ulit.
"GIRLS!!!!!!" sigaw ni Jane kaya naman may naramdaman ako na iba. Tumingin ako sa entrance at BINGO! tumawag ng mga alagad niya.
May training ata ngayon? ang daming kalaban ehh. Tinignan ko sina Krishna na mukhang kinakabahan para kay Pearl. Nasa kanan ko ngayon ang aking mga kaibigan at nasa kaliwa ko naman ang mga girls at si Pearl.
"What's going on here?" inis na sabi ni Francess.
Ang arte! May ibinulong si Jane kay Francess, nginisian ako ni Francess atsaka siya tumango.
"Okay! papakawalan namin 'tong frog na 'to kung... Heaven VS. The Girls" sabi ni Jane.
Wala pa namang isang minuto tinanggap ko na agad ang laban. Parang training lang ah? haha! mas mahahasa ako sa pakikipag laban.
Tinignan ko sila isa-isa. 11 pala sila. Hmmm....mukhang kaya naman. Pinikawalan na nila si Pearl at itinuon ang buong atensiyon nila saakin. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na mukhang alala talaga nginitian ko lang sila para mawala ang kaba nila. Tumingin ako sa mga kalaban ko na kating kati na ang mga kamay nila, gusto na nila akong mahawakan.
"Go!" sigaw ni Jane. Lumapit sila ng sabay sabay saakin. Umatake ang isa sa kanila, sisipain niya sana ako ngunit mabilis ko itong naiwasan. Atake lang sila ng atake at iwas naman ako ng iwas. Salitan silang umaatake saakin. Nakaka inip.
Ngunit sabay sabay nila akong nilapitan at hinawakan ang mga kamay ko. Sinampal ako ni Francess at akmang sasampalin ako ulit ngunit inunahan ko na siya. Sinipa ko siya at siniko ko naman ang mga bruha na humahawak sa mga kamay ko. IWAS,IWAS,IWAS paulit ulit kong ginagawa. Habang umiiwas ako bigla kong narinig si.....PEARL?!
"Ate Heaven!" tumakbo siya papunta saakin ngunit may humablot sa buhok niya.
"Pearl!!!" sigaw nina Krishna. At sa isang iglap 11 VS. 11 na ang laban. Sumali na ang mga kaibigan ko sa laban. Alam ko,naka tingin lahat ng students saamin. Siguradong aabot kay mommy 'toh. PATAY!
And after 123,345,678,910 years natapos na ang laban. Sumuko sila ehh.
"Kayong lahat!" turo ni Jane sa mga students. "Kapag nagsumbong ang isa sa inyo! humanda kayo!" sabi niya at tumingin saakin.
"At ikaw! hindi pa tayo tapos" inis na sabi niya habang inaayos ang alambre niyang buhok sabay walk out.
Tumingin saakin si Francess binigyan ko siya ng nakaka lokong ngisi. Inirapan niya ako at sumunod siya kay Jane. Naka sunod naman ang mga alagad ni Francess sa kaniya. Tulad din nito, parang christmas tree ang buhok. Haha! kulang nalang christmas lights atsaka kaunting decorations. Good luck sa kanila haha!
Tinignan ko ang mga kaibigan ko na puno ng GALOS! biglang nawala ang ngiti ko at napalitan ng inis. Lumapit ako sa kanila.
"What the hell Pearl?!" inis na sabi ko ng makita ko na may malalim na sugat siya sa paa. Ang mga iba naman ay sa kamay at mukha.
"Ugh! Follow. Me. Now." atsaka ako tumalikod at pumunta sa clinic. Buti nalang walang tao. Hinanda ko na yung medicine kit naghanda na ako ng 10 upuan. Unang pumasok si Summer na nakayuko, sumunod naman si Winter tapos si Cyle,Rose, Pearl, Loisa,Kimm, Krishna, Sania and Roxxi.
Pearl's POV
"Sit down." sabi ni ate Heaven.
Nagka tinginan muna kaming sampo bago sinunod ang kaniyang utos. Tinignan ko ang mga kasama ko na mukhang kinakabahan. Grabe kasing magalit si ate Heaven. Ayaw na naming maulit ang nangyari noon. Pinagpapawisan at nanginginig ako. Eh kasi naman baka hindi niya makaya yung 11 na tao. Tinignan ko ulit ang mga kasama ko, Nanginginig din sila gaya ko. At mas kinabahan ako dahil palapit na siya saamin. Yumuko ako at pinigilan ang pag tulo ng luha ko. I admit, I am weak. Pagdating sa mga ganitong sitwasyon mabilis akong umiyak. Paano na kaya?
Umupo siya sa harap namin, hindi ko siya matignan sa mata. Ano mang oras tutulo na ang mga luha mula sa aking mata.
"Why?" sabi niya. Nakatingin na kaming lahat sa kaniya ngayon. Mayroon din siyang sugat. Ngunit hindi niya ito nararamdaman dahil inis ang pinaiiral niya ngayon.
"Why did you do that?" muli niyang tanong.
Walang sumagot saamin kaya naman hinampas niya ang mesa at sumigaw "Why did you do that!?!" hindi ko na napigilan kaya naman tumulo na ang mga luha mula sa aking mata. Takot akong isipin niya na mahina ang tingin namin sa kaniya, na mahina lang siya.
(A/N: sorry guys late update. Keep voting. Thank you guys!!!! ILY!!❤️)
BINABASA MO ANG
Wings Academy #watty2017 (Completed)
FantasyIt's all about a simple girl na hindi inaasahang makakapunta sa isang kakaibang mundo. Pero paano kung doon talaga siya nakatira? Paano kung pati siya kakaiba din? Ano nalang kayang mangyayari sa kaniya doon? Welcome to Wings Academy, sa kakaibang m...