Chapter 44: Butterfly stones

769 21 1
                                    

Pearl's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng dorm at hinihintay si ate Heaven na lumabas. Gusto ko siyang makasabay sa pagpasok ngayon. Maagang pumasok ang Infinity. Dati-rati, unang pumapasok sa'min si ate Heaven pero ngayon nauna ang Infinity. Gusto ko siyang makausap ngayon dahil mediyo matagal na rin noong huli kaming nagkausap.

Habang hinihintay ko siyang makalabas ng dorm, may napansin akong isang bagay na kumikinang sa tabi ng pinto. Kinuha ko iyon at tinignan, gosh! Isa siyang butterfly stone na kulay puti. Ang ganda! Pwede siyang gawing kwintas dahil mayroon siyang maliit na butas sa itaas. Yieee! Wait mo ako ah? Dahil mamaya ay gagawin na kitang kwintas.

Habang nakatingin ako sa butterfly stone na ito biglang bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang isang matamlay na Heaven. Mabilis akong umayos ng tayo atsaka ko siya binati. "Good morning ate." sabi ko sa kaniya ng nakangiti. Tinignan niya lang ako saglit atsaka na niya isinara ang pinto at naglakad na siya. Gosh! Naging totally cold na siya!

Sinabayan ko siya sa paglakad at pilit ko siyang kinakausap. "Ate! Kumusta ka na?" tanong ko sa kaniya.

"Maayos naman ako. Bakit ka nandito?" tanong niya sa'kin.

"Ate, bumalik ka na sa Infinity." sabi ko.

"Tss! Siguradong galit din kayo sa'kin dahil ang tingin niyo sa'kin ay sensitive na babae tama ba? Hindi niyo na ako kailangan dahil kaya niyo ng maging masaya ng wala ako. Nakakatawa na nga kayo ng hindi ako iniisip. Lumilipas na rin ang mga araw na hindi niyo na ako magawang alalahanin." sabi niya. Ghad! Tama siya, galit ang Infinity sa kaniya.

"Ate, hindi totoo 'yan. Sa bawat ngiti at halakhak namin mayroong sakit parin na nakatago doon. Iniisip ka din namin dahil nag-aalala kami sa'yo." sabi ko sa kaniya.

"Kung nag-aalala talaga kayo, kahit galit ako dadamayan niyo parin ako at hinding-hindi niyo ako susukuan pero ano? Iniwan niyo ako. Naging masaya kayo, habang ako ay nagpapakahirap maghanap ng karamay. Mabuti na rin sigurong iniwan niyo ako. Simula ngayon, huwag na huwag niyo na akong lalapitan dahil sanay na akong magdusang mag-isa." sabi niya at nagsimula ng maglakad ulit. Ghad! Naiiyak ako ng sobra. Bakit ba nagkakaganito?!

"Ayaw naming sabihin sa'yo dahil baka masaktan ka!" umiiyak na sigaw ko kaya tumigil siya.

"Sabihin niyo man o hindi, masasaktan at masasaktan parin ako." sabi niya ng nakatalikod at naglakad na siya ulit.

May point naman ang lahat. Hindi ko din naman masisisi ang bawat isa sa'min. Ang point ng Infinity ay ayaw nilang sabihin kay ate Heaven ang sikreto kung walang paalam sa mga nakatatanda at kapag nalaman ni ate Heaven, masasaktan lang siya sigurado. Ang poin

Heaven's POV
Habang naglalakad ako mag-isa, hindi ko maiasang maiyak. Iniwan ako ng nanay ko, namatay ang lolo ko, iniwan ako ni Star, at ngayon naman iniwan ako ng Infinity! Sa bawat araw na dumadaan, unti-unti akong nanghihina dahil sobrang sakit ng nangyayari. Ano ba kayang problema ko? Ano bang problema sa'kin at hindi nila magawang sabihin ang mga problema nila. Siguro wala akong kwenta. Siguro hindi ako mapagkakatiwalaan. Siguro hindi ako naging mabuting kaibigan at ate. Siguro...

Hindi muna ako dumiretso sa school. Pumunta muna ako sa isang wishing well na kung saan ako madalas pumunta. Hinihiling ko araw-araw na sana maging maayos na ang lahat at sana wala ng maghirap. Iniisip ko na sana matapos na ang paghihirap ng lahat dahil sobrang daming tao na ang nasasaktan. Sana maging totoo ang mga hiling ko. Sana...

Pagdating ko sa wishing well, kumuha na ako ng barya sa bulsa ko atsaka ko na ito ibinato ng mahina papasok sa wishing well. Pagkapasok ng baryang ibinayo ko, ipinikit ko kaagad ang mga mata ko atsaka ko na inisip ang hiling ko. Please, sana maging totoo. Pagkatapos kong inisip ang hiling ko, umalis na ako doon atsaka na ko naglakad ulit papunta sa school.

Wings Academy #watty2017 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon