Chapter 30: Ate Chae?

794 20 0
                                    

Heaven's POV

It's our first day of training ngayon pero after class kami magsisimula. Maaga kaming bumangon at nagstretch kami sa labas para hindi mabigla ang katawan namin mamaya.

Stretch

Stretch

Stretch

Pagkatapos naming mag stretch naghanda na kami para pumasok sa skwelahan. Mediyo ayaw kong mag-aral ngayon kaya parang hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi.

Pinilit ako nina Pearl na pumasok kaya pumasok na ako. Ewan ko kung bakit bigla akong nawalan ng gana sa pagpasok pero wala ehh, kailangan ko paring ngumiti kahit masakit na. Ngiti lang Heaven, ngiti lang lagi. Masayahin kasi ako atsaka ayaw ko sa mga malungkot na bagay na papalungkutin ako kaya puro smiling face dapat ang nakikita ko.

Dumating na ang teacher namin kaya nakinig lang kami at nagsulat. Habang nagsasalita ang teacher ko, parang lumilipad ang utak ko dahil ayaw pumasok lahat ng itinuturo niya sa utak ko. Bakit gano'n? Bakit parang mayroong something sa araw na ito? Hayyyy naku! Focus Heaven! Focus!

Discuss

Discuss

Discuss

Lunch

Pagkatapos ng ilang subject, nag-lunch na kaming lahat. Pinili naming order ngayon ang set na mayroong pinaka maraming gulay para lumakas ang katawan namin. Kain lang kami ng kain dahil gusto naming makarami ng gulay.

Kain

Kain

Kain

Pagkatapos ng lunch break pumasok ulit kami sa klase. Wala talaga akong gana sa araw na 'to. Ewan ko ba kung bakit parang ayaw ko talagang pumasok. Hayyyy!!!!!!!!!!!

Discuss

Discuss

Discuss

Dismiss

Sa wakas! natapos ko din ang isang araw! Masaya ako kapag natatapos ko ang isang araw. Feeling ko kasi kapag natapos ko ang isang araw na humihinga pa ako parang mayroon talagang dahilan kaya buhay pa ako. Noong lumabas ako sa room mayroong ngiti na naka guhit sa mga labi ko dahil bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko.

"Infinity....go to the office." sabi ng isang pamilyar na boses babae mula sa office. Ghad! Alam ko ang boses na 'yon. Alam ko kung kanino ang boses na iyon.

Tumakbo kami papunta sa office at ang nandoon pala ay si ma'am Belle lang at si Mr. Sill lamang. Akala ko nandoon si - - yish! never mind.

"Hello girls...." sabi ni ma'am Belle kaya tumango lang ako at sinundan namin siya kung saan siya pupunta.

Pumunta kami sa isang sulok ng office atsaka mayroong pinindot si ma'am Belle doon kaya gumalaw ang pader at bigla itong bumukas. Eto ang magsisilbing elevator para makapunta sa secret training room ng Wings. Habang pababa kami nakikinig lang ako ng music sa headphones ko na wireless. Bluetooth lang ang kailangan para maconnect ang phone mo doon sa wireless earphone. Bigay 'to ni Star saakin para kapag nagtra-trabaho daw ako hindi sagabal ang headphones na ito. Lol! parang agent ako dito ah? hahahaha!

Pagbukas ng elevator lumabas na kami atsaka na ipinakita sa amin ni ma'am Belle ang lugar. Sinabi niya kung saan namin makukuha ang iba't ibang weapons na kailangan namin. Sinabi niya kung saan ang nga target namin. Ang luwang ng underground training room ng Wings! Ghad! This is heaven! hahahahaha! I can see all the weapons na pinapangarap ko lang dati at ngayon ay hawak ko na.

Wings Academy #watty2017 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon