Star's POV
It's Saturday and infinity invited me to go with them in their vacation in Magical sea. Nakakainis nga only boy lang ako. Tsk Tsk! Pupunta kami sa beach and papunta na ako kina Heaven dahil doon ang aming meeting place.
Lumipas ang 30 minutes nakarating na rin ako sa bahay nina Heaven. Naka pants lang ako and plain black shirt. Nakita ko na silang lahat na nasa labas ng bahay ni Heaven. Gagamitin namin ang mini van ng kambal at si tita Violet ang magda-drive.
Sumakay na kami sa mini van nina Winter. Walang kasama si tita Violet sa harap dahil doon lahat ng dala naming gamit. Sumakay na si Summer katabi si Winter, Sania at Cyle. Sumakay na si rin si Loisa katabi si Rose Krishna at Roxxi. Then, si Kimm, Pearl at ako. Huling pumasok sa van si Heaven kaya nakatabi ko siya dahil doon nalang ang bakanteng upuan.
Kung ang mga kasama ni Heaven ay nakasuot ng pants at mga sexy na damit na pang itaas pero si Heaven ay naka pants and naka SWEATER?
"Heaven, pupunta tayo sa beach..." bulong ko sa kaniya.
"Alam ko!" sabi niya.
"Ehh bakit naka sweater ka?" tanong ko.
"Kasi gusto ko! Pake mo ba?" sabi niya sabay harap sa ibang direksiyon.
"Sorry na... Parang matutulog ka kasi ehh.." natatawang sabi ko.
"Matutulog naman talaga ako." sabi niya at ipinikit ang kaniyang mga mata.
"Luhhh...." grave siya oh!
"Kaya 'wag kang maingay..." sabi niya.
"Opo...." sabi ko naman.
Halos 3 hours ang biyahe kaso nagstop kami sa isang store para bumili ng pagkain. Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako. Ginising lang ako ni Pearl dahil baka daw mayroon akong gustong bilin sa store.
Pagkagising ko, may naramdaman akong mabigat sa balikat ko. Tinignan ko kung ano iyon at nakita ko na nakapatong pala sa balikat ko ang ulo ni Heaven. Tsk! Luhh...nalukot tuloy 'yung damit ko! Hmp! Kung hindi ko lang talaga bestfriend ang babaeng 'to! Hayyyyy......Sinubukan ko siyang gisingin ngunit masiyadong masarap ang kaniyang tulog kaya hinayaan ko nalang siya at hindi na ako bumaba sa van. Hindi naman ako gutom ehh...
Heaven's POV
Hmmm....Ang tigas naman ng unan ko! Hindi ako makatulog ng maayos. Hayyy nako!! iminulat ko nalang ang mga mata ko at na-realize ko na hindi pala unan ang hinihigaan ko. Balikat pala ni Star ang hinihigaan ko my ghad! Nakakahiya sa bestfriend kong maarte pa sa babae. Tsk! kung 'di ko lang bestfriend to iisipin ko na bakla siya.
Umayos ako ng upo at natulog
na ulit. Grrr!! Bakit kasi kinalimutan ko 'yung unan ko?! Tsk! Ang sakit tuloy ng batok ko! Huhuhu! Hindi ko alam kung paano ako pwe-pwesto para makatulog ng maayos. Nako! sana tinabihan ko nalang si mama sa harap kaso nandoon lahat ng gamit namin.Habang natutulog ako, bigla nalang hinawakan ng katabi ko ang ulo ko at inilagay niya muli ito sa kaniyang balikat.
"Alam kong nahihirapan ka..." bulong niya.
"Thanks..." sabi ko.
Sweet talaga ng besty ko!! Kyahhh! Hihihi....pero siyempre may hangganan 'yan. Maya maya niyan masungit na siya. Hahahah! Daig pa niya ang babae ehh...parang una pa siyang nagkaregla saamin. Bwahahahaha!
Pagkatapos ng mahabang mahaba kong tulog at sa wakas!!!!!!!! nandito na kami...yehey!!! Bumaba na sila isa-isa at dumiretso na sila sa isang dormitory na kung saan kami matutulog in 2 nights. Naiwan ako sa tabi ng van atsaka ko sinipat kung gaano kaganda ang dagat. It's already 5:00 pm. Ang lamig lamig!!!! Niyakap ko ang sarili ko dahil super malamig talaga!! Pati 'yung nakatali kong buhok naalis ang pagkakatali dahil sa hangin. Pumikit ako at saglit pang dinamdam ang hampas ng hangin sa mukha ko haha! Iminulat ko na ang aking mata at may nakita akong isang lalaki na malapit sa dagat. Huh? Siya nalang ang tao na nasa labas ngayon ehh...Este kaming dalawa ngunit mas malayo siya saakin. Lalapit na din sana ako sa dagat ngunit tinawag ako ni Star.
BINABASA MO ANG
Wings Academy #watty2017 (Completed)
FantasyIt's all about a simple girl na hindi inaasahang makakapunta sa isang kakaibang mundo. Pero paano kung doon talaga siya nakatira? Paano kung pati siya kakaiba din? Ano nalang kayang mangyayari sa kaniya doon? Welcome to Wings Academy, sa kakaibang m...