Prologue
I always thought of happily ever for him and me. Sa sobrang pagiisip ko nagusto ko nang mala-fairytale na love story. Nakalimutan kong nasa realidad pala tayo. Nakalimutan kong hindi pala ito katulad nang mga fairytale stories o katulad ng mga kwentong ipinapalabas sa telebisyon. Isang perpektong kwento na gawa ng magagaling na manunulat. Ang sa aming dalawa, ay isang realidad. Ang fairytale na kwentong gusto ko ay malayo sa realidad. Hindi ko naisip iyon.
Maraming nagbago.
Dahil sa isang pagkakamali. Nang dahil sa isang maling paniniwala.
Hindi ko akalain na maraming pwdeng magbago. Madaming pwedeng mawala, Maraming pwedeng maglaho. At isa na doon ang pagmamahal.. pagmamahal na pinangalagaan sa loob ng mahabang panahon.
Nasira na ang lahat. Sirang-sira.
Isinampal sa akin ang katotohanang kahit gaanu mo kamahal ang isang tao, mapapagod ka din pala. Kahit gaanu mo sya pinapahalagahan andyan padin ang tukso. Minsan akala mo, matatag na kayong dalawa, akala mo, hindi mo magagawang mapagod. Hindi pala..
Pain.
Betrayal.
Regrets.
At Revenge.
Sa pagsasara ng kwento naming dalawa. May bagong magbubukas, isang kwentong magmumulat sakin sa katotohanang hindi lahat.. may happy ending.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book II - Fall Apart
RomanceI always thought of happily ever for him and me. Sa sobrang pagiisip ko nagusto ko nang mala-fairytale na love story. Nakalimutan kong nasa realidad pala tayo. Nakalimutan kong hindi pala ito katulad nang mga fairytale stories o katulad ng mga kwen...