Chapter 28

6.3K 138 19
                                    

Hi. Please do like my page para friends-frieds tayo lahat. hehe.

_

Chapter 28

“B-Brian. Si Kuya.” Nangangatal na utas ko.

Nilapitan ako ni Brian pagkatapos ay agad na niyakap.

“nakatanggap ako ng tawag galing kay Lucy. Papunta sila dito.” Aniya

Kumalat ako sa pagkakayakap sa kanya pagkatapos ay hinarap sya.

“Brian, Anung gagawin natin?” tanung ko.

“Lalaban, Chris. Lalaban tayo.” Aniya.

Hinawakan nya nang mahigpit ang kamay ko. Malakas ang pagkalabog nang dibdib ko. Sobrang kabang-kaba ako at pakiramdam ko hindi ko na magagawa pang magisip nang maayos. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari, Kilala ko si Kuya, Kilala ko sya kapag galit. Boto sya sa amin noo pero ngayon galit na galit sya kay Brian ay sigurado ako na kapag bumalik sya dito kukunin nya ako ng sapilitan, Ayokong umabot sa pagkakataong ilayo nya ako sa lugar na ito. Dahil kapag nangyari iyon, Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang iwan si Brian. Hindi.

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Hinawakan ni Brian ang mukha ko pagkatapos ay pinunasan iyon.

“Wag kang matakot. Hindi kita bibitawan.” Aniya.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay tumungo-tungo sa kanya. Wala akong magagawa kundi ang panghawakan ang mga salitang binitawan ni Brian. I believe in him. Paniniwalaan ko ang anumang sasabihin nya.

Natulog ako nang hapon na iyon. Hindi ko alam kung paanu ko nagawang matulog kahit na ang daming laman ng utak ko ngaun, Sa palagay ko ay sobrang pagod lang ako kaya hindi na kinaya ng katawan ko ang antok. Katabi ko lang si Brian, Nakayakap sya sa akin nang mahigpit. Ayokong iwanan nya ako. Gusto ko palagi lang syang nasa tabi ko.

“Brian.” Utas ko nang idilat ko ang mga mata ko. Ngumiti sya sa akin.

“Honeybee.” Aniya.

“Hindi mo ako iiwan, Hindi ba?”

Hinaplos nya ang buhok ko pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. “Hindi, Chris. Hindi kita iiwan.”

Pumikit ako pagkatapos ay yumakap muli sa kanya. Naramdaman ko ang malakas na tibok nang puso ni Brian, Dalawang taon.. Dalawang taon ko ‘tong hinanap-hanap. Ang gusto ko lang ngayon ay maging masaya kasama si Brian, tama na ang lahat ng sakit. Tama na ang lahat ng paghihirap na naranasan ko, gusto ko naman maging masaya kasama si Brian.

“Chris, Pangako mo sakin. Hindi mo na ako i-iiwan, huh?” Aniya.

Napatingin ako sa kanya nang madinig kong mabasag ang boses nya sa huli nyang linya. Tumungo-tungo ako sa kanya.

“Hindi na kita iiwan Brian.” Utas ko. tumungo sya pagkatapos ay ngumiti sa akin. Hinaplos nya ang mukha ko.

Nakatitig lang ako sa kanya.

“Wag mo akong iiwan, kasi kapag iniwan mo pa ulit ako. Hindi ko na alam kung anung mangyayari sa akin, Chris. Handa kong isakripisyo ang lahat. Ibibigay ko ang lahat ng meron ako. Lahat-lahat, Wag mo lang akong iiwan ulit.” Aniya.

In a Relationship with a DEVIL Book II - Fall ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon