Chapter 35
“Hell-“
“Justine, Tulungan mo ako.” Hinihingal na utas ko.
“Damn. Anung nangyari?” Naramdaman ko ang pagkataranta nang boses nya. Bumuntong-hininga ako nang makarating sa first floor.
“Nasa mall ako. May nakakilala sa akin, Wala na akong ibang malapitan. Justine, Please.” Ani ko.
Nadinig ko kaagad ag pagharurot nang isang sasakyan. “Hintayin mo ako sa parking lot. Malapit lang ako dyan, Susunduin kita. Magingat ka. Doon ka dumaan sa wala masyadong tao.” Aniya.
Tumungo-tungo lang ako sa kanya. Nakayuko ako habang naglalakad. Iwas akong tumingin sa mata nang tao dahil natatakot ako nab aka makilala nila ako, Malayo na ako sa CR pero pakiramdam ko ay hinahabol padin nila ako kaya natatakot ako.
Lumabas ako nang Mall. Agad akong nakita ang isang rumaragasang kotse papalapit sa akin. Inilawan ako noon. Pagkahinto ay nakita ko kaagad si Justine na lumabas. Nagmamadali syang lumapit sa akin habang hinuhubad ang kanyang coat.
“Just-“
Inilagay nya ang coat sa likuran ko at agad akong niyakap. Napasinghap ako sa higpit noon. “Justine, Teka-“ utas ko.
Hinawakan nya ang kamay ko ay inalalayan papasok sa kotse nya. “Common.” Aniya.
Nagpatinaod ako sa paghila nya. Pinagbuksan nya ako nang pinto pagkatapos noon. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay pinagmasdan syang umikot at pumasok na din sa may driver’s seat.
Mabilis nyang pinaandar ang makina pagkatapos ay pinaharurot ang sasakyan.
Pinaglaruan ko ang daliri ko.
“Just, sorry sa istorbo.” Ani ko.
Umiling-iling sya. “Hindi ko istorbo.” Simpleng tugon nya. Binalingan ko sya nang tingin. Nakita kong nagiba ang itsura nya. Nagpakulay sya nang buhok. Mas lalong naging badboy ang dating nya pero mas lalo syang gumawapo ngaun. Gaanu lang ba kami katagal na hindi nagkita? Ang laki nang pinagbago nya.
“Why are you looking at me like that?” anung nya nang silipin ako.
Uminit ang mukha ko kaya nagiwas ako nang tingin.
“Just, saan kaba galing? Tsaka. Nagpakulay ka?” tanung ko. Inilahad ko ang kamay ko para abutin ang buhok nya. Nakita ko kung paanu nanlaki ang mata nya at umiwas sa akin, natauhan ako sa ginawa ko kaya umayos ako sa pagkakaupo.
“Ah. Sorry.” Bulong ko.
Tumingin sya sa bintana pagkatapos ay isinandan ang siko nya doon habang nakatakip sa kanyang bibig ang kamay nya. Malalalim na buntong-hininga ang pinakawala nya, Ramdam kong lalong bumilis ang paghinga nya. Kinakabahan ba sya?
“Uhm. A-anu bang ginagawa mo sa Mall?” tanung nya.
Tumikhim ako. “Ah. Wala naman.” Pagsisinungaling ko.
Hindi sya sumagot. Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin habang binabagtas ang isang daan na hindi naman pamilyar sa akin. Hinayaan ko lang sya. Sa ngaun, Para bang wala na akong pakialam kung saan man nya ako dalhin. Gusto ko lang tumakas sa lahat nang ito. Pagod na ako at kahit sandal gusto ko munang takasan ang problema.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book II - Fall Apart
RomansaI always thought of happily ever for him and me. Sa sobrang pagiisip ko nagusto ko nang mala-fairytale na love story. Nakalimutan kong nasa realidad pala tayo. Nakalimutan kong hindi pala ito katulad nang mga fairytale stories o katulad ng mga kwen...