Chapter 39

5.5K 105 12
                                    

Chapter 39

Mabilis na pinaandar ni Ella ang kotse para makauwi na kami. Panay ang pigil ko sa kanya dahil sobrang nahihilo na naman ako. Nakahawak ako sa tiyan ko habang pinipigilang hindi masuka. Hindi biro ang pagbubuntis ko, Hindi ko malaman kung bakit sobrang selan at hindi ko maiwasang matakot na baka makunan na naman ako, Kaya natatakot akong magkamali. Natatakot ako ni mabunggo o matapilok dahil baka mawala ang bata sa tiyan ko and I swear to God, hinding-hindi ko talaga ‘yun papayagan.

“Shit, Chris. I’m sorry. Are you okay?” tanung nya sa akin

Tumung-tungo ako pagkatapos ay itinaas ang isa kong kamay. Nakita kong nagkunot ang noo nya sa akin.

“You seriously need to see a doctor, chris.”

Tumungo-tungo ako. “I will, I will soon. Ella.”

Nakarating kami sa bahay nila ella. Malalim  na ang at aaminin kong pagod na din ako at inaantok, Pero. Hindi ko ‘to kayang ipagpabukas pa, I want them to know. Gusto kong malaman na nila ang lahat. Gusto kong gumaan na ang sakit na nararamdaman ko.

Bumaba kami ni ella sa sasakyan pagkatapos ay dali-daling pumasok sa loob. Kumalabog ang dibdib ko pagkapasok na pagkapasok naming sa pintuan. Sinalubong ako nang nakakunot na noo ni Kuya.

“Ang tagal nyo naman ata.” Aniya.

Natinginan kami ni ella. Lumapit si Jeff sa amin pagkatapos ay kinuha ang dalang bag ni Ella na may lamang mga gamit ko.

“Hon, ako na. Akyat ko na ‘to.” Aniya. Tumungo-tungo si Ella. Nakita kong umupo sya sa sofa samantalang ako at hindi makagalaw dito. Bumaba si Julie galing taas. Binalingan nya agad ako nang tingin.

“Oh! You’re back. Nagtira kami nang foods. Baka gusto nyong kumain na?” tanung nya.

Umiling-iling ako. Inawang ko ang bibig ko at handan nang magsalita pero hindi ko magawa. Umuurong ang dila ko dahil sa kaduwagan. Mas mahirap pa ‘to kesa sa inaakala ko. Ito na ang huling bagay na kaylangan kong malagpasan, They need to know. Chris, Hindi mo ito maitatago sa kanila habang buhay, lalaki at lalaki ang tiyan mo for pete’s sake!

“Chris.” Bulong ni Ella sa akin. Nagbalik ako sa katayuan at pinagmasdan si Kuya na kinukuha na ang coat nya sa sofa.

“I have to go, babalik nalang ako bukas to check on you,” Aniya. Inilabas nya ang kanyang cellphone pagkatapos ay binalingan ako. “May meeting din ako kay Attorney. Dadaanan ko pa si Alex at ang mga bata.” Itinago nya ang kanyang cellphone sa bulsa ay pinuntahan si Jeff.

“Kayo na munang bahala kay Chris.”

Hinampas sya ni jeff sa dibdib. “Sure, bro.” Aniya.

Pinapanuod ko lang ssila habang nagpapaalam sa isa’t-isa. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay tinignan si Ella.

“Uhm. K-kuya, Can we talk?” tanung ko.

“No. Princess, bukas nalang.” Aniya.

Umiling-iling ako. “Sandali lang.” utas ko.

Naglakad sya palapit sa akin. “You need to rest, bukas na tayo magusap. I’ll be here early, isasama ko si Alex at ang mga bata.” Aniya. “Take care.” Hinalingan nya ako sa noo.

In a Relationship with a DEVIL Book II - Fall ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon