Chapter 4
Flashback
Napatingin ako sa orasan at nakitang alas onse na ng gabi. Nagkakasayahan pa ang lahat, Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam na nang sakit ng ulo, Ngaun nalang ulit ko uminom ng ganito kadami, Batid ko naman na hindi kaya ng katawan ko pero hindi ko madin mapigilan ngaun. Hindi ko alam, pero mas gusto ko nalang maging bangenge sa nangyayari sa paligid.
Ok naman ako eh. Okey ako. Pero may kakaiba lang sa puso ko ngaun at nabubuhay na naman ang sugat na pilit kong ginamot sa loob ng dalawang taon. Ito na naman sya, Nagiging sariwa na naman.
“Chris. Are you okay?” tanung ni Julie sakin.
Tumango-tango ako sa kanya.
“O-oo. Teka, CR lang.” utas ko pagkatapos ay pagewang-gewang naglakad papuntang CR. Nanlalabo ang paningin ko kaya wala na akong ginawa kundi ang patigil-tigil sa paglalakad habang pinapakiramdaman kung matutumba ba ako o hindi.
“ops.” Utas ko nang kamuntikan na akong matumba. Naramdaman kong may nasandalan akong kung sino sa likuran ko. Agad kong nilingon kung sino iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita si Brian na nakakunot ang noo sakin.
Ngumise ako ng mapait sa kanya. “Sorry. Baka nagusot ko ang damit mo.” Utas ko pagkatapos ay pinagpagan pa ang suot nya gamit ang isa kong kamay. Hindi sya nagsasalita sa halip ay binabato lang ako ng nakakasung nyang titig.
Bumigat ang pakiramdam ko lalo na nang maalala kung sa paanung paraan nya halikan si Janice kanina. Ayokong isipin na nagseselos ako. Dalawang taon na ang nakakaraan, Kahit papanu, Nasanay na naman ako ng wala sya sa tabi ko. Kahit na sinabi nya sakin na aalagaan nya ako. Nasaktan padin ako ni Brian. Sinaktan nya padin ako. Paulit-ulit kong tinatatak sa isip ko na hindi naman ako ang nawalan, Pero bakit ganun? Pakiramdam ko. Ako padin ang walang-wala ngaun.. Ako padin ang kawawa. Nakakatawa.
Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko para pigilan ako.
“Bakit ka bumalik?” matamang tanung nya sakin.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. “Bakit? Nabili mo naba ang pilipinas? Hindi naman diba?” utas ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagsinghap nya.
Tumalikod ako sa kanya.
“Hindi naman ikaw ang pinunta ka dito, Wala akong pakialam kung asan kana ngaun. Mr, Fuentes. Gusto ko lang silang makita ulit. Katulad nga ng sinabi mo, You’ve got a life, Ako din naman.” Utas ko pagkatapos ay binalingan syang muli.
Nakita ko ang mga mata nyang nakatitig sakin. May kung anu doon pero ayaw ko ng malaman pa,
“Chris.” Utas nya sakin.
Ngumise ako sa kanya. “Don’t call me Chris. Mga kaibigan ko lang ang may karapatang tumawag sakin sa pangalang yan.” Utas ko pagkatapos ay naglakad na papasok ng banyo. Pagpasok ko sa loob ay agad kong sinarado ang pinto.
Sumandal ako doon. Pinunasan ko ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. Hindi naman totoo ang happiliy ever after eh. Hindi nga nangyari saming dalawa ni Brian ‘yun.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book II - Fall Apart
RomanceI always thought of happily ever for him and me. Sa sobrang pagiisip ko nagusto ko nang mala-fairytale na love story. Nakalimutan kong nasa realidad pala tayo. Nakalimutan kong hindi pala ito katulad nang mga fairytale stories o katulad ng mga kwen...