Chapter 32
Laglag ang panga ko habang nakatingin sa kalendaryo. Hinugasan ko ang bibig ko pagkatapos ay paulit-ulit na binibilang ang mga araw. Pabalik-balik ang tingin ko. Kumalabog nang malakas ang dibdib ko. Umiling-iling ako pagkatapos ay nagtakip nang bibig.
“This can’t be.” Bulong ko
“Chris?” dinig ko ang boses ni Ella na pumasok sa kwarto. Napalingon ako nang mapansin na sumilip sya sa CR.
“E-ella.” Ngatal na utas ko.
Kumunot ang noo nya sa akin. Bumaling ang tingin nya sa figurine na nasa lapag ay nabasag.
“Anung nangyari?” tanung nya.
Ngumisi ako nang pilit. “Sorry. Ihing-ihi ako, kaya natabig ko.” Utas ko
“Hindi kaba nasugatan?”
Umiling-iling ako, Ngumiti sya sa akin.
“Ipapalinis ko nalang ‘yan. Wag mong hahawakan baka masugatan ka. By the way. Did you sleep well?” tanung nya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko tapos sumagot. “Yeah. Thank you.”
“Good. Breakfast is ready. Sunod ka sa baba.” Aniya. Tumungo-tungo ako. Lumabas ako nang makalabas na si ella nang kwarto.
Ngatal akong umupo sa kama pagkatapos ay hinawakan ang tiyan ko. Ayokong isipin na tama ang hinala ko, this will be a big problem kung nagkataon. This will be a big problem kung nagkataon.
Naligo ako pagkatapos ay nagbihis na. nagayos ako pagkatapos ay bumaba na, Nakita ko si Jeff doon na umiinom nang kape habang katawanan si Lucy na nakatop less pa.
“Haha. Jeff, isusumbong kita sa asawa mo!” asar ni Lucy
Nakita kong lumipad ang gitnang daliri ni Jeff kay Lucy. “fuck, kasalanan ni lance, Nasa dating cellphone ko ‘yun. Malay ko bang may back-up sya! Gago!” aniya.
Ngumisi ako sa kanila. “Good morning.” Utas ko.
Binalingan nila ako nang tingin, Nakita kong lumabas si Ella galing kusina.
“Chris, Kumain kana. Wag mong pansinin ang dalawang ‘yan.” Halatang iritado sya.
“Huh? Anyari?” tanung ko. Luminga ako sa paligid. “Si Julie at ang mga bata?” tanung ko.
“Tulog pa si baby, si Julie nasa bahay kasama nang mga bata.” Ani ni jeff.
Tinuro ko silang dalawan na tawang-tawa padin hanggang ngaun.
Tumingin ako ella para sana magtanung pero inunahan na nya ako sa pagsasalita.
“Naginuman silang tatlo kagabi after dinner. Si lance lang ang hindi lasing, Hindi ko alam kung anung ginawa nila at tawa sila nang tawa.” Banas na sabi nya pagkatapos ay pumunta sa kusina. Sinundan sya ni Jeff doon.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book II - Fall Apart
RomanceI always thought of happily ever for him and me. Sa sobrang pagiisip ko nagusto ko nang mala-fairytale na love story. Nakalimutan kong nasa realidad pala tayo. Nakalimutan kong hindi pala ito katulad nang mga fairytale stories o katulad ng mga kwen...