(Author's note: Luin's POV is written by Pia_nicxx while the girl's POV or the girl in the lake is written by mizzle_mist)Her POV
I'm at the bottom of the lake when I felt someone's presence. He's here again.
Umahon ako sa lawa. He's crying. He looks more wasted than before.
"Hey, are you okay?" I asked.
"W-who are you?" He asked stuttering. Why is he stuttering? Am I scary? Or because of his tears?
"You don't need to know who I am." Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako, lalo na kung temporaryo lang ako sa mundo. Mahihirapan lang ako bumalik sa pinanggalingan ko.
Iniling ko ang ulo ko. Why am I thinking this things?
Binalik ko ang atensyon ko sa lalaking ito.
Nakatingin lang siya sakin na para bang may tatlo akong ulo. Ano kayang iniisip nito?
"Bakit naman? Anong meron at ayaw mong sabihin ang pangalan mo?" He asked, wiping his tears. Bihira lang akong makakita ng lalaking umiiyak. I wonder what's the reason. Family? Love Life?
"Miss, bakit nga?" Pagtawag niya ng pansin."Basta, hindi mo na kailangang malaman." I sighed. Umupo ako sa harap niya pero dalawang metro ang layo.
"Why are you wet? Did you swim in the lake?" Tanong pa niya sabay turo sa lawa.
"What do you think?"
"Oo?"
"Halata naman siguro diba?"
He sighed. Tumingin siya sa langit. Sumeryoso ang mukha niya."Weird, naglangoy ka sa lawa nang nakapalda? Tapos gabi pa." Tumigin ako sa suot ko. Yeah, nakapalda nga ako.
He look at me and said, "bakit hindi ka pa umuwi? Gabi na, baka hinahanap ka na sainyo. At saka hindi ka ba nilalamig? Basang-basa ka oh."
"Ayoko pang umuwi." I lied. Hindi sa ayaw kong umuwi. Wala lang talaga akong bahay na matitirhan. At isa pa, dito ako namamalagi sa may lawa. Oo, hindi ako normal. Hindi ako normal na tao. At may dahilan kung bakit ako basa at nandito.
"Family Problems?" He asked. Tumango na lang ako kahit hindi totoo. Alam kong masamang magsinungaling, pero kailangan. Hindi niya maiintindihan kung sasabihin ko sakaniya ang totoo kong pagkatao. Baka sabihan niya akong baliw at matakot saakin.
Kinuha niya ang dala niyang bag at naghalungkat doon. May kinuha siyang isang puting tuwalya at hinagis sakin. Sinambot ko iyon.
"Sayo na yan. Para kahit papaano matuyo ka kahit konti."
"Hindi, ayos lang ako. Hindi naman ako nilalamig. Sanay na ako."
"Sanay kang maglangoy sa gabi?" Kumunot ang noo niya. "Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo, kahit gaano man kabigat ang problema. Lalo na't babae ka."
He is kind and caring.
"Ikaw? Bakit ka umiiyak kanina?"
"Don't get the wrong idea. I'm not a gay."
"I know you're not. Bakit? kapag ba ang isang lalaki umiyak, bakla na agad? Ang totoong lalaki umiiyak. Yan ang totoo."
Tumahimik siya. Ganun rin ako. We keep silent for a couple of minutes before he break the silence.
He told me. He told me what happened. Kung paano siya naghintay sa girlfriend niya. Kung paano siya umasa na pupunta ito. Kung gaano siya nasaktan sa hindi nito pagsipot.
I feel pity for him. But I know, maybe, he doesn't want someone to pity him.
"If she doesn't love you anymore. Let her go. Alam kong mahirap. Alam kong hindi madali. Pero kung ipagpapatuloy mo. Lalo kang masasaktan." Tinignan niya ako ng seryoso.
"Bakit parang alam na alam mo? Naranasan mo na ba?"
"Hindi, pero hindi ibig sabihin nun hindi ko alam. If I will put myself in your shoes. I will set her free."
"Think about it carefully. Suhestion ko lang naman yun. Ikaw parin naman ang magdedesisyon," dugtong ko pa.
"Thanks for listening." Imbes na sumagot, nginitian ko siya. Ngayon lang ulit ako ngumiti simula nung...
"Teka! Anong nangyayari sayo!?" Sigaw niya na gulat na gulat.
"Anong.." Mahina akong napamura sa nakita ko. Bumabalik ako sa isa ko pang anyo. I'm doomed. Hindi niya pwedeng makita ito.
Tatakbo na sana ako pero huli na. Nakita na niya ang kalahati ng katawan ko na nag-iiba nang anyo. Bago pa ako makapagpaliwanag, nahimatay na siya.
Patay, ano nang gagawin ko? Hindi ko pwedeng iwan ang lalaking ito dito. Lalo na at malalim na ang gabi.
I sighed. Wala na akong magagawa kundi hintayin siyang magising.
Bahagya kong itinaas ang kamay ko.
Tubig... Para itong hinulmang tubig.
--

BINABASA MO ANG
Memories of You
Historia CortaA normal Boy who loves a transient Girl. TAG-LISH Fantasy/Short story/Romance THIS BOOK IS RATED PG Date Started: August 13,2017 Completed : April 24, 2018 Authors: -Pia_nicxx -mizzle_mist unedited.