Chapter 13

54 10 0
                                        

Her P.O.V

"Water girl! Thank you!"

Napamulat ako sa narinig. I looked at him and smile. I closed my eyes once again. Di pa man nagtatagal na nakapikit ako, may naramdaman nanaman akong nakatitig sakin. Seriously?

Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ko? Halos araw-araw na yata kaming nagkikita ah.

Hindi ko na lang pinansin pa. Hindi ko namalayan na unti-unti na ulit akong nakakatulog. Ewan ko ba, pakiramam ko pagod na pagod ako at hindi natulog sa mahabang panahon. Ramdam ko na lumubog na ulit ako sa tubig. Pagkatapos non, hindi ko na alam ang nangyari.

NAGISING ako nang may nag-ahon sakin sa tubig. Ramdam ko na niyu-yugyog ako nito na tila ba ginigising. Pero gising na ako. Hindi ko maigalaw ang aking katawan, kahit ang magmulat ng mata hindi ko magawa. Hinang-hina ako.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Kaunting araw na lang ang natitira sakin. Masyado na akong matagal sa mundong ibabaw, hindi na kaya ng katawan ko na malayo sa aking mundong pinagmulan.

"Oy, water girl. Wag ka namang magbiro nang ganyan. Gumising ka na. Hapon na oh. Maggagabi na ulit pero hindi ka pa rin gumugising. Ano ba!" Sabi ng isang tinig at patuloy parin akong niyu-yugyog.

Gusto kong magmulat ng mata, pero hindi ko pa kaya. Kailangan ko pa ng pahinga.

Pasensya na Luin, malapit na akong magpaalam. Alam kong hindi ka pa ayos. Tapos aalis pa ko. Ang sama ko yata. Ni hindi ko pa nga nasasabi ang pangalan ko.

Hinila na ulit ako ng antok.

"Anak."

Ma?

"Anak, bumalik ka na. Makakasama sa'yo ang pananatili dyan."

Alam ko po. Pero nais ko pong manatili rito hangga't kaya ko pa.

"Miss na miss ka na namin. Sana bumalik ka na."

Babalik naman po ako.

"Kailangan ka namin. Hindi mo dapat hayaang manghina ang katawan mo nang tuluyan sa mundong ibabaw. Pag-nangyari 'yon mamatay ka. Alam mo naman diba? Nagawa mo na ang dapat gawin diyan. Nakita mo na at nakapaglibot sa mundong ibabaw. Kaya kung maari bumalik ka na habang kaya mo pa."

Sige po.

Naalimpungatan ako dahil may mainit na likido na pumapatak sa may braso ko. Sa pagkakataong ito nagagawa ko nang igalaw ang katawan ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

Nakita ko si Luin na nakaupo sa tabi ko. Nakahiga ako sa tabi ng swimming pool.

Inangat ko ang aking kamay at pinunasan ang luha sa mukha ni Luin. Pero ang nangyari, lalong nabasa ang mukha niya. Basang-basa pa rin ako. Umupo ako para mapantayan siya.

"Bakit parang nagiging iyakin ka na?" Napatawa pa ako ng bahagya. Pero siya, nakatingin lang sakin ng diretso. Wala nang luha ang tumutulo mula sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong nangyari. Napatingin ako sa langit. Gabi na. Maaliwalas ang kalangitan, kitang-kita ang mga bituin at ang buwan.

"Ui, ano na? Titingnan mo na lang ba ako magdamag? Magsalita ka naman."

Huminga ako ng malalim. "Galit ka ba?"

Still no reponse from him. "Pasensya na napahaba ang tulog ko. Napagod ako masyado."

--

To be continued . . .

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon