Luin's POV
"Pasensya na napahaba ang tulog ko. Napagod ako masyado." She said.
"Ano?! Alam mo bang ang tagal kitang ginigising?!"
Wala pa rin siyang imik,siguro dahil nabigla siya saakin.
"I'm so worried." I hugged her as I said.
"A-ano ka ba? Naninibago lang siguro ako. Ika nga naho-homesick."
Sana nga ganon lang yun, nag-alala ako ng sobra sa kaniya. Hindi ko alam, pero may nararamdaman akong iba, bago lang ito sa akin, para bang may mawawala. Sana nga hindi totoo 'yon.
"Huwag mo akong iiwan." Hinaplos ko ang buhok niya at sinabi ang mga katagang iyon. Tango na lamang ang kaniyang naitugon.
"Hindi ko lubos maisip na lahat ng nasa akin ay umaalis, at ikaw na lamang ang nasa tabi ko. Please, stay." Lalaki ako pero tahimik na umiiyak na naman ako ngayon. Naramdaman ko naman na niyakap niya rin ako pabalik.
"Nasa tabi mo lang ako palagi, Luin" She said while tapping my right shoulder.
Bumitaw ako sa pagkakayakap at tinignan siya ng maigi. Kinuha ko ang isang bracelet sa bulsa ko na kabibili ko lang kaninang umaga nung tulog pa siya.
Kinuha ko ang kaliwang kamay niya at ikinabit ko ang bracelet sa wrist niya. SIlver ito na may maliliit na diamonds.
"Huwag mo yang iwawala dahil bigay ko iyan sa'yo."
"Para saan? Pero thanks, iingatan ko ito." Ngumiti naman siya sa akin.
"Sige na, magpapalit muna ako ng damit dahil baka magkasakit ako, buti ikaw immune na." Sabi ko at dumeretso na sa loob ng bahay para makapagbihis, pagkatapos kong magbihis ay kumuha muna ako ng cookies para sa makakain namin. Binalikan ko si Water Girl dala ang pagkain, bakit nga ba ayaw niya pang sabihin ang pangalan niya?
Nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng pool habang nakalubog ang mga paa niya sa tubig.
"Taong tubig! Tara kain tayong cookies"
"Sige! Pero pwede bang pagkatapos nating kumain ay ihatid mo na ulit ako sa likod ng school? Hindi na kasi talaga ako sanay sa tubig dito." She said while munching the cookies kaya bahagya akong natawa. Nagtaka naman siya.
"Cute mo kasing kumain habang nagsasalita ka." Ngingiti-ngiti naman ako.
She glared at me naman kaya mas lalo akong natawa dahil imagine niyo mukha nito habang ngumunguya ng madami tapos ganoon pa ang itsura? Parang aagawan e.
"Huwag kang mag-alala dahil hindi kita aagawan."
"Tara na habang nakain ka. Maglakad na lang tayo para medyo matagal kasi hindi naman ako pwedeng matulog doon! Haha!" Sabi ko habang natatawa.
"Haha! Oo nga naman" Pagsang-ayon niya.
Habang naglalakad ang mga ilaw ng mga bahay lang ang nagpapaliwanag ng kapaligiran at isama mo na ang bilugan na buwan.
"Ang ganda ng moon noh?"Sabi niya habang nakaturo pa ang cookie sa buwan.
Napangiti naman ako sa mga ikinikilos niya. Lalong hindi ka mawawala sa isip ko eh. Tumango na lamang ako sa tanong niya.
Nandito na kami sa likod ng school at wala namang ibang tao dito. Nagtatakbo naman siya papuntang tubig at naglangoy doon.
Mukhang komportable talaga siya dito. Umupo ako sa tabi habang pinapanood ko siyang nagsasaya.
Mukha lamang niya ang tinitignan ko na tila bang sinasaulo ko ang maganda niyang mukha. Ang swerte ko sa kaniya, dahil may kaibigan akong kakaiba ang lahat sa kaniya. Sana wala ng mawala at bumalik na si Mommy. I miss you, Mom. Sana gumaling ka at huwag mong kalimutan na nandito pa ako at naghihintay sa'yo. Hindi mo naman kasi kailangan mang-iwan.
Itinuon ko na lang ang pag-iisip ko sa taong nasa harapan ko, at pinanood ko na lamang si...
Sino nga ba siya?
Bakit nga ba hindi ko pa alam ang pangalan niya?
Bakit hindi mo sabihin sakin?
Maghihitay ako sa panahon na sasabihin mo ang lahat sa akin.
Na sana pagtinanong kita na 'Anong pangalan mo?' ay sasabihin mo na sa akin ang pangalan mo.
Pangalan at ikaw lang naman ay sapat na.
---

BINABASA MO ANG
Memories of You
Kısa HikayeA normal Boy who loves a transient Girl. TAG-LISH Fantasy/Short story/Romance THIS BOOK IS RATED PG Date Started: August 13,2017 Completed : April 24, 2018 Authors: -Pia_nicxx -mizzle_mist unedited.