Chapter 01

252 17 1
                                    

Luin's POV

Habang nakaupo at nagpapahinga ay naramdaman kong tumunog ang cellphone ko. 

Pagkatingin ko kung sino ang tumatawag ay napangiti ako nang makita kong tumatawag ang girlfriend ko. Mag-iisang taon na kami bukas at excited na ako para sa suprise ko sa kanya.

Sinagot ko kaagad ang tawag.

"Hello? Babe!" Pagbati ko sa kanya.

"Hello? I'm sorry. Hindi ako makakasabay sa'yo mamayang lunch. I-I'm quite busy..." Nauutal niyang sabi. 

"Huh? Okay, but just make sure that you won't skip your lunch, alright? I love you." Sagot ko.

"Yes. Thank you, bye. I'll hang up now." Paalam niya. 

Tsk. 'Di man lang nag-I love you, tss. Alam ko namang busy siya dahil Supreme Student President siya ng school namin kaso ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi man lang siya makapagbigay ng kahit konting oras lang para sakin. Pero iintindihin ko nalang.

Tumingin ako sa paligid ko at napagtanto kong nandito na naman pala ako sa favorite spot ko dito sa likod ng school namin. May lake dito at may mga ilang benches. Restricted area na rin ito but I have ways for me to stay and chill here. 

As the time goes by, mas lalong dumadami ang mga naiisip ko at kung ano ano na namang pumapasok sa isip ko. Hindi ko naramdaman na may tumulong luha na pala galing sa aking mata. Tinuyo ko ang aking pisngi at ninamnam ko na lamang kung gaano kasarap ang simoy ng hangin dito.

I've always feel someone's presence whenever I'm here and I can sometimes feel that it's looking at me. But I don't see anything or anyone. 

Uuwi na nga lang ako, nakalimutan ko na ring kumain. 

~~~

"Mom! I'm home!" Bati ko sa Mommy ko pagka-pasok na pasok ko sa bahay namin.

"At bakit ngayon ka lang dumating Luin Kael? Bakit ka na naman ba nasa school nyo ng Saturday?" Mom asked.

"Alam niyo naman kung bakit ako pumupunta doon 'diba, Mom?" Saad ko at umupo na sa harap ni Mom sa Dining Area.

"Hindi ka na naman ba kumain?" Asik na tanong niya sa'kin. Kilala niya talaga ako. Hindi na ako nagsalita. Tahimik lang kaming kumakain nang binasag ni Mommy ang katahimikan. 

"Alagaan mo naman sarili mo, Luin." Nag-aalala niyang paki-usap sa akin. 

"Yes, Mom. I'm sorry." Sagot ko sa kanya. Ayokong nag-aalala ang mommy ko sakin. 

"Sige. Pagkatapos mo diyan ay magpahinga ka na sa kwarto mo." Sabi niya at pumunta patungong kusina. 

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa higaan.

Habang nakahiga ay bumalik na naman sa isipan ko ang girlfriend ko. I don't know if I'm still excited for tomorrow or not. I just wish that she won't forget our special day tomorrow.

~~~

Kinabukasan ay pumunta ako sa office ng Student Council para dun ko isagawa ang surprise ko sa kanya. Habang wala pang tao ay pinuno ko ito ng Balloons, Gifts, Chocolates, and a banner. After I finished preparing for everything, I closed the door, turned the lights off and just wait for her to come in.   

I was patiently waiting for her at hindi ko na namalayaan ang oras. Pero buong araw pa rin akong naghintay. Sumuko na ako nang makita kong alas sais na ng hapon. Alam kong nagmukha na naman akong tanga. Buong araw ay text ako nang text, tumatawag pa nga! 

Kinuha ko ang phone ko at sinubukan ko ulit tumawag pero nagri-ring lang ang phone niya. Ite-text ko nalang ulit.

Hey? Where are you? I'm still waiting here. 

Why don't you answer my calls?

Do you know what day is to day? It's our 1st Anniversary! 

Talaga bang siya na ang mahal mo?  Hindi na ba ako? Lagi mong excuse ay busy ka. Oo nga! Busy ka sa kanya. But, I'll still listen to your explanations. Please. 

Napuno na ako kaya ko nasabi yun. Alam ko na may nagugustuhan siyang iba habang kami pa pero isinawalang bahala ko iyon. Naging martyr at tanga ako sa kanya.

 Umalis ako sa Office at pumunta sa favorite spot ko. Umupo ako sa ilalim ng puno at pumikit habang dinadamdam ang sakit na nararamdaman ko. Habang nakapikit ay nararamdaman kong tumutulo na naman ang luha sa aking mga mata. 

"Hey, are you okay?" Napamulat agad ako ng aking mga mata nang may marinig akong boses ng babae sa harap ko. Pagkakita ko sa kanya ay nagtaka ako kung bakit basa siya. Naligo ba siya sa lake?

"W-who are you?" 

----

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon