Chapter 12

67 9 0
                                    


Her P.O.V

"You should go home, baka magkasakit ka."

"Sumama ka na lang sa bahay ko, di ako sanay na walang kasama sa bahay at saka wala yung mga maids namin. Nasa bakasyon kasama ang mga pamilya nila. Mag-isa lang ako ngayon."

"Fine, ngayon lang ha?"

"Pwede rin sa susunod." He said. He's grinning from ear to ear. Napabusangot na lang ako. Tumatawa siya ngayon habang hawak ang tiyan niya. Nakakatawa ba talaga ang mukha ko? Utas siya eh.

Tumalikod ako sa kanya at humakbang palayo. Kunwaring galit, pa walkout effect.

Luin's POV

Napatigil ako sa pagtawa. What's with her?

"Natututo ka nang umarte. Arte mo na ha. Ito naman, nagjo-joke lang eh."

Humarap siya saakin at nabigla ako nang sumigaw siya. 

"Whatever! Ikaw kasi eh!"

"Sige na Sige na. Tara na sa amin."

"Feel at home ka lang, ako lang naman tao dito sa bahay."

"Eh...paano ako uupo sa couch kung basa naman ako"

"Ay oo nga pala. Teka ito, dito ka na lang sa dining area, hindi tela ang inuupuan dito."

"May swimming pool ba kayo?" She asked.

"Ahh, oo samahan kita sa likod ng bahay."

"Thanks. Nakasanayan ko na kasi talagang matagal sa tubig. Alam mo naman ako."

"Okay lang! Basta may makasama ako."  Ang lungkot kasi ng bahay dahil walang tao.

Bago kami pumunta sa pool ay nagdala na rin ako ng makakain kung sakali na magutom ako at...siya?

Tumalon na agad siya sa swimming pool at buti na lang at 6ft iyon at baka bali na ang buto non pag mababaw lang. Tsk. tsk.

Maya-maya lang ay hindi pa rin siya na ahon. Buti pa siya nabubuhay sa ilam ng tubig. Napailing na lang ako sa aking naisip.

Kumuha ulit ako ng cookie at sumubo, hinihintay ko talaga siyang umahon eh. 

Lumipas ang ilang minuto wala pa rin. Kaya tumayo na ako at tumalon din sa swimming pool.

Nanigas ako bigla. Ang lamig ng tubig! Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko siyang nakapikit habang nakaupo! Ano ba ito? Hindi lumulutang e!

Tinitigan ko siya ng ilang segundo at hindi ko na talaga kaya! Umahon na agad ako baka mamatay ako sa lunod. Umalis na ako ng pool at bumalik sa lamesa at ngumuya ulit ng cookies.

Bigla naman siyang umahon.

"Sorry ha! Nakatulog lang." W-what?! Nakatulog?! Baka pag ako yun ay patay na ako!

"Ha-ha! Okay lang!" Sabi ko naman.

"Pwede ba dito na lang ako matulog?"

"Kung saan ka komportable."

Nagfloating naman siya habang nakapikit. Tinitigan ko lang siya pero bakit parang kinakabahan ako? Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Napaisip na lang ako. Ang laki na ng naitulong niya sa akin, lalo na at lagi niya akong kino-comfort pag nasasaktan ako. Tinignan ko siya ng ilang sandali at tinawag ko siya.

"Water Girl! Thank you!" I shouted.

---

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon